~Chapter 23: Finding Cassandra~

1.4K 32 1
                                    

JAMAICCA'S POV

To: Cassandra

Cass, buhay ka pa? Bat di ka nag-rereply? Mag-reply ka kung pupunta ka ah.

Send.

Hays, kanina ko pa tinetext si Cassandra pero ni isang reply wala siya. Ano kayang nangyari dun?

Wala namang sumasagot kapag tumatawag ako, baka naiwan yung phone?

Birthday party na ni Jaxx ngayong araw. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano susuotin ko.

Magaala-cinderella ba ako or sleeping beauty or ariel or snow white or super woma- tama! Super Woman. May costume akong super woman.

Isang oras nalang at magsisimula na yung party. Ako, nandito parin sa bahay at hindi pa nakakapag-bihis.

Kinuha ko agad sa closet ko yung super woman kong costume. Buti nalang itinago ko to.

Isinuot ko agad yung costume ko at nagsimula nang magmake-up.

Done!

Okay na, hindi naman kailangang kopyang-kopya si snow white eh. Light make-up lang ginawa ko dahil baka pag kinapalan ko, maging clown pa ang costume ko.

Tinignan ko kung anong oras na.

30 minutes nalang at magsisimula na yung party.

Paglabas ko ng kuwarto ko, napatingin ako sa kuwarto ni Chase.

Buksan ko kaya? Nandyan kaya siya? Mag-sosorry na ba ako kahit wala akong ginawa?

Sabi ng puso ko, mag-sorry ako pero sabi ng utak ko, dumiretso nalang ako sa party.

Anong paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?

Nalilitong-litong-litong-litong-litong-litong-litoooo 🎶 XD (thunder, lightning, rain. XD)

Fine, kakatok ako. Ano namang masama? Kakatok ka lang naman eh.

Ididikit ko na sana yung kamay ko sa pinto para kumatok nang bigla itong bumukas.

O.O

O.O

Bat hindi pa siya naka-bihis?

Naka-jacket lang kasi siya. Hindi ba siya aattend ng party ng BESTFRIEND NIYA?

"Chase.." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin at dinaanan niya lang ako.

Bastusan tayo dito?

Fine, kung ayaw niya eh di wag. Ako na nga itong nagso-sorry kahit walang ginawa, tapos siya pa ang umiiwas. Taas ng pride niya.

"Honey." Tawag sakin ni mom. "May sumusundo sayo sa baba." Huh? Sumusundo? Sino?

Bumaba naman agad ako at...

"Hi Jam!"

Wow... Ang pogi niya.

Naka-aladdin siyang costume. Kita tuloy abs niya, hawt!

Pero wag kayo, bestfriend ko yan. Ayokong pagnasahan.

Pero enebe! Six pack abs ayaw niyo pa? Tinapay bes! Ulam!

"Na-star struck ka ba sa kapogian at ka-hotan ko? Paki-sara ang bibig tumutulo ang laway.""Natauhan ako sa sinabi niya at inihagis ang kung anumang bagay na malapit sakin.

"Kapal mo!" Sigaw ko. Natawa lang siya. Lakas talagang maka-asar amp!

"Let's go?"

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon