~Chapter 16: Wedding Gown~

1.7K 44 0
                                    

CHASE'S POV

'Why did you do that?!'

'Teka, nasan nga pala si Alex?'

Naalala ko nanaman yung sinabi niya sakin kanina.

Bakit ba napakamanhid niya?

Tinulungan ko na nga siya dun sa kidnapper niyang pinsan, siya pa nagalit sakin.

Ako na nga ang sumagip sa kanya, hinahanap niya parin si Alex.

Hindi niya ba napapansin na ginawa ko yun dahil nag-alala ako sa kanya? Ginawa ko yun dahil gusto ko siyang protektahan? Ginawa ko yun dahil mahal ko siya. At sana aware din naman siya. Kahit na mag step-brothers and sisters nalang kami, may nararamdaman parin ako sa kanya.

Tapos malalaman ko pang may date sila ng pinsan niya!

Oo na, nagseselos na ako. Hindi mo naman ako masisisi. Hindi mo naman masasabi na wala akong karapatan eh sa nararamdaman mo rin yan.

Ang masaklap pa dun, nagseselos ako sa pinsan niya! F*ck Chase! Pati pinsan niya pagseselosan mo? Ganun ka ba ka possessive?

Ganun ko kasi siya kamahal eh.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ko, nakikinig ng Grenade, by Bruno Mars.

Medyo nakakarelate ako dito pero, medyo lang.

Ang dami ko nang kaagaw kay Jamaicca...

Si Kyle, Alex, Jaxx at si Jameson pa din ata.

Eto talaga mahirap kapag pinakawalan mo ang taong mahal mo eh.

Ang sakit pala. Sobrang sakit.

At sinisisi ko lahat yun kay mama.

Kung hindi niya kasi pinakasalan yung tatay ni Jamaicca, hindi kami magkakaganito.

Pero naiintindihan ko rin naman siya. Nagmahal lang siya. Pero kung mahal niya talaga ako, mas pipiliin niya yung kaligayahan ko kesa sa kaligayahan niya.

Pero ipapangako ko, kukunin ko ulit si Jamaicca. Pero sa ngayon, wag muna.

____________________
JAMAICCA'S POV

1 week later...

"Huy, bat ka naman nawala sa field trip aber?" Sabi sakin ni Cassandra. Nandito kami ngayon sa DQ. Im craving for ice cream eh. Nagpasama ako.

"Ah, eh sumakit kasi bigla ulo ko." Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling pero.. Bahala na.

"Oo nga pala, anong nangyari dun sa field trip niyo?"

"Oh, eh ayun na nga. Nakakuha kami ng isang red flag kaya exempted kami sa test. May pasok nga ngayon eh, pero dahil exempted yung group namin, waley pasok. Yehey!"

Tss.. Para talagang bata.

"Hi girls." Napalingon kami sa nagsalita. Si Jaxx na may kasamang blonde girl. Fling niya siguro yun.

"Nandito din pala kayo."

"Ay hindi, wala kami dito. Nakikita mo nga kami eh." Pamimilosopo ni Cassandra sabay irap. Bat parang inis si Cassandra kay Jaxx? Ano meron? May na-miss ba ako nung umalis ako sa field trip?

Natawa lang si Jaxx.

"Bat ka natatawa? Hindi ako clown para pagtawanan mo ah. Masyado akong maging maganda para maging clown."

"Sugar, let's buy na. Were wasting our time with this bitch." Nanlaki naman ang mata ni Cassandra sa sinabi nung blonde girl kaya napatayo siya.

"Jaxx, dapat ang pagtawanan mo yung kasama mong yan. Tutal mas mukha namang clown sa kapal ng make up niya." hindi ko naman mapigilan na matawa. Totoo naman kasi eh. Ang kapal ng make-up niya.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon