~Chapter 10: Making me jealous~

2.1K 51 1
                                    

JAMAICCA'S POV

One week later...

"Honey, pakikuha nga ng brown envelope ko sa kuwarto namin ng mama mo." Utos sakin ni dad. Yes, nakauwi na sila kahapon lang. Tuwang-tuwa rin ako dahil wala na si Sabrina dito. Pero sabi nina dad ay magta-transfer daw niya sa school namin ni Chase. Pero ok lang, at least hindi ko siya kasama sa iisang bahay.

"Opo dad." Sabi ko at tsaka dumiretso sa taas.

Pag-akyat ko nakita ko si Chase na nakasandal sa ding ding ng kuwarto nina mama at daddy. "Im jealous." Sabi niya. "Dapat pala hindi ko nalang kinuha yung monkey na yan. Parang mas matagal ka pa niyang kasama kesa sakin eh." Sabi niya habang nakakunot ang noo dun sa monkey na yakap-yakap ko. Natawa naman ako. Seriously?!

Simula kasi nung naipanalo niya yung monkey sakin, hindi ko siya inaalis sa tabi ko. Kahit saan pa, sa kitchen, kuwarto ko, kahit sa school pa.

"Salamat nga pala dito ah. Ang cute cute niya talaga!" Sabi ko habang niyayakap ng mahigpit yung monkey.

"Bakit? Ako ba hindi cute?" Sabi niya habang pinipisik yung pisngi niya.

"Cute ka din naman eh, magkamukha kasi kayo. Tingnan mo oh, carbon copy." Pang-aasar ko. Nagulat naman siya.

"Ano?! Mas gwapo ako diyan." Seryoso ba siya? Ikumpara ba naman yung sarili sa isang stuffed toy.

"Ewan ko sayo."

Papasok na sana ako sa kuwarto nina daddy pero hinarangan niya ito.

"Anong problema mo nanaman?"

"Wala lang. These past few days feeling ko wala ka nang time para sakin."

"Kung makaasta ka boyfriend kita ah! KUYA." sabi ko at itinulak siya para makadaan ako.

Pagpasok ko sa kuwarto nila daddy, hinanap ko agad yung brown envelope. Medyo nahirapan akong hanapin dahil maraming envelope dito sina dad pero nahanap ko rin naman.

'JAMAICCA'

Pagbungad palang yan na agad ang nakasulat. Nacurious naman ako. Bat nandito pangalan ko? Ano ba to?

Dahil nga curiousity kills, binuksan ko ito. Nagdadalawang isip pa ako pero ginawa ko na rin.

Pero may papel na talagang ipinagtaka ko.

'Mother: 09*********'

Mother? Sinong mother? Sobrang gulo ng utak ko ngayon.

"Honey nahanap mo na?" Sabi ni dad. Rinig na rinig kong paakyat na siya papunta dito kaya itinago ko yung papel na yun sa bulsa ko. Sakto at dumating si daddy.

Nagulat siya nung nakita niya binuksan ko yung envelope. Dali dali siyang tumakbo papunta sa envelope.

"Bat mo pinapakielaman yung gamit ko? Wala ka bang nakita?" Galit at natataranta niyang tanong. Hes acting very weird. Anong nakita ko na dapat hindi makita?

Umiling lang ako. "Sorry po dad, na-curious lang po ako kaya ko po nabuksan. Sorry.." Sabi ko. Ginulo niya lang naman yung buhok ko.

"Its okay. As long as wala kang nakita, it's okay."

Kinabahan naman ako. Ano ba yung ayaw nilang ipakita sakin?

***************
"ang cute talaga ni Chase noh?" Sabi sakin ni Cassandra. Hay ayan nanaman siya, bukambibig niya nanaman si Chase.

Hindi niya pa kasi alam yung tungkol samin.

"Ayan ka na naman. Alam mo para kang sira, ilalakad na nga sana kita kay kuya pero ayaw mo, tapos ibubukambibig mo yun sakin." Sabi ko.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon