~Chapter 7: Sabrina~

2.2K 52 2
                                    

CHASE'S POV
"Bro! Himala ang aga mo ngayon?" Salubong sakin ni Jaxx sabay akbay.

Nandito kami ngayon sa isang lumang bodega kung saan mangyayari lahat ng dapat mangyari.

"Oo nga, kadalasan dumadating ka sa kalagitnaan na ng laban eh." Takang tanong ni Zane.

"Whatever, nasan na sila?" Sabi ko habang hinahanap ang KAG.

Ang KAG ay isang grupo ng mga gangsters na katulad namin, sa lahat ng gangster groups dito sa pilipinas, sila ang arch enemy ng group namin.

Katulad namin, isa sila sa mga sikat na gangster group sa pilipinas.

"Wala pa eh."maikling sagot ni Calix.

"Pa-VIP.." Bulong ko sa sarili ko.

"Hey boys!" Napalingon kami sa nagsalita. "Long time no see." Ang lapad ng ngiti niya. Sobrang mapang-asar ito.

"KAG." Bulong ko.

"Kamusta na si babe Jamaicca ko? Alagaan mong mabuti yun ah. Ikakasal pa kami." Pang-aasar ni Kyle sakin.

Si Kyle ang leader ng group na KAG. Patay na patay siya kay Jamaicca, yun ang dahilan kung bakit kami naging arch enemy. Pinag-aagawan namin si Jamaicca.

Tapos malalaman ko pang may dumagdag lalaking aagawan ako kay Jamaicca at yun ay si Alex. Mas lalo pang nag-init ang ulo ko dahil bestfriend ko pa.

The hell i care kung selfish ako. Eh gusto ko saakin lang si Jamaicca eh!

"Shut the f*ck up. She's not yours." Kalmado kong sabi. Sobrang talim ng tingin ko kay Kyle. Siguro sa kanya ko ibubuhos yung galit ko kay Alex.

"Well, she's not yours either. STEP-BROTHER ka lang." Diniinan niya talaga yung salitang step-brother. Napayukom naman ang kamao ko.

*Jamaicca Calling*

"Why?"

("Nasan ka?")

"Wala kang pakielam." Cold kong sabi habang sinasamaan ng tingin si Kyle. Nginingisian niya lang ako na parang nang-aasar pa.

("Im serious.")

"Nasa club nga ako." Iritang sagot ko.

Ayoko ng binabalewala ko siya ng ganito pero nakakabakla, pero nasaktan ako sa ginawa niya.

Naghintay ako ng isang oras sa park tapos hindi naman siya pupunta!

Yung deal, remember?

Tapos malalaman kong hindi siya pumunta dahil nakipaglalandian siya kay Alex.

Ang ikinagalit ko talaga ay nung hinalikan ni Alex si Jamaicca!

G*go siya, kapag nakita ko lang siya, papatayin ko siyang g*go siya.

("Liar.") Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman na nagsisinungaling ako?

Hindi ako sumagot at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

("Nakita kita kanina kasama ang JCACZ, nakamotor kayo. Sinundan ko kayo gamit ang bike ko at... Bat kayo nandito sa isang lumang bodega?")

"SH*T!"

JAMAICCA'S POV
"Nakita kita kanina kasama ang JCACZ, nakamotor kayo. Sinundan ko kayo gamit ang bike ko at... Bat kayo nandito sa isang lumang bodega?" Nakapagtataka lang kasi eh. Etong bodega kasi na ito, nasa kalagitnaan ng gubat. Nakakatakot nga eh. Gabi pa naman ngayon.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon