~Chapter 34: Chase na nakakairita~

1.5K 33 2
                                    

JAMAICCA'S POV

*riiing*

Recess na.

As expected, ala naman masyadong ginawa ngayong araw na ito. First day eh. Nagpapakilala lang ang mga teachers at ganun din ang students.

Ngayon, papunta kami ni Cassandra sa canteen para makakain. Yung anaconda ko sa tiyan tumatalon sa sa sobrang gutom eh.

Ang nakakapagtaka, si Cassandra palang at sina Chase at Daisy ang nakikita ko ngayong araw na to. Wala sila Alex, Calix, Sabrina etc. buhay pa kaya yun.

Siguro umabsent dahil alam nilang wala pang gagawin ngayon. Mga tamad talaga.
Pagkakuha namin ng pagkain ni Cassandra, naghanap kami ng upuan. Oo nakahanap kami ng upuan pero unexpected dahil yung upuan na yun at kaharap kung saan nakaupo sina Chase at Daisy!

Pero wala kaming choice kung hindi umupo dun.

Pagkaupi namin, hindi nalang namin pinansin ang dalawa para hindi kami mailang.

"Boo!"

"Ay gatok anak ng shame!" Napatingin ako sa nanggulat. Hinampas ko ng malakas ang braso niya na ikinatawa nilang dalawa ni Cassandra.

"Anong tinatawa-tawa niyo?" Napansin ko namang nakiupo siya samin ni Cassandra. Dala niya din kasi yung pagkain niya.

"Sinabi ko bang makikain ka samin?"

"Si baby girl oh, pasimple ka pa eh gusto mo lang rin naman ako makasama kumain." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ang kapal ng mukha mo, Chase ah!" Hindi ko mapigilang sumigaw. "At tsaka anong tawag mo sakin?"

"Baby girl." Nakangisi niyang sabi. Napalingon ako sa puwesto nila Daisy at Chase na parang naninigurado kung narinig nila yun. Baka kasi kung ano isipin nila.

At hindi ako nagkamali, narinig nga nila dahil nakatingin silang dalawa sakin. Pero ang pinagkaiba, ang mukha ni Chase ay hindi na poker face. Naka-tiim bagan na siya. Parang nagpipigil. Tapos si Daisy nakangisi lang sakin.

Dahil dun, sinamaan ko ng tingin si Chase na nakakairita. Tumingin naman siya kung saan ako nakatingin kanina which is kina Chase.

"May something ka talaga sa dalawang yun. Kaaway mo ba yung dalawang yun?" Tanong niya sakin. Sabihin ko na ba? Teka, bakit ko naman sasabihin? Hindi naman kami close. Pero parang gusto kong sabihin para hindi niya na ako kulitin sa mga ganyan-ganyan.

"Ehem.." Tumayo bigla si Cassandra dala-dala yung pagkain niya. "Iwan ko muna kayo ah." Paalam niya at binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing 'Sabihin mo na para hindi ka na kulitin!' Look.

Pagka-alis niya, bumuntong-hininga ako at tumingin kay Chase na nakakairita. "Ano... Kase... Ganto kase yun..."

"Pwedeng maki-table kami?" Pareho kaming napalingon ni Chase sa babaeng nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang malamang si Daisy pala yun at kasama niya si Chase.

"Sure." Payag agad ni Chase na nakakairita.

Gusto ko sana sabihin sa kanya 'Ang kapal talaga ng mukha mo! Nakikitable ka na nga lang samin ni Cassandra tapos mag-aaya ka pa!' Kaso parang nawalan ako ng dila at hindi ako makapag-salita.

Pareho silang umupo sa table namin. Katabi ko si Chase na nakakairita, tapos magkatabi sina Chase at Daisy.

Ni hindi man lang makatingin sakin si Chase.

Talaga bang nang-aasar silang dalawa at nakikiupo pa sila sa amin? Nananadya na sila ah!

"Nagtataka siguro kayo kung bakit kami naki-table." Nakangiting saad ni Daisy. Hmmp! I have a plastik, i have a Daisy. Ugh! Plastik Daisy.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon