~Chapter 15: Barbie and Chocolate~

1.6K 39 0
                                    

JAMAICCA'S POV

"Jamaicca gising!" Nagising agad ako dahil sa boses ni Alex.

"Magtago ka, may nakakita satin na ibang grupo." Naalarma naman ako nun. Ako nalang pala hindi gising. Wala na kasi si Sabrina sa tabi ko eh.

"Nasaan sila Chase?" Taranta kong tanong.

"Nagtatago sila ni Sabrina. Magtago tayo." sabi niya. Sa itsura at boses niya, hindi siya natataranta. Ang cool lang. Lalabas na sana kami ni Alex sa tent nang bigla niya akong pigilan.

"Bago ka lumabas, yumuko ka. Paunahin moko." Dumiretso naman siya sa unahan ko at tsaka kami yumuko. Paglabas namin, may apat na estudyante na nag-uusap. Hindi ata nila kami napansin ni Alex.

Nang makapagtago kami sa mga bushes, naaninag ko sina Chase at Sabrina sa kabilang side. Nasa bushes din sila.

'Nasan na kaya yung mga yun?' Rinig kong sabi nung grupo. Group 10 ata sila eh.

Napansin ko naman na sumesenyas si Chase kay Alex.

"Magkita kayo ni Sabrina sa ilog. Kami na bahala dito." Sabi niya. Hindi pa ako nakakapagsalita sumugod na sila.

Nakipaglaban sila dun sa apat. Pati yung dalawang babae. Ang gagaling nga ng mga babae pero siyempre mas magaling sila Chase.

Hindi ko naman sinayang ang pagkakataon kaya dumiretso na ako sa ilog.

Pagdating ko sa ilog, wala si Sabrina?

"Hmmp!" Napalingon ako sa boses na yun.

Nakita ko si Sabrina na nakatakip yung bibig na may kasamang balot na balot na tao. Hindi mo alam kung babae o lalaki. Isa lang ang sigurado ako.

Hindi yun estudyante. Hindi ko yun kaklase.

May bigla namang nagtakip ng panyo sa bibig at ilong ko... Bat parang nahihilo ako?

"Sleep well, Jamaicca." Rinig kong sabi ng balot na balot na lalaki sakin.

_______________
CHASE'S POV
"Nasan na sila?" Hingal na hingal na sabi ni Alex sakin. Kakatapos lang naming bugbugin yung group 10. Nandito kami ngayon sa ilog.

Bat wala sila?!

"Baka may pinuntahan lang."

Alam ko na, tatawagan ko nalang sila.

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa, teka? Nasan na yung phone ko?

"Bawal gadgets remember?"

F*ck! Oo nga pala. Pano ko na sila matatawagan niyan?

"Try using the walkie talkie instead." Saad niya.

JAMAICCA'S POV
Urgh. Ang sakit ng ulo ko siyeet!

Pagmulat ko ng mata ko...

Teka, nasan ako? Anong nangyari?

Hindi ko alam kung nasan ako pero parang familiar etong lugar na ito...

Teka, oo nga pala! Nakidnap kami ni Sabrina. Wait, nasan na pala si Sabrina?

"Jamaicca!" Napalingon ako sa gilid ko. Katabi ko lang pala si Sabrina. Nakatali siya sa isang upuan katulad ko. Ano bang pakay nila at kinidnap kami? Hindi naman kami sobrang yaman para kidnapin. Konti lang. XD

Narinig ko namang bumukas yung pintuan. (Hindi ko na po nilagyan ng sound effects kasi mukhang tanga na rin naman po. XD)

May isang balot na balot na tao. Hindi mo malaman kung babae o hindi.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon