~Chapter 37: She's missing part 2~

1.3K 30 0
                                    

CRIS'S POV
"A-ano yun nanay?" Gulat na tanong ko kay nanay matapos panuorin yung CD ni Jamaicca. Hindi sumagot si nanay. "Bat hindi mo sinabi samin na si Daisy pala ang namblack-mail kay Jamaicca? Alam mo bang halos mabaliw na siya kakaisip kung sino yun tapos hindi mo sasabihin sa kanya?!" Napasigaw ako. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin at sinampal ako.

"Alam mo ba kung bakit hindi namin sinabi kung sino yung namblack-mail ha?! Dahil binlack-mail din kami ni Daisy na kung sasabihin namin kay Jamaicca, ay papatayin niya si Jamaicca!" Nabigla ako sa sinabi niya. Nakita ko ang mga luha pumapatak sa pisngi ni nanay. Napaiyak ko siya na idinurog ng puso ko.

"Kung ganun, eh bakit hindi niyo parin sinabi na si Daisy yung namblack-mail sa inyo ngayon, na nakidnap na si Jamaicca?" Kalmado kong tanong sa kanilang dalawa.

"Dahil natatakot parin kami. Natatakot kami na once na sabihin namin ay papatayin niya si Jamaicca. Lalo na at kinidnap pa siya ngayon ni Daisy. Naisip naming mas maganda nalang na hindi sabihin para kahit na nakidnap siya, buhay siya. At yun ang importante ngayon." Sabi ni tito Benj.

"Hindi niyo ba naisip na maaari parin nilang patayin si Jamaicca kahit hindi niyo sabihin samin kung sino yung namblack-mail." This time, sumabat si Chase. Halatang naiinis na rin siya.

"Cris, Chase. Tumigil na kayo. Walang mangyayari kung makikipag-away lang tayo dito. Mas maganda kung dapat pagplanuhin na natin yung pag-ligtas kay Jamaicca." Awat ni Alex.

"Pagpa-planuhin? Pagsagip? Para san pa ang pulis?" Sarkastikong sabi ni Zane.

"Hindi natin pwedeng sabihin sa pulis." Napatingin kaming lahat kay Calix. "Once na sabihin niyo yan sa pulis at once na pinuntahan natin ang lugar kung nasan nila tinatago si Jamaicca kasama yung pulis, hindi magdadalawang-isip si Daisy na patayin si Jamaicca. She's a psycho."

"Psycho?" Sabay-sabay naming tanong nina Chase at Zane.

"Yep. Napansin na namin yun simula nung umalis sa Pilipinas si Jamaicca. Parang nasiraan siya ng bait. Sa sobrang obsess niya kay Chase, nabaliw na siya. Napansin namin yun ni Alex." Napatingin kami kay Alex.

"Why didn't you tell me?" Tanong ni Chase.

"At first, we thought that it's quite entertaining to watch kaya hinayaan nalang namin. Pero nang mapansin na naming lumalala ito, ilang beses na namin planong sabihin sayo yun. Kaso bat timing lagi. Either na-iinterrupt, or kasama mo si Daisy." Paliwanag ni Alex.

Tumingin si Alex kay Chase. "Nung makidnap-"

"Teka teka teka teka, bakit ba palagi niyong sinasabi na nakidnap si Jamaicca? Nawala lang naman siya ah. Malay mo baka gusto niya lang mapag-isa kaya umalis siya papaunta malayong lugar." Sabi ni Zane. May point siya. Pero kung umalis siya, saan siya pumunta at bakit naman?

Humarap ako kay nanay. "Nay, bago makidnap si Jamaicca, hindi mo ba alam kung sino yung huli niyang nakasama o nakausap?"

Napaisip si nanay. "Meron." Nabuhayan kami sa sagot niya.

"Sino?" Sabay-sabay naming tanong.

"Si Jameson."

_____________
JAMESON'S POV
Anubayan! Hindi ako makatulog sa kakaisip nung CD ni chocolate. Bakit may CD siyang ganun? Saan niya nakuha yon? Bakit ang dami niyang tanong? Haist.

Nandito ako ngayon sa condo ko. Gusto ko nang matulog antok na antok na ako pero hindi ko maisara ang mata ko. Im still thinking about... Uhm.. Basta I'm still thinking. XD

Wala talagang use ang pagpikit ko, hindi talaga ako makatulog! Manonood na nga lang ako ng movie.

Ano kaya? Hmm.. Hunger games? No, horror kaya? Annabele? Chuckie? Conjuring? The ring? The Pu- oo tama! The Purge! Tamang-tama lang, hindi nakakatakot pero horror parin.

Ipinasok ko na yung CD sa TV ko at nagsimula nang manuod. Ewan ko ba pero ang hilig ko sa horror movies kahit takot akong panuorin ito. Yan nga ang pang-asar sakin ni Jamaicca nung bata pa kami eh.

Urgh! Naaalala ko na naman yung sa CD ni Jamaicca. Ayaw kasing sabihin sakin kung para sa-

*tok tok*

Pinause ko muna ang movie na pinapanood ko at lumapit ako sa pinto para buksan.

Nagulat ako kung sino bumungad sakin. "Anong ginagawa niyo rito?"

"Sabi ni tita ikaw daw ang huling nakausap ni Jamaicca." Sabi ni Chase. Tita? Ah, baka yung nanay ni Jamaicca ang tinutukoy niya..

"Oo, ako nga." Walang pahintulot naman silang pumasok sa kuwarto ko. "Hoy! Pinapasok ko na kayo?" Sigaw ko sa kanila. Kanya-kanyang puwesto sila. Si Zane nanuod nung pinapanood kong the Purge, si Alex may hawak na libro pero hindi niya binabasa, si Calix, kinain yung dinner ko, si Cris nasa kama nakahiga. At si Chase, nakatingin lang ng seryoso sakin habang nakaupo sa kama.

"Now tell me, anong pinag-usapan niya." Sabi ni Chase. Sasabihin ko ba? Sabi ni Jamaicca wag daw sabihin kahit kanino. Susundin ko ba?

"Wala kaming pinag-usapan. Pumunta lang ako para mag-movie marathon." Pagsisinungaling ko. I should keep it a secret. Baka importante. At isa pa, Jamaicca trusts me. I cant break her trust.

"Eh gung ganon, bakit out of nowhere nagtanong daw siya sa nanay niya tungkol sa CD." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So alam niya na?

Lumapit siya sakin. "Jameson you need to tell us everything. Jamaicca is missing.." Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"S-si Jamaicca..."

"Oo, nawawala siya. At paniguradong may kinalaman yun sa CD na yun. Please, Jameson. Help us find Jamaicca. Please." Nakakagulat. Isang gangster nagmamaka-awa sakin? That's new.

Bumuntong-hininga ako. We have to make sacrifices, Jameson. Para rin naman kay Jamaicca to. "Sige, i'll tell you everything that i know..." Sambit ko. Lahat naman sila tumigil sa pinagagagawa nila at lumapit sakin.

_______________
Short UD.

Next Chapter POV ni Jamaicca!

Dont forget to vote and comment. Really appreciate it!

Enjoy!

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon