JAMAICCA'S POV
"Cheska, wag kang mag-eskandalo dito..." Sabi ni Chase."Bakit? Diba yan yung ex mo? Naging magkapatid na pala kayo... Ang awkward siguro noh? Nakatira kayo sa iisang bahay, mag-asawa magulang niyo... Ang weird noh? Na naging kapatid mo ang dati mong kasintahan... Oo nga pala, kakakasal lang ng magulang niyo diba? Congrats." Sarcastic niyang sabi. Mas lalo namang nagbulungan ang mga taong nasa paligid namin. Gusto niya talaga ng attention noh? At nagbigay pa siya ng detalye sa mga estudyante dito tungkol samin ni Chase. At, pano niya alam na kakakasal lang ng magulang namin?
"Oo nga pala, hindi pa ako nagpapa-kilala. Im Francheska May Castillo. BOYFRIEND ni Chase. Nice meeting you, SIS." Sabi niya. Castillo as in, yung pamilya ng pangalawang pinaka-mayaman at successful na pamilya sa buong pilipinas? Grabe, dito siya nag-aaral? Sa bagay, pang-mayaman naman tong eskwelahan na to pero pang-gangster ang school nato. Bat ito pinili niya?
Pero ang ikinagulat ko talaga ay yung sinabi niyang boyfriend niya si Chase.
BOYFRIEND? AS IN? Kailan pa? Bakit hindi ko alam, kahit na step-sister lang ako may karapatan akong malaman noh. Bat hindi niya sinasabi sakin? Teka, ano bang pakielam ko sa kanila? Erase, erase...
Ang sama ng tingin ni Chase kay Cheska. "Oh sige na, I have to go. See you later, babe." Nginitian niya si Chase. Pero bago siya umalis, inirapan niya ako. What's up with her? Natatakot ba siya na baka maagaw ko si Chase sa kanya? Ay wait mali, naagaw ko na pala sa kanya kaya siya nagkakaganyan.
Pabawas naman ng pabawas yung mga tao sa paligid namin pero pinagbubulungan parin kami. Mga chismosa amp!
"Boyfriend?" Napatingin siya sakin.
"It was a dare, Jamaicca. Hindi naman talaga ako seryoso sa ka-"
"Bat ka nag-eexplain?"
"Ha?"
"Wala ka naman dapat i-explain eh. Buhay mo yan, bakit ako makikielam?" Bat parang ang lakas ng epekto sakin ng pagiging bf at gf nila? "Alis nako..." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nag-walk out na ako.
Bat ba ako nag-kakaganito ngayon? Siguro nagtatampo ako sa kanya dahil hindi niya sinabi sakin na may girlfriend siya. Kaka-break lang namin diba? So ibig sabihin naging girlfriend na niya yun habang kami parin? Aish! Sakit sa ulo.
Pagpunta ko sa classroom, wala pang teacher. Hay salamat, kala ko late nako eh.
*grrr*
Hanubayan... Gutom na ako. Hindi kasi ako nakakain ng recess dahil sa Cheskang yun eh. Hindi, si Chase pala ang may kasalanan, kung hindi nila ako hinila sa pwesto nila, hindi ako makikita ni Cheska. Hmp! Magsama sila!
"Sayo nalang oh." Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Inabutan niya ako ng burger.
"Hindi, salamat nalang Alex." Napaka-straight face niya. Parang wala siyang emosyon. Ganyan ba talaga siya?
Bigla niyang kinuha yung kamay ko at inilagay niya yung burger.
"Kakakain ko lang. Sabi din kasi ng kuya mo samin na wag kang gugutumin kaya kainin mo na yan." Nakakahiya, narinig niya pa yung tiyan ko.
Well, if you insist, how can i resist? >___<
Kinuha ko nalang rin yung burger. Gutom na talaga ako eh. "Thanks." Ngumiti lang siya sakin at ginulo ang buhok ko. Eh?
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
Teen FictionSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...