CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 5
The prey.Pakiramdam ko ay nakuryente ako.
Naramdaman ko iyon ng iabot ko ang aking kamay sa kanya. "Adeelah, Adeelah Shivon."
Tumango ang lalaking nagngangalang Declan sa akin. Hindi na nakapagtatakang mabilis na nasipatan ng mata ni Zyra ang lalaking ito, totoo ngang sa sobrang nakakahalina ang mukha niya ay aakalain mong ito ang itinutukoy na mga lalaking bida sa isang libro kung saan mayroong prinsipe. Napakatangkad nito at kung hindi ko siguro napagpasyahang magsuot ng heels ay hanggang dibdib niya lang ako.
Hindi ko alam pero nang ayain niya ako, walang pagdadalawang isip akong pumayag. Pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako. Umupo kami sa stool na nakahilera sa harap ng bar counter, nagusap kami at napapansin ko ang lagi niyang pagtitig.
"Bakit mo ako tinititigan?" Ditetsa kong tanong.
Nagkibit balikat si Declan at muling sumimsim sa alak niyang nasa baso. "You're just so beautiful."
Napangisi ako. Kilala ko ang mga ganitong lalaki, kabisado ko ang bituka ng mga katulad niya. Mga ilang minuto pa lamang kaming nagkakausap pero heto na siya't nagsisimula na. Napakabilis. Matinik.
Sumakay ako sa kanyang panguuto na nakabalot sa isang matamis na coating. "Talaga?"
Lumingon siya sa akin. Inilibot niya ang mga mata sa aking mukha pababa sa aking dibdib, nagkagat labi siya at nagpatuloy sa pagbaba ang kanyang matapatungo sa mga hita kong nakalantad dahil sa naurong kong damit dahil sa pagupo. Habang ginagawa niya iyon ay nakatutok lamang ang mga mata ko sa mata niyang pinagnanasaan ang aking pigura.
Sigurado akong marami nang nadali ang lalaking ito. Isang tingin pa lang, alam mo na. Hindi sa hinuhusgahan ko siya, pero base sa nakikita ko, alam ko nang pareho lang ang lalaking ito sa mga nakabisa ko. Lalo na't masyadong nakakahalina ang kanyang itsura, maraming maaakit sa kanya. Ang mga taktika niya at salita, ito ang mga pain nila para makabingwit ng babae. At sa tingin ko, ako ang biktima niya ngayong gabi.
Nagkatitigan kami.
Bumaba siya sa kinauupuan at tumayo sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking magkabilang tuhod at ipinaghiwalay iyon, pumagitna siya sa aking dalawang binti. Hinapit niya ang aking bewang papalapit sa kanya at hinahaplos naman ng kanyang isang kamay ang aking hita. Inilapit niya ng husto ang mukha sa akin hanggang sa halos magkadikit na ang labi naming dalawa. Hindi ko maialis ang mga mata sa kanya.
"Wanna play with me?" Nasa mata niya ang pagnanasa. Hindi niya na kailangan pang klaruhin, naiintindihan ko na ang ipinapahiwatig niya.
Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Ikinawit ko ang braso sa kanyang leeg at bahagyang lumapit para bumulong. "What kind of game are we going to play?"
Pinisil niya ang aking hita. "It's a secret, but it should be played in bed." Mapangakit niyang tugon, naririnig ko ang malalim niyang paghinga.
Tinanggal ko ang dalawang braso sa kanyang leeg at inilapat naman ngayon ang dalawang palad sa kanyang dibdib, tinulak ko siya ng kaunti. Ngumisi ako. "Game?"
Ngayon ko lamang siya nakilala pero para bang handang handa ako sa kung ano man ang gusto niya kasama ako. Nagiinit ang pakiramdam ko sa haplos at pisil na kanyang ginagawa sa akin.
Ibinaba niya ako sa stool at hinapit muli dahilan para magdikit ang aming katawan, naglakbay ang kanyang kamay sa aking likuran pababa at tumigil iyon sa aking pwetan. "Game, baby."
***
AN: The next chapter would be private 'cause it was going to be something steamy and sexual. You guys need to follow me to be able to read the next chapter.
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...