CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 24
Court thing."Hindi ka pwedeng magtagal dito."
Nangunot naman ang noo ni Declan. "Why not?"
Napabuntong hininga si Shivon. Anong why not? Hindi ba nito alam na dapat ay wala siya sa pamamahay niya? Wala ba itong kailangang gawin? O pinagkakaabalahan man lang maliban sa balik-balikan siya nito dito?
"Declan, hindi ka na dapat nagpupunta pa dito." Paliwag ni Shivon.
Napatigil si Declan sa pagpindot ng remote, tamad itong nakaupo sa tabi niya habang magkatabi sila sa sofa. Nilingon siya nito, magkasalubong ang kilay at mukhang hindi siya maintindihan.
"Bakit hindi dapat? Magkaibigan naman tayo ah."
Ano raw? Magkaibigan na kami? Bakit hindi ko alam 'yon?
Maging ako, nagsalubong na rin ang kilay. "Anong magkaibigan? Kailan tayo naging magkaibigan?" Umayos ako nang upo, pero nakalingi ang ulo ko paharap sa kanya.
"Basta! Magkaibigan na tayo." Palatak niya.
Hinampas ko siya nang unan. "Hoy! Hindi tayo magkaibigan at hindi tayo magiging magkaibigan!"
Nagpadausdos siya sa pagkakasandal sa headrest nang sofa kaya lumanding ang ulo niya sa kandungan ko at umunan siya doon. "Eh ano tayo?"
Ibinaba ko ang ulo sa kanya, nasa mata ko ang bibig niya at ang bibig niya ay nasa ulo ko, kumibit balikat ako sa kanya at walang emosyon ang hitsura ko. "Wala." Muli kong itinaas ang ulo at hinalukipkipan siya.
Inayos niya ang pagkakahiga sa kandungan ko. Tumagilid siya kaya nakaharap na ang ulo niya sa tiyan ko, isiniksik niya ang mukha niya doon. Hindi ako nagreact kahit na nakikiliti ako sa ginagawa niya. "Ayaw mong magkaibigan tayo, ayaw mo ring ligawan kita. Ano bang gusto mo?"
"Wag ka nang pumunta dito." Sagot ko. Kinagat niya ang tiyan ko kaya napatalon ako. "Declan!"
Tumawa sya nang bahagya. "Bakit ba ayaw mo'ko dito? Ayaw mo bang may pogi dito?" Gusto ko tuloy siyang batukan.
"Seryoso ako, Declan."
"Seryoso rin ako, Shivon. Sige na kasi! Kung ayaw mo palang ligawa kita, edi friends na lang." Giit niya. Bakit ba napakakulit nang taong 'to?
"Friends? Anong klaseng friends 'yan Declan? Kilala ko ang mga katulad mo." Masyado kong kabisado ang mga taong katulad niya, hindi purong kaibigan ang inaalok niya sa akin.
Tumayo siya sa pagkakahiga sa kandungan ko at umupo paharap sa akin. "As in friends lang, ano bang iniisip mo?" Nagtataka niyang tanong.
"Hindi friends with benefits?" Nakataas na kilay ns balik kong tanong.
"What?"
"Okay, friends tayo. Pero hindi mo ako pwedeng halik-halikan ha! Dahil hindi iyon gawain ng isang normal na—"
"Walang kiss? Pwede naman 'yon ah!" Simangot niya.
Saan sa bagay na iyon ang pwede "Ayos ka lang? O nakalunok ka ng thumbtacks? Saan mo naman nakuha 'yan? Walang ganoon."
"Kung walang ganon, edi tayo ang una." Ngisi niya.
"No way, Declan." Humalukipkip ako.
Lumaylay ang balikat niya, kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan. "Ano bang gusto mo?" Nagpapaawa niyang tanong. "Ligawan kita?"
Sino ba itong kaharap ko? Si Mr. Declan Jordan ba talaga 'to? Nasaan iyong lalaking nakita ko nang gabing nasa bar ako? Nasaan ang lalaking 'yon? Bakit ang Declan na kaharap ko ngayon isip-bata?
"Ligawan? Marunong ka?" Puno nangkurusidad kong tanong at nanunukat.
"Hindi." Mabilis at nakangiti niyang sagot. Lumabas ang biloy niya sa pisngi.
Sumimamgot ako. "Oh. Hindi naman pala eh!"
"Bakit?" Inilapit niya ang mukha sa akin. "Kapag ba natuto ako, magpapaligaw ka sa akin?" Parang bata niyang tanong.
"Hindi." Agad ko ring sagot. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay, nadala na ako.
Inis siyang tumayo nang sofa, sinuot niya ang pucca kong malambot na tsenelas. Gusto kong matawa, suot niya pa rin ang damit niya kanina sa opisina nang magkita kami tapos pagdating sa paa, pambabae ang suot nang malaking taong ito. Hinarap niya ako at pinakatitigan, mayamaya ay bigla na lang siyang ngumisi sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang sikupin niya ako sa pagkakaupo. "Hoy! Anong gagawin mo?!" Naglakad siya habang buhat buhat niya ako.
Ngumisi siya sa akin saka niya sinipa ang pinto nang kwarto ko. "Kung ayaw mong friends tayo, at ayaw mo rin na ligawan kita, rereypin na lang kita."
Ikiniwag ko ang paa ko at inabot ko ang buhok niya saka siya sinabunutan! Ang gago! Bakit ba hindi na lang siya umalis?
"Declan!"
***
AN: Hi kay @so_called_love!
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...