JAMAICCA'S POV
Idinilat ko ang mga mata ko.Black. Pitch black ang nakikita ko. Nasan ba ako?
Maya-maya biglang bumukas ang ilaw. Medyo blurry pa ang paningin ko at medyo nahihilo pa ako. Ano bang nangyare?
Nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan. Pero hindi nakatakip ang bibig ko.
Luminga-linga ako sa paligid pero hindi ko parin ma-identify kung nasan ako. Parang abandoned lang siya na chu chu. May mga kuwarto. Basta ang alam ko, abandoned.
Naramdaman ko nalang na may humawak sa buhok ko ng sobrang higpit, hindi ko maiwasang sumigaw. "Good morning, princess." Boses babae. Very familiar. Eto yung boses ng nag-black mail sakin three years ago. At kilalang-kilala ko kung sino ang may ari ng boses na to.
"Hayop ka." Narinig ko ang tawa niya. Tawang baliw. Unti-unting luminaw ang mga paningin ko hanggang sa makita ko siya.
She really has an angelic face. Hanggang face lang.
"Hayop ako? Mas hayop ka. Inagaw mo na sakin lahat." Kumunot noo ko.
"Wala akong inaagaw sayo."
"Talaga ba? Inagaw mo sakin lahat! Sarili kong kapatid kinalaban ako dahil sabi niya bestfriend ka niya! Yung JCACZ kinaiinisan na ako ngayon dahil sayo! Tapos si Chase... Si Chase f*ck!" Sigaw niay sakin at tsaka sinabunutan ang buhok niya. Yung kilos niya... Ibang-iba na ngayon. Parang may something na siya sa utak?
May nakita akong tumulong luha galing sa mga mata niya. Umiiyak siya? I didnt do anything. Why is she crying?
"Ano bang kailangan mo sakin?" Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa ako kinidnap-kidnap. Dapat nga masaya na siya at lubayan niya na ako. Nanalo siya. Nasa kanya si Chase. Hindi pa ba siya kuntento.
Hinawakan niya ang parehong pisngi ko gamit ang isang kamay niya alng. Sobrang higpit. Nararamdaman kong bumabaon ang matutulis niya kuko. Nararamdaman ko din ang unti-unting pag-agos ng dugo sa pisngi ko.
"Kailangan? Simple lang, papatayin kita." Gigil na gigil niyang sabi sakin. Marahas niyang binitawan ang pagkahawak niya sa pisngi ko. Nagdudugo ito. Sa sobrang higpit siguro ng hawak niya.
"Why do you want to kill me?"
"BECAUSE YOU RUINED EVERYTHING!" Sigaw niya.
"Wala akong sinira! Hindi ka pa ba masaya? Nasa iyo na si Chase! Ikaw ang nanalo sa labang ito. Now let me go!" Sigaw ko rin sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin sa kaliwang pisngi. Sobrang lakas, na halos namanhid na ang pisngi ko.
"Nasa akin? Never siyang naging sakin dahil sayo! Alam mo ba? Na kahit tatlong taon kang nawala, wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw! Nasaktan na nga siya dahil sayo pero ikaw parin ang mahal niya!" Nakita ko nanaman ang mamasa-masa niyang mata. Umiiyak nanaman siya, at ngayon mas malala pa.
"Bat ang.. Bakit ang unfair?! Nandito ako palagi para sa kanya pero bakit ikaw parin ang hinahanap niya? Bakit... Bakit ganun?" Humagulgol na siya. Oo aaminin ko, nasasaktan ako para sa kanya. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, sa tingin ko hindi ko makakaya. Masyadong masakit. Masyadong mahirap. Masyadong komplikado.
"Sa tingin mo masusulosyonan ang problema mong yan kung papatayin mo ako?" Kalmadong sambit ko. Agad namaing siya tumigil sa pag-iyak at halatang natigilan sa sinabi ko.
"O-oo, mas ma-maganda kung wala ka sa piling ni Chase!" Sambit niya.
"Ano namang mangyayari kung mawala ako? Do you think pag nawala ako mawawala rin ang feelings ni Chase para sakin? Sa tingin mo ganun-ganun lang yun?" Nabigla siya sa sinabi ko. Ghad shes so stupid!
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
Fiksi RemajaSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...