CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 36
Her wounded heart."Ada... K—Kamusta ka na?"
Nanatiling nakabaling ang aking atensyon sa babasaging dingding ng shop. Nakaupo kami sa isa sa mga lamesa, malapit sa pinto. Pinaunlakan ko ang kagustuhan niyang kausapin ako, kahit na alam ko namang wala namang mababago kung ano man ang nais niyang sabihin sa akin. Hindi ko alam kung bakit lumilipad ang utak ko kay Declan. Si Declan ang laman ng isip ko kahit na si Cristoff ang nasa harapan ko.
Siguro ay napansin niya ang pagkatulala ko kaya't tumikhim siya para kunin ang aking atesyon. Bumaling ako at nagtama ang aming mga mata. "Maayos naman... Ikaw?"
Ngumiti siya ng kaunti. "Eto... ganoon pa rin." Sagot niya.
Masakit sa mata at sa pusong makita siya muli. "Ano bang gusto mong pagusapan?" Diretsa kong tanong.
Tumango tango siya. Pinagsalop niya ang dalawang kamay sa itaas ng mesa, hindi siya mapakali. Hindi niya ako matignan ng diretso, kung titignan niya man ako, hindi iyon lalagpas sa limang segundo. Pagkuwan, nang titigan ko siya, bumuntong hininga siya at naglakas loob na muling itutok sa akin ang kanyang mga mata.
"Gusto ko sanang... Gusto kong—Gusto kong humingi ng tawad."
Humigpit ang hawak ko sa mug na halos mamuti na ang buto ko sa pagulbo. "Hindi ba... Masyado nang huli ang lahat para humingi ka pa? Maraming panahon na ang nasayang." Mahina kong sagot.
Akma niyang aabutin ang kamay ko ngunit agad ko iyong naiwasan. Itinago ang kamay sa ilalim ng table. Nakita ko ang kawala ng pagasa sa kanyang mga mata, lungkot. Lungkot? Bakit siya nalulungkot? Na hindi ko siya mapatawad? Na alam kong alam niyang sarado ang puso ko para sa bagay na iyon? Na hindi ko kayang ibigay ang hinihingi niya?
"Alam kong nasaktan ka namin ni Stacy." Napangiwi siya ng banggitin ang pangalan ng dati kong kinilalang kaibigan. "Aaminin kong naging makasarili kami. Niloko ka namin. Pero mahal namin ang isa't-isa, Ada—"
Tumalim ang aking mga mata. "—Huwag mo na akong tatawagin sa pangalang 'yan. Dahil naaalala ko lang ang panlolokong ginawa mo sa akin." Madiin kong putol sa kanyang sinasabi.
Napayuko siya. "Alam kong kahit na anong paghingi ang gawin ko, o ni Stacy, alam kong hindi mo kami mapapatawad. May karapatan ka naman, sinaktan ka namin, niloko sa kabila ng magmamala na ibinigay mo sa aming dalawa. Isinuko ko ang ilang taon nating magkasama, minahal kita, Ada. Mahal kita. At kung ano man ang nagawa ni ko at ni Stacy, tinatanggap namin kung patatawarin—"
"—Hinding hindi ko kayo mapapatawad. Sana, sinabi niyo na lang sa akin habang maaga pa. Hindi yung umabot pa tayo sa altar, sa harap ng Diyos at sa harap nang maraming tao. Hindi niyo alam ang naramdaman ko at nararamdaman ko hanggang ngayon!" Tumulo ang butil ng luha mula sa nanlilisik kong mata dahil sa galit. Umahon ang galit na nakabaon sa dibdib ko. "Minahal kita. Minahal ko kayo. Pero ginago niyo ako. Pinagmukha niyo akong tanga!"
Maging siya ay tumayo ng tumayo ako. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong ipakita, iparamdam kung gaano kasakit ang sakit na idinulot nila sa akin. Kung gaano kapinong nabasag ang puso ko. Kung gaano kalalim ang natamo kong sugat na hindi mahilom-hilom. Hindi nabawasan ang galit ko sa paghingi niya ng tawad, sa halip ay binudburan niya ang sugat ko ng asin. Lalo iyong nagliyab sa sakit, lalong kumirot.
"Umalis ka na. At kung pwede man, ayaw ko nang makita pa ang buong pagkatao mo." Patuloy na rumagasa ang luha ko sa galit. Kumuyom ang aking kamay at pumipitik ang sugatan kong puso.
"Pero—"
"Huwag kang lalapit!" Akma niya akong lalapitan at hahawakan na namang ulit, pero lumayo ako. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata, nagtutubig. Wala siyang magawa kundi ang tumigil at tignan lamang ako.
"I'm sorry, Ad. I'm so sorry." Ibinaba niya ang katawan. Lumuhod siya sa harapan ko. "Patawarin mo ako..." May bahid ng pagiyak sa kanyang tinig.
Ngunit hindi ako natinag. Nanatiling bato ang puso ko. Hindi ko kayang magpatawad. Masyado pa ring sariwa, bukas pa rin ang sugat ko kahit na taon at higit na ang lumipas.
Pinigilan ko ang humikbi dahil ayaw kong marinig kami ni Erwin. Ipinunas ko ang aking braso sa aking pisngi, nang muli ko siyang tignan sa pagkakaluhod ay tumindi ang sakit sa dibdib ko. Masakit. Masyado ng masakit.
Umiling ako sa kanya, kasabay ng pagtulo ng luha ni Cristoff ng siya'y pumikit at yumuko.
"Patawarin mo rin ako, pero hindi kita kayang patawarin."
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...