JAMAICCA'S POV
"Jamaicca.." Rinig kong boses ng isang lalaki. Im sure na hindi si dad to. Uhm, antok pa ako."Jamaicca, gising na.." Bwiset naman tong lalaking to. Sino ba to at ang kapal ng mukhang istorbohin ang tulog ko.
Masyado pa akong inaantok kaya hindi ko nalang siya pinansin.
Mga ilang minuto din ay wala nang nang-iistorbo sakin. Eh di maganda! Makiramdam naman kayo. Nakikita niyong inaatok yung tao-
"Ahhhh!" Napabangon ako ng di-oras. Gatok surprise shower yun ah.
"Goodmorning chocolate." Napatingin ako sa harapan ko. Kumuha ako ng unan at pinag-hahampas hampas siya.
T*ngna inaantok pa ako tapos bubuhusan ako ng malamig na tubig!
Take note: MALAMIG na tubig as in, may yelo!
"Hahaha! Aray masakit!"
"P*kyu po kayo! Natutulog pa ako eh!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh ayaw mo pang bumangon eh!"
"Ano bang pakielam mo kung bumangon man ako oh hindi?"
"Op op op, may nakakalimutan ka ata.."
"Eh?"
"Sabado ngayon." Ang lapad ng ngiti niya ngayon. Eh?
"Ano naman ngayon?" Pagkasabi ko nun, nawala yung ngiti niya.
"May date tayo, remember? Pinaalam na kita kay tito nung isang araw." Ay p! Takte oo nga pala.
"Nakalimutan ko. Hehe.."
"Ikaw chocolate ah, kinakalimutan mo na date natin. Nagbago ka na talaga..." Napapout pa siya. Kunwaring sad face.
"Ang drama mo. Mukha kang tanga." Hindi niya parin binabago yung mukha niya. Napabuntong-hininga naman ako.
"Oo na oo na, maliligo na ako." Nagbago naman bigla yung mukha niya. Sumaya ulit yung mukha niya
Tss... Bipolar.
____________
"Ano nga pala papanuorin natin? Diba mag-sisine tayo, Barbie?""Wag na tayo mag-sine. Arcade nalang tayo." Bigla naman akong na-excite.
"Sige sige!"
Pagdating namin dun, ang daming tao. Sabagay, sabado kasi eh.
"Anong unang gusto mong puntahan?"
"Coin machine!" Since bata pa lang ako favorite ko na yun. Tumango lang siya.
Pagdating namin sa coin machine, madaming naglalaro pero buti nalang may empty slot pa.
Pupuntahan na sana namin yun pero may couple na siningitan kami.
"Babe oh, try natin to." Teka, bat parang familiar yung boses na yun?
Paglingon nila..
O__O
"Chocolate, diba yan yung katulong mo? Yung nakasama mo nung kinidnap kita? Day off niya pala ngayon..." Sabi ni Jameson. Hindi ko alam kung nang-iinis siya o talagang akala niya katulong ko si Sabrina.
"How many times do i have to tell you, IM NOT A MAID!" Napatingin ako sa kasama niya, umiiwas siya ng tingin sakin. Napatingin naman ako sa kamay nila.
Wow. Holding hands. Sweet. (Insert sarcasticness here.)
"Nagda-date kayo?" Tanong ko kay Sabrina. Napa-irap naman siya.
"Dont state whats obvious."
"Ah! Double date kaya tayo?" Napatingin naman ako kay Jameson. Double date? Pano magiging double date eh hindi nga kami nagda-date ni Jameson.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
Fiksi RemajaSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...