Chapter 33

26K 503 26
                                    



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 33
I know.








"Wag mo nga akong amuyin." Siniko ni Shivon ang tagiliran niya.








"Ano bang masama?" Reklamo at simangot niya. "Gusto lang naman kitang amuyin ah."







Days being away with her is torture. Hindi siya mapakali. Hindi siya makatulog. Lumulutang ang isip niya at hindi siya makapagisip ng maayos. Kaya naman para matapos na ang dilema niya, pinaaga niya ang meeting nila ni Mr. Ochavo at ginawa niya na rin ang mga kailangan niyang gawin doon. Nagulat nga si Thomas dahil sa sipag niya, madaling-madali siya kung umuwi. Dapat nga ay isang linggo siya sa New York, pero dahil uwing-uwi na siya, apat na araw lang at heto nga'y nakauwi na siya. Nakauwi na sa bahay ni Shivon. Dito siya kaagad na dumiretso, tutal kaya naman siya nagmamadali dahil sa dalaga. Missing her makes him go crazy.








Hinigpitan niya ang yakap kay Shivon mula sa likuran, isiniksik niya ang mukha sa leegan nito na nakagawian niya nang gawin. Hindi naman na umalma si Shivon at nagpatuloy lang sa paghuhugas nang pinggan.








"Akala ko ba isang linggo ka doon?" Tanong ni Shivon habang sinasabon nito ang nagiisang baso na ginamit nila.





Sininghot niya ang amoy ni Shivon. Gustong gusto niya iyon, nakakaadik. Amoy baby. "Dapat."





"Oh, apat na araw pa lang ah." Takang sabi ni Shivon at saka siya nilingon sa bakikat nito.







Nagkadikit ang ilon nilang dalawa. Bumaba ang mga mata niya sa labi nitong mamasa-masa at mapula, gusto niya iyong kagat-kagatin, halikan... Lalo niyang piniga sa yakap si Shivon. God! Is he going mad? "Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"








Nakita niya ang paglunok ni Shivon. "G—Gusto..."






"Talaga?" He huskily said. "Namiss mo ba ako?"







Biglang sumimangot si Shivon. "Hindi."






Binitawan niya si Shivon. "Hindi mo ako namiss? Samantalang halos mabaliw ako doon kakaisip sayo?" Naiinis na sabi niya. Of course, its unfair! "Uuwi na lang ako."







Tumalikod siya. Naiinis siya. Hindi man lang siya namiss ni Shivon. Eh ito nga, miss na miss niya. Kaya nga halos hindi na siya lumubay dito buntot siya ng buntot. Dikit ng dikit. Sumakit ang dibdib niya. Hindi siya nito namiss. Hindi.






Nang nasa sala na siya, nangunot ang noo niya at lalong nagdikit ang makakapal niyang kilay. Malalaki ang hakbang na bumalik siya ng kusina at nilapitan si Shivon. Nang napansin siya nito, ngumiti pa ito sa kanya na ikinakulo ng kanyang dugo.




"Oh, akala ko ba uuwi ka na?" Bakit ba nakangiti 'to? "May naiwan ka?"







Nagtiim bagang siya. Hindi siya makapaniwala! "Nagtatampo na nga ako kasi hindi mo ako namiss, tapos hindi mo man lang ako sinundan?! Huh. Gusto mo na talaga akong umuwi?" Kinorner niya si Shivon. "Hindi mo talaga ako namiss? Kahit na kaunti lang? Kahit—"









"Joke lang. Namiss rin kita."










Napatigil siya sa kakasatsat. Tinitigan niya si Shivon at nang makita niyang seryoso ito, tumalikod siya. Pagkatapos ay hinampas hampas niya ang dibdib, dahilan para maubo siya.








Kaagad siyang ihinarap ni Shivon. "Ano bang ginagawa mo? Anong nangyayari sayo?"









Kinuha niya ang kamay ni Shivon at inilagay sa dibdib niya ang palad nito. "Dito oh." Hinawakan niya ang palapulsuhan ni Shivon at iginalaw galaw para humaplos ang palad nito sa dibdib niya. "Ang bilis ng tibok eh, tapos biglang huminto yung paningin ko." Nagtataka niyang tinignan si Shivon. "Kinulam mo na naman ako 'no?"








"Sinabi ko nang hindi nga ako mangkuku—"









Bigla ay inipit niya sa kanyang dalawang palad ang mukha ni Shivon  at itinaas iyon papalapit sa mukha niya. Hindi naman siya tanga. Kung hindi man siya sigurado... Pero alam niyang....










"Gusto kita, Shivon..."










***

ImperfectPiece


CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon