~Chapter 2: School of Gangsters?!~

3.6K 85 14
                                    

JAMAICCA'S POV

'Hoy pukengkeng gumising ka na!'
'Hoy pukengkeng gumising ka na!'
'Hoy pu-'

*Alarm off*

Ugh! I hate mondays..

Grabe hindi ako nakatulog masyado kagabi, sumasakit tuloy ulo ko.

Naninibago kasi ako dito sa bagong bahay namin. Lumipat kaming lahat sa medyo malayong lugar. Sabi kasi ni daddy tutal kasal na sila, kailangan na namin tumira sa iisang bahay.

In-enroll na din daw ako sa isang paaralan at first day of school ngayon. Medyo kinakabahan nga ako eh.

Mabait kaya mga estudyante dun?

Marami kaya akong magiging bagong kaibigan?

Tataas kaya grades ko? XD

May gwapo kayang professor dun? Sana naman...XD

Ah basta, ang alam ko lang kinakabahan ako.

Pumunta na agad ako sa banyo para maligo at magbihis.

Actually hindi naman talaga ako naninibago sa bahay kaya ako hindi makatulog, hindi ako makatulog dahil sa nangyari kahapon.

*FLASHBACK*

"Jamaicca..." Napatingin ako sa kanya. Naging seryoso mukha niya. Tumayo siya at nilapitan ako. Anong meron sa kanya?

Napansin ko naman na palapit siya ng palapit sakin. OMO! Anong gagawin niya?

Paatras ako ng paatras habang siya mas lalong lumalapit. Rape! Naku! Chase, wag dito, wag ngayon...XD

"Ahhh!!! Rape!" Napatili ako ng di oras sa ginawa niya. Akala ko ba naman kung ano gagawin niya. Niyakap lang pala niya ako. Teka? Niyayakap niya ako? Bakit?

Sinubukan kong kumalas sa yakap namin, kaso malakas siya eh hindi ko siya kaya. At tuwing kumakalas ako sa yakap, mas lalo niyang hinihigpitan yakap niya. Ang bigat pa niya.

"Im sorry..." Napatigil ako sa kapipiglas nang sinabi niya yun. Hindi ko akalain na nanggagaling sa kanyang bibig yang mga salitang yan.

Seriously, isang gangster maririnig mong mag-sorry? Sa wattpad mo lang ata makikita yun.

Hindi ako nakapag-salita. Wala rin naman akong sasabihin eh. Para san pa at nag-aaksaya ako ng laway sa kanya?

"Im sorry..."

"Chase, pupunta nako kay dad hinahanap n-"

"Im sorry..."

"Oo na, umalis na tayo dito mapapagal-"

"Im sorry..."

Nagsimula na akong kumalas ulit.

"Chase pag hindi ka kumalas sasapa-"

"Im sorry.."

"Chase ano ba! Hindi ka nakakatuwa. Wala na ring kwenta yang sorry sorry mo, nasaktan na ako." Kumalas na agad siya sa yakap namin at hinarap ako sa kanya.

"Hindi mo kailangan patawarin ako, pero nag-sorry na ako." Cold na sabi niya habang naka-poker face naglakad naman agad siya palayo sakin. Eh bat niya kailangang paulit-ulitin yung sorry niya? Tss...

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon