CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 3
Shivon version 2.0"Nasamahan na kita." Nakangisi akong tinignan ni Sandy.
Maaga kaming umalis ni Sandy pata makahanap nang unit na pwede kong matirhan, at sa swerte namin, hindi rin kami natagalan at nakahanap rin kami na sangayon sa kagustuhan ko. Ayoko namang magtagal sa unit ni Sandy kahit pa na gusto niya ngang doon na lang ako, nakakahiya iyon. Kailangan ko ng sariling akin.
Tumawa ako sa kakulitan niya. "Oo na, sasama nga ako mamaya. I already promised."
Yumakap siya sa braso ko. "Excited na ako!" Mayamaya ay naging malumanay ang boses niya. "Lalo na't kasama na kita ngayon." Nginitian ko siya. I love Sandy, she's the sister I wish that I never had.
Hinihingal na ako sa kakabihis. Hindi ko alam kung ilang damit na ba ang naisuot ko. Ito naman kasing si Sandy, hindi ko naman alam na nagbago na pala ang taste niya sa damit. Napakaiikli ng mga dress na 'yon at hapit sa katawan, hindi ako kumportable sa mga ganoong klase ng damit. Dati naman kapag nagpaparty kami, hindi ganito ang mga damit niya, pero matagal akong nawala. Marami na rin ang nagbago sa kanya, pero siya pa rin ang matalik at nagiisa kong kaibigan.
"Shivon! Ilang beses na tayong nakahanap ng mga damit na babagay sayo." Nagpaninghawak siya habang nakaharap sa akin. "Maraming bagay sa iyo pero ayaw mo lang na isuot! Ano bang gusto mo? Magsako?"
Nagkamot ako ng ulo. "Masyadong maiikli, Sand. Isa pa, hindi ako kumportable."
Hindi makapaniwala niya akong minataan. "Ano? Eh, sanay ka naman sa ganyan ah. Ano na bang nakasanayan mo? Iyong pangcow girl?"
Ihinagis ko sa kanya ang isang damit. "Hindi no! Yeah, I love dresses!" Iminuwestra ko ang mga nakakalat na damit sa kama. "But not like this types of dresses."
Umikot ang mga mata niya. "You have no choice, Shiv." Hinila niya ako at ipinasok sa banyo, ipinagduldulan niya sa akin ang dress na kanina niya pa ipinipilit sa akin at pagkatapos ay lumabas. "Isuot mo na iyan!"
Isinuot ko nga ang ipinasuot ni Sandy. Itim iyon na may manggas na maikli, malalim ang neckline sa harapan maging sa likod at hapit na hapit sa katawan ko na para bang pangalawang balat ko na iyon. And take note, malapit lang ang laylayan 'non sa ilalim ng mga parteng pribado ng katawan! Mabuti na lang at sanay pa rin naman pala akong magsuot ng heels. Ipinahiram sa akin ni Sandy ang kanyang itim na stilettos at pagkatapos ay nakalugay lang ang itim na hanggang balikat kong buhok. Nagmascara lang ako at naglipstick ng pula. Hindi na rin naman ako masyadong gumagamit ng mga make-up ngayon.
Pagkatapos ng isa't kalahating taon, pagkatapos ng paglayo at paghahanap ng katahimikan, pagkatapos ng pagpapahilom at paglimot, sa tingin ko ay panahon na para maging masaya naman ako. Ngayon ko lang naisip na dapat ay hindi ako nagpaapekto sa nangyari, dapat ay ipinakita kong malakas ako. Pero tao lang ako at nasasaktan. Pero ngayong nagsisimula na ulit ako, sisiguraduhin kong mas matapang na ako.
"Ready girl?"
Nakangiti kong nilingon si Sandy bago tuluyang pumasok ng club. "Ready."
At hindi na ako ang babae noon na marupok at madaling madurog dahil sa pagtraydor ng mapapangasawa niya at ng matalik niyang kaibigan.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...