~Chapter 30: New Year~

1.4K 45 1
                                    

JAMAICCA'S POV
"Anong meron?" Hinawakan ni Chase yung braso ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad.

"Ha?"

"Bakit nagpapasama ka sakin?"

"Ipinagbabati ko sina nanay at tito."

"Anong konek nun sa tanong ko?" Sabi niya pa. Napairap ako.

"Common sense, isinama kita para magkaroon ng alone time silang dalawa." Saad ko.

"Pano sila magkakaroon ng alone time eh nandun yung kambal mong ku-"

"BUNSOO!" Rinig kong sigaw ni kuya Cross. Napalingon ako at nakita silang tumatakbo palapit sakin.

"Sorry natagalan kami, ang hirap lusutan nung dalawa. So ano? San na ang punta natin ngayon?" Tanong ni kuya Cris.

Napaisip ako. Bili nalang kaya ako ng mga damit? Pero baka ma-bored sina kuya. Wag na nga lang... Arcade? Ayoko, nakakasawa na.

"Amusement park!" Sigaw ko na ikinagulat nila.

"Grabe ka naman bunso! Nagulat ako." Sabi ni kuya Cross habang ginugulo-gulo buhok ko.

"Tss.." Rinig ko kay Chase. Napatingin naman si kuya Cross kay Chase na takang-taka.

"Hindi pwede bunso, baka hanapin tayo nina nanay at tito. Kailangan dito lang tayo tumambay sa mall na to para kung sakaling hanapin nila tayo, mabilis tayong makaka-respond." Sabi ni kuya Cris.

"Ang KJ mo! Maganda nga yun eh. Amusement park? Exciting! Hanapan nalang natin ng excuse!" Pangongontra ni kuya Cross.

"Ah! Alam ko na! Sabihin nalang natin kina nanay na masama ang pakiramdam ni bunso kaya sinamahan nating umuwi." Nagulat ako sa excuse ni kuya Cross.

"Ako pa talaga dinamay mo kuya ah?"

"Ang tanga mo talaga Cross, kung malaman nilang masama pakiramdam ni bunso, malamang susunod na yun sa pag-uwi." Sabi ni kuys Cris. May point siya.

"Magpabili nalang kaya tayo ng gamit sa kanila para matagalan sila?" Suggestion ko. Nag-agree naman sila.

"Sino tatawag?" Tanong ni kuya Cris. "Ikaw nalang kaya tumawag, bunso?"

Napakamot naman ako ng ulo. "Lowbat na ako eh. Buti nga nakapag-text pa ako sa inyo kanina eh." Sabi ko. "Bat hindi nalang ikaw kuya Cris?"

"Naiwan ko phone ko. Ikaw Cross?"

Nakita ko naman napakamot siya ng ulo. "Wala akong load, hehe." Napasapo nalang kami ni kuya Cris ng ulo.

"Ako nalang." Napalingon kami kay Chase. Nandito pa pala to. XD

"Ha?"

"Ako nalang magte-text."

"Ayos yan bro!" Sabi ni kuya Cross. Kinuha naman ni Chase yung phone niya at nagsimula nang mag-text.

___________
CROSS'S POV

Nandito kami ngayon sa Star City. Kumukuha palang kami ng ticket. Yung papel na nilalagay sa wrist mo para makapasok ka sa loob? Ticket tawag dun diba? Ah basta..

May napapansin ako kina Chase at Jamaicca simula nung tumakas kami kina nanay at tito. Kaya hinila ko palayo kina Chase at Jamaicca si Cris.

"Anu ba?"

"Wala kabang napapansin dun sa dalawa." Sabi ko habang tinuturo sina Chase at Jamaicca.

"Anong meron sa kanila?"

"Parang... May something sila?" Unsure kong sabi.

"Gutom lang yan."

"Hindi nga! Parang may something sila. Hindi kaya..."

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon