JAMAICCA'S POV
"Oh my gosh! Bakit ang small naman ng house mo, baby?"sabi ni Sabrina kay Chase habang pinagmamasdan yung bahay namin. "Look oh! Ang dami pang dust!""Tss.." Feeling ko asar na asar na si Chase dito sa Sabrinang to eh. Sino bang hindi maaasar? Ang arte, maldita, maarte, maldita, maarte, maldita oo nga pala, nasabi ko na bang siya ay maarte at maldita?
Lumapit naman si Sabrina kay Chase at niyakap ang braso nito. "Babe, san ako matutulog?" God! Is she seducing Chase?
Aaminin ko, masakit sa mata pag nakikita ko sila ng ganto. Pero hindi ako nagseselos ah. Ako? Selos? Wag na lang, sayang ganda ko.
"Stay away from me, sa guest room ka matutulog." Lumapit naman siya sakin at tumabi. Nandito kasi ako sa living room, nanonood ng tv.
"Babe, bat ka naman ganto sa fiance mo? Bahala ka, magtatampo ako sayo."
"I dont care." Saad ni Chase. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nakikita ko siya na tumingin sakin sa peripheral vision ko.
Pagtingin ko sa kanya, mukhang nagulat siya at umiwas ng tingin. Weirdo.
"Uhmm... Gusto mo ng.. Popcorn?" Alok niya sakin. Lumapit naman samin si Sabrina at gumitna siya samin. "Babe, ako gusto ko."
"Hindi kita tinatanong, si Jamaicca tinatanong ko."
BASAG! XD
"Pfft.."pagpipigil ko ng tawa. Pahiya ka noh?
Napansin ko naman na palihim siyang umirap sakin. Plastik talaga.
Mga ilang minuto rin kaming tahimik ni Chase. Ang maingay dito si Sabrina. Kung ano-ano ang nginangawa, nakairita amp!
"Babe, lipat mo yung palabas please? Ang boring eh." Pero hindi siya pinansin ni Chase.
"Jamaicca, hindi ka pa ba pupunta sa kwarto mo?" Parang iritang-irita siya pag nandito ako. Parang nahiya naman ako.
"Sige aakyat na ako." Paalam ko sabay akyat sa hagdan.
Pagpasok ko sa kuwarto ko, humiga agad ako sa napakalambot kong kama. Hay..
1 new message..
From: Chase
One week lang siya dito, pagtiisan mo na.
Sana lang kaya ko siyang tiisin.
Makapag-FB na nga lang.
57 friend requests, 273 notifications, 22 messages.
Hala? Kaka-open ko lang nito kahapon ah?
Well, ganun talaga pag famous. XD
inuna ko yung messages ko at nakita ko yung message sa kin ni Cassandra 1 day ago.
'Kamusta date niyo ni Chase?'
'Date? Anong date?'
Agad naman siyang nag-reply. Aba online ang bruha.
'Yung deal niyo sa battlefield, remember?'
Loading...
Loading...
Loading...
"Ay sh*t ka!" Napamura ako. Oo nga pala! Nakalimutan ko yun ah? Ano kaya naging reaksyon ni Chase?
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
Teen FictionSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...