CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 21
Wait a minute."No."
Nagsalubong ang kilay ni Declan. What the hell? Bakit no ang sagot niya? Pakiramdam niya nga habang hinihintay niya ang sagot ni Shivon ay nagaalok siya ng kasal, tapos no lang ang isasagot nito sa kanya?
"What do you mean by no?" Tanong ni Declan kahit na obvious naman kung ano ang ibigsabihin nang salita 'yon.
Inilapat ni Shivon ang palad nitong mainit sa dibdib niya saka bahagya siyang itinulak. Umayos nang upo si Shivon habang siya nagngingit na. "No, as in no na hindi."
Hinawakan niya ang braso ni Shivon, gusto niya itong ibulsa. Bakit ba pinapahirapan siya ng babaeng 'to? "Why?" Naiinis niyang tanong.
Kumibit balikat si Shivon. "Wala lang, ayoko lang. Saka tigil-tigilan mo nga ang kakahalik sa akin, baka masapak kita ulit."
Napailing siya nang tumayo si Shivon at pumasok ito sa kwarto nito. Tuloy, biglang naalala niya ang gabing inangkin niya si Shivon. Pinigil niya sarili, baka hindi siya makapagtimpi kay Shivon at bigla na lang niya itong sunggaban dahil sa frustrations niya dito.
"Kung ayaw mo, edi liigawan na lang kita!" Sigaw niya.
Ayaw niyang magmukhang depirado, pero despirado siya ngayon. Binabaliw siya ni Shivon! Hindi niya ito maialis sa sistema niya. Naalala niya ang payo sa kanya ni Daylan nang ikwento niya sa kaibigan ang nararanasan niya. Pinagtawanan siya nito, ito na raw ang karma niya. Hindi ito karma, wala naman siyang ginawang masama ah. Sa naaalala niyang sinabi ni Daylan, baka si Shivon lang daw ang apple of the eye niya ngayon. Pero sigurado talaga siyang kinulam siya eh. Hindi niya na sinabi kay Daylan dahil alam niyang pagtatawanan lang din siya nito, baka puntahan niya ito sa ibang bansa at tadyakan.
Hinintay niya ang sagot ni Shivon pero wala siyang narinig kaya't sinundan niya ito sa kwarto. Nang buksan niya ang pinto, nadatnan niya ang senaryong hinuhubad ni Shivon ang suot nitong formal shirt. Napatigil si Declan at napalunok nang tumutok ang mga mata niya sa malagatas at makinis na kutis ni Shivon. Sumandig siya sa gilid nang pinto at humalukipkip, pinakatitigan niya ang bawat kilos ni Shivon.
Sa totoo lang, hindi niya pa naransan ang ganito. Sa mga nakilala niyang babae, ang mga ito ay hindi nagdulot sa kanya nang ganitong pagkasabik. Nang ganitong pakiramdam. Usually, itinuturing niya nang hindi niya kilala ang babae pagkatapos ng umaga. Pero iba si Shivon, may humihila sa kanya dito.
"Anong tinititig mo diyan?" Masungit na tanong ni Shivon nang maisuot na nito ang t-shirt na masyadong malaki. Hindi naman siya nito inaakit, pero naaakit siya.
Tumayo si Declan ng tuwid. Hindi siya sumagot. Sumeryoso ang kanyang hitsura.
Ano bang pinagkaiba ni Shivon sa mga babaeng nakilala niya sa bar? Hindi niya alam. Pero alam niyang kakaiba ito, hindi niya lang matukoy kung ano. May kung ano sa babae kung kaya't hindi niya mapigil ang sarili. Gusto niya itong laging nakikita. Lagi itong laman ng isip niya sa hindi niya malamang dahilan. Alam niyang kabaliwan ang sinasabi niyang kinulam siya nito, siya ang may problema. Wala kay Shivon.
Bumuntong hininga si Declan at dahan dahan na nilapitan si Shivon na nakapaninghawak habang nakataas ang kilay sa kanya. Nang nasa harapan niya na ito, ipinalibot niya ang mga braso sa katawan nito. Ikinulong niya sa kanyang bisikg si Shivon. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ni Shivon at sininghot ang mabango nitong amoy.
"Oy, ano na naman—"
"Sandali lang, payakap muna. Pahingahin mo nang saglit ang utak ko, Shivon." Bulong ni Declan.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...