JAMAICCA'S POV
"Jamaicca halika na!" Tawag sakin ni mama."Papunta na po!" Kinuha ko yung bag go at dumiretso na sa baba.
Its Christmas. MERRY CHRISTMAS!
Anong gagawin naming ngayong Christmas? Magbobonding lang kaming pamilya kung saan-saan.
Pagbaba ko, ako nalang pala yung hinihintay. Nakabihis na sina kuya Cris at Cross.
"Ang tagal mo bunso. Nakatulog ka ba sa banyo kanina?" Asar sakin ni kuya Cross. Sa kanilang kambal, siya yung mapang-asar.
"Anubayan kuya! Ka-aga aga nang-aasar ka agad. Halika na nga!" Sabi ko tsaka kami lumabas.
Pagpasok namin sa sasakyan namin, ang ingay ng mga kuya ko. Nagtatalo ba naman eh. Hindi ko lang alam kung ano yung pinagtatalunan.
"Mga kuya, shut up nalang kayo pwede?"
"Ayaw namin eh. Bleh!" Sabi ni kuya Cross. Ilang taon naba tong si kuya Cross? Akala mo bata eh.
"Manahimik ka gpnga Cross! Nagagambala si Bunso." Saway ni kuya Kris. Sa kanilang kambal naman, siya ang mature. Well, hindi siya mature pero... Siya yung loving and caring. Siya din yung madalas seryoso.
Narinig kong tumawa si nanay. "Ang gandang tignan na kumpleto tayo ngayong pasko." Napatingin kaming lahat kay nanay.
Parang... Namumuo yung mga luha sa mata niya..
"Akala ko... Hindi na mangyayari to.. Yung.. Kumpleto tayo." Tuluyan nang tumulo yung luha sa mga mata niya. Nilapitan namin siya nina kuya.
"Mama.." Hinimas-himas ko yung likod niya habang pinapatahan siya nila kuya. Maya-maya tumawa siya ng mahina.
"Tears of joy lang ano ba kayo." Natawa nalang kaming lahat.
"Ma'am, nandito na po tayo." Sabi samin ng driver. Bumaba naman agad kami.
Pumasok na kami sa simbahan.
Simula na agad yung misa. Naghanap kami ng upuan at dumiretso nang umupo.
_______________
Nang matapos na ang misa, lumabas na agad kami. Oo, tinapos namin yung misa. Hindi kami yung taong pumupunta lang sa simbahan para iporma ang mga suot nila. Misa ang habol namin hindi papormahan.*boogsh*
Ouch.
May nakabangga ako. Ang sakit ng pwet ko. Napaupo kasi ako eh huhuhu.
"Watch where your going mi- Jamaicca?" Napatingin ako sa nakabangga sakin.
"Chase?"
"Anong problema dito, anak?" May biglang lumapit samin. Nanlaki mata ko.
"Daddy?" Sabi ko.
"Hi sweetie." Nginitian ko siya. Ngumiti din siya sakin. Napatingin ako kay nanay na gulat na gulat nang makita siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Parang galit sa tanong ni nanay kay daddy.
"Nandito lang kami ni Chase para magsimba. Wala kaming intensyong masama. Wala kaming balak kunin sa inyo si Jamaicca, tutal pinili niya namang tumira sa inyo." Feeling ko parang nagtatampo sakin si daddy. Dahil mas pinili ko kina nanay kesa sa kanya.
Hindi nila ako naiintindihan.
"Uhm.. Daddy, san kayo pupunta?" Tanong ko. Nag-iiba ng usapan.
"Ah, mag-mamall lang kami ni Chase. Family bonding sana kaso nasa ibang bansa yung mommy niya eh. Nag-aasikaso ng negosyo. Kaya father and son bonding nalang kami." Tumango-tango ako.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my STEP-BROTHER
أدب المراهقينSabi nila, kapag hindi ka nasaktan, hindi ka nagmahal.. Yun na nga ang problema eh. Nagmahal ka na nga, ikaw pa yung nasasaktan! Alam mo yung feeling na hindi naman tutol yung magulang namin sa relasyon namin? Pero sa huli sila din pala ang dahilan...