~Chapter 22: Invitation~

1.3K 32 0
                                    

JAMAICCA'S POV
Its been a week..

Hindi na ako kinakausap ni Chase. Tuwing lalapit pa lang ako sa kanya, umiiwas na siya. Ang last na pag-uusap namin ay noon sa sine.

Pag sa bahay naman, palagi siya nagkukulong sa kuwarto. Sabi ni daddy hayaan nalang daw muna siya. Nagtatampo lang daw.

PERO ONE WEEK NA EH!

"Jamaicca, anong susuotin mo sa birthday ni Jaxx?"

"Ha?" Birthday ni Jaxx? Kailan? Hindi ako inform?

"Sabi ko anong susuotin mo sa birthday ni Jaxx."

"Narinig ko."

"Bat mo pinapaulet?" Ang hirap talaga kausap netong bruhang to.

"Ewan ko. Hindi naman ata ako inbitado eh, ni hindi ko nga alam na birthday na pala ni Jaxx. Ikaw meron kang invitation?"

"Meron pero hindi ako sasama." Huh? Bat naman siya hindi sasama?

"Ang gara mo! Sumama ka na para may kasama ako doon." Natawa naman siya. What's so funny?

"Diba hindi ka naman sigurado kung kasama ka? Wala ka pa ngang invitation eh. Bat nag-fefeeling ka?" Ay. Oo nga noh?

"Eh.. Malay mo lang meron pala akong inbitasyon. Pero kung meron man, sumama ka." Hindi na siya sumagot pagkatapos nun.

CASSANDRA'S POV
"Ate." Tawag sakin sa bandang likod kaya napalingon ako kung sino yun.

"Bakit?"

"Pwede po bang akin nalang po yung invitation niyo sa birthday party ni Jaxx?" Ay, ang kapal ng fez manghingi ah. Kapatid niyo po ba si dictionary?

"Bakit?"

"Pili lang po kase yung may ganyang invitation. Kaya kung pwede po sana, akin nalang po tutal ayaw niyo na naman po niyan diba?" Ay, ang kapal na nga ng mukha tsismosa pa.

Pero bakit ganun? May part akong gusto kong ibigay pero may part din akong ayaw ko?

"Sorry, may tao nang nauna sayo." Sabi ko. Bigla namang lumungkot mukha niya. Nakakaawa siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko binigay sa kanya eh, bigla nalang pumasok sa isip ko yung mga salitang yun.

"Ikaw ah." Sabi ni Jamaicca sabay siko.

"Bakit?"

"Kunwari may pagmamay-ari na nung invitation pero totoo gusto mo lang makapunta." Bulong niya.

"Eh di hindi!" Sabi ko at akmang ibibigay na dun sa babaeng nanghingi pero hinablot agad ito ni Jamaicca at tumakbo palabas ng classroom. "Hoy ibalik mo sakin yan!" Hinabol ko siya. Gatok talaga yung si Jamaicca.

Hinabol ko siya at buti nalang mabilis ako tumakbo kaya palapit na ako ng palapit sa kanya habang tumatakbo. Bigla ko siyang dinambahan kaya pareho kaming napahiga sa sahig.

Aray ko.

Pumunta naman ako sa ibabaw niya para wala siyang takas. "Asan na? Akin na nga!" Sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami dito pero tawa lang siya ng tawa.

I'm Inlove with my STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon