JAMAICCA'S POV
("Tandaan mo yung bilin ko Jamaicca, wag kang kakausap ng kani-kanino.") Napabuntong hininga naman ako."Dad, alam ko na po yan since nung bata pa ako. You dont have to tell it again."
("Nag-aalala lang ang daddy mo sayo.. Lalo na at may gusto pang kumuha sayo.") yung bandang huling parte medyo hindi ko narinig dahil binulong niya lang.
"Ill miss you dad.."
("Ill miss you too sweetie, ibaba ko na. Darling! Gusto mo bang makausap si Jamaicca?") tinatanong niya siguro si mom.
("Pakisabi nalang sa kanila na mag-ingat sila!") rinig kong sigaw ni mama. Napangiti naman ako.
("Oh, narinig mo naman yun diba? Mag-ingat. Kaya wag na wag kang kakausa-") yan nanaman siya.
"Bye dad." Sabi ko tsaka ko tinapos yung tawag.
"Ok, pwede nang pumasok sa bus." Sabi ni prof. At agad namang nagsipasok ang lahat.
Pagpasok namin ni Cassandra sa loob, naghanap na agad kami ng upuan. Dalawahan ang mga upuan dito.
Napatingin naman ako sa pintuan ng bus.
Si Sabrina at Chase.
Kapit na kapit si Sabrina kay Chase na para bang unggoy. Si Chase naman, iritang-irita.
Napatingin naman sila sandali sakin. Ang nakakapag-taka, ay ngumiti sakin si Sabrina. Alam kong pekeng ngiti yun pero nginitian ko na rin lang siya. Umupo naman sila sa bandang likuran lang namin.
"Psst.." Napalingon ako sa sumutsot. Sino yun?
"Psst.." Napatingin ako sa kabilang row, nakita ko si Jaxx na katabi si Alex. Feeling ko si Jaxx yung sumusutsot pero hindi ko nalang pinansin.
From: Jaxx
Jamaicca.
Napatingin ako kay Jaxx. Nakangiti lang siya sakin.
To: Jaxx
Bakit?
From: Jaxx
Palit tayo.
To: Jaxx
No.
From: Jaxx
Please?
To: Jaxx
Ayoko.
From: Jaxx
Pretty please?
To: Jaxx
Wag mo ngang ubusin load ko!
From: Jaxx
Pumayag ka na nga kasi, katabi ko si Alex.
To: Jaxx
So?
From: Jaxx
Sige ka, sasabihin ko kay Alex na may gusto ka sa kanya.
Nanlaki naman mata ko at napatingin sa kanya. Nakangisi lang siya sakin. Tumingin naman ako kay Alex na katabi niya lang. Ngumiti siya sakin kaya nginitian ko na lang din.
Sinamaan ko ng tingin si Jaxx pero nakangisi lang siya sakin. Argh! Pang-inis ka talaga Jaxx!
Tumayo naman ako para pumunta dun at ganun din siya.
"Hi." Bati sakin ni Alex.
"Hello."
"Bat kayo nagpalit ni Jaxx?"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
Teen FictionSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...