~Chapter 28: Christmas Party~

1.6K 43 4
                                    

JAMAICCA'S POV

1 week later..

"Aicca! Ready ka na?" Tanong sakin ni Cassandra. Tumango ako.

Christmas party na naming section 1. Medyo na late nga kami kasi halos lahat ng section tapos na sa christmas party. Pero kami? Eto, ngayon palang.

Dito narin ako nakatira sa bahay ng tunay kong ina. Nanay tawag ko sa kanya. Nagulat nga ako nang may nauna palang anak si nanay kesa sakin. Kambal sila at parehong lalaki, pareho silang 18 years old at magkamukhang-magkamukha sila. Kambal nga diba? XD

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit nang malaman kong may dalawa akong kuya. Ang pangalan nila, Cris at Cross. Ang kyut lang noh?

Natuwa naman ako nang buong puso nila akong tinanggap sa pamilya.

"Nay! Alis na po ako!" Sigaw ko.

"Oh sige anak! Ingat ka ah?"

"Opo!" Humarap ako sa dalawa kong kuya. "Kuyas, alis na po ako ah?"

"Sige lang Aicca, pasalubong namin ah?" Sabi ni kuya Cross. Natawa ako.

"Kuya, sa Christmas Party ako pupunta. Hindi sa ibang lugar."

"Oo na, oo na. Basta maaga kang uuwi bunso ah?" Bilin sakin ni kuys Cris.

"Opo. Bye!" Hinila ko naman agad si Cassandra palabas.

Pumasok na ako sa kotse ni Cassandra. "Infernes Aicca ah, ang pogi ng mga kuya mo. Tsaka, pano mo nalalaman kung sino dun si Cross at kung sino dun si Cris?"

"Si Cross, may nunal sa tenga. Si Cris wala." Saad ko. Tumango naman siya na parang naiintindihan niya.

"Oo nga pala Aicca, one week din kita hindi nakita ah. Kung hindi ibinigay ni Chase yung address mo hindi parin kita makikita. Anong nangyari sayo?"

"Nag-bonding kaming pamilya for one week. Sa Laguna muna kami nag-stay. Kakauwi nga lang namin kagabi eh."

"Last na tanong na talaga, bat ka nawala nung gabi sa prom?" Napangisi ako sa tanong niya. Imbes na sagutin ko, tumingin nalang ako sa bintana.

_____________________
"WERE HEEERE!" Nagulat ako sa sigaw ni Cassandra. Letseng babaeng to, kaliit-liit ang lakas ng boses.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa biyahe. Mga 30 minutes ang tulog ko.

"Lets go na Aicca!" Sabi sakin ni Cass sabay hila sakin papasok sa classroom.

Psgpasok namin, hindi pa nagsisimula ang gulo gulo na agad.

May music na, may mga sumasayaw, tapos ang dami na agad na foods. May chocolate fountain, marshmallows etc.

Umupo nalang kami ni Cass sa may bandang likod.

Nung Wednesday kasi, nagbunutan na kami. Kaya may regalo na ako. Kung siswertihin ako, pinsan ko pa yung nabunot ko. Si Jameson.

Nagdadalawang-isip pa nga ako kung magbibigay ba ako ng regalo eh. Kasi pera lang ok na yun. Pero magbibigay narin ako para hindi nakakahiya. XD

"Oo nga pala, sino nabunot mo?" Tanong ko kay Cass.

"Si Oscar. Yung class escort natin." Tumango-tango lang ako. Swerte din siya ah. Pogi kaya yun. XD

"Urgh youre so annoying! Stay away from me! Jamaicca oh, sawayin mo naman tong pinsan mo. Nakakairita na." Sabi ni Sabrina habang naglalakad papunta sakin. Sumusunod naman sa kanya si Jameson.

"Wooo! Ang sabihin mo, gustong-gusto mo pa na inaasar kita. At ang sabihin mo, may gusto ka lang sakin."

"Eww!" Nakakatawa yung reaction ni Sabrina. Diring-diri. Bakit? Gwapo naman pinsan ko ah?

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon