Special Chapter Part II

1.4K 37 0
                                    

JAMAICCA'S POV
"Ok lang ba talaga tong ayos ko?" Tanong ko kay Cassandra habang tinitingnan yung sarili sa salamin. Mas maganda nang concious kesa naman confident ka pero mukha palang tanga ayos mo noh.

Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa at...

"AHHH! YOURE SO BEAUTIFUL AICCA!" Sabi niya pa sakin. Hmmp! Mas maganda pa nga siya sakin eh.

"Wag nang mambola, wala akong piso."

"Lets go na sa school, 30 minutes nalang oh." Sabi niya pa habang tinitingnan yung watch niya.

______________
"Ang lonely naman natin, wala tayong partner sa prom." Sabi ko habang papasok sa school.

"Oo nga eh. Teka, wala man lang ba nag-aya sa iyo?" Tanong niya.

"May mga nag-aya sakin. Tinanggihan ko silang lahat. Ayoko ng prom date."

"Eh gaga ka pala eh! Buti nga ikaw may nag-aaya kaso tumanggi ka lang, eh ako wala talaga!" Tumawa naman ako.

Papasok na sana ako nang bigla akong hilahin ni Cassandra. "Ano yun?"

"Suotin mo yung mask mo." Ay oo nga pala!

Kinuha ko naman yung mask ko sa purse na hawak-hawak ko. Sinuot ko ito at tumingin ako kay Cassandra.

Dahil sa mask ni Cassandra, hindi mo siya makikilala.

Pagpasok namin sa eskwelahan, medyo nagulat ako sa itsura ng prom night.

Isa lang ang masasabi ko, NAKAKATAKOT.

Wala namang theme ang prom diba? Bakit halloween to?

May mga bats, cats, witches na nakasabit sa ceiling. Tapos may mga black balloons na designs sa gilid. Yung iba nakakalat lang. Tapos puro fog. You can barely see the people. Yung mga tela ng table ay black and red. Sa tingin ko may color coding ang dress na susuotin dahil wala kang makikitang ibang kulay ng dress bukod sa black and red. Buti nalang black and red ang binili namin ni Cassandra.

"Pwede bang tanggalin ang mask sa kalagitnaan ng prom?"

"That's a big no no. Napapansin mo may mga bodyguards na nakapaligid?" Sabi niya habang tinuturo ang iilang mga bodyguards. Napansin ko rin na maraming nakapalibot na bodyguards. "Kaya yan nandyan, para bantayan ang mga kilos natin. So kapag itinanggal mo yan, makikita nila at papalabasin ka sa prom." Tumango-tango lang ako na parang naiintindihan ko.

Naghanap na agad kami ng bakanteng table pero ang bakanteng table nalang ay sa bandang dulo kaya no choice kami. At isa pa, ayaw naming maging center of attention kami. Ok na kami dito. Malamig naman eh.

"Hindi ako nainform ah, ganto pala ang theme ng prom? Halloween?"

"Haloween? Gaga! Walang theme! Kaya lang namang ginawang nakakatakot para bumagay sa eskwelahan natin. Ang dami ngang ek-ek ng principal eh. Kailangan daw nakakatakot dahil school of gangsters daw ganito, ganyan. Hay ewan." Muntik na akong matawa. Habang ine-explain niya kasi yung sinasabi niya, parang frustrate na frustrate siya.

"Cass, kung... Hahanapin mo ako sa bahay nina Chase, wag mo nang ituloy. Pagkatapos ng prom na ito, titira na ako sa bahay ng tunay kong nanay." Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Seryoso?"

"Halata bang nag-bibiro ako? Wag kang mag-alala. Dito parin ako mag-aaral." Para naman siyang natanggalan ng tinik.

"Ok lang yan. Susuportahan kita kung ano man yung desisyon mo, hindi ko naman hawak buhay mo eh." Nginitian ko naman siya.

Im lucky to have her as a bestfriend.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon