JAMAICCA'S POV
"Sir, eh kakatapos ko lang pong lumaban. Bugbog pa po katawan ko. Pwede po ba next round na lang po kami?" Reklamo ko, hindi naman talaga ganun kasakit yung katawan ko, ayoko lang na makalaban ang sarili kong kuya. Umiiwas lang ako. Pero may mga bagay talaga na kahit anong gawin mo hindi mo kayang iwasan. XD"Wala akong sinasabi na bawal ang ganun, Miss De Vega. Kaya pumasok ka na sa ring kung ayaw mong i-zero kita dito."
Pumasok nalang rin ako sa ring. Hmp, Shunget! Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit isinusugal ko ang buhay ko para lang sa lecheng grades na yan eh. And besides, i dont find this educational.
Pagpasok ko sa ring, sumunod agad sakin si Chase. Hindi ko alam kung sino yung chini-cheer ng mga estudyante ako ba o si Chase eh. Si Chase siguro, asa pa ako!
Nakangisi lang si Chase sakin. Ghad! Nang-iinis pa talaga siya ah.
*piiit*
Naghanda ako sa anumang mangyayari pero nakatayo parin siya at walang ginagawa. Pero hindi ako nagpaloko. Nag-aabang lang ako sa anuman ang gagawin niya.
Pero wala talaga eh.
Pinagbubulungan na kami dito ng mga estudyante. Pati yung professor namin nagtataka din.
"Hoy, bakit ayaw mong lumaban?" Maangas kong tanong.
"Lets make a deal."
"Deal? Anong pautot yan?"
"Pag ako nanalo dito sa battle na to, magda-date tayo." Sabi niya. Ok?
"Pano pag ako nanalo?" Tanong ko. As if naman. XD
"I will be your slave for 1 week."
Hindi ko alam kung bakit pero nagningning yung mata ko nang sinabi niya yun. Alam ko namang hindi ako mananalo pero kung manalo man ako, magiging slave ko siya. Exciting yun!
Pero alam imposible naman na matalo ko siya pero bakit hindi ko subukan? Wala namang mawawala sakin eh.
Lumapit siya sakin. Dahilan para mapaatras ako at iniyukom ang kamay. Pero siya tuloy parin ng tuloy. Ako paatras parin ng paatras hanggang sa umabot ako sa linya. Naku hindi pwede! Kapag lumagpas ako sa linyang to, automatic out na ako.
Nang makalapit na siya, ihinarang ko nalang ang mga braso ko kung sakaling may gawin siya. Hinintay ko kung ano yung gagawin niya.
.
.
.
.
.
.
.
Eh?Napatingin ako kay Chase, inaabot niya yung kamay niya para makipag-shake hands.
Epic. XD
Nag-aalangan pa akong abutin yung kamay niya dahil baka hilahin niya ako bigla at itulak sa linya pero inabot ko nalang rin.
Wala pang 5 seconds binawi ko agad yung kamay ko at umatras. Parang sinasabi ko na umpisahan na yung battle.
Kinilabutan ako nang nakita ko siyang nag-evil smile.
Ang bilis magbago ng expression niya.
Nagulat ako nang bigla niya akong sugudin dahilan para mapatakbo ako.
So, naghahabulan kami dito sa loob ng ring. Napapansin ko yung mga kaklase namin dito nagbubulungan na. Narinig ko naman na sumisigaw yung fangirls ni Chase. Siya na may fangirls.
Sa huli, nahabol niya ako. Sinipa ko siya sa pagkalalaki niya. Napaluhod naman siya sa sakit. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at sinuntok ko yung mukha niya ng sobrang lakas. Pumutok yung labi niya. Sisipain ko sana ulit siya pero nahawakan niya yung paa ko tapos bigla siyang tumayo.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
Roman pour AdolescentsSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...