Chapter 13

30.6K 521 7
                                    




CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 13
Dalmatian dog.













Natuod lamang si Shivon at huminto na rin ang paggana ng kanyang utak.







"What did you do to me huh? I'm going crazy thinking about you. Dammit." Sabi ni Declan ng pakawalan nito ang labi niya.











Muli siyang hinalikan ni Declan, pero nang biglang rumehistro ang sinabi ni Declan sa tenga niya'y nagbalik siya sa katinuan. Anong sinabi nito? Umigkas ang kanyang kamao diretso sa mukha ni Declan na sapo sapo pa rin ang mukha niya, dumapo iyon sa kanang mata ni Declan.








Napaatras si Declan at sinapo ang mata. "Oh fvck!"







Napanganga naman si Shivon. Hala! Sinuntok niya si Declan! "O—Okay ka lang?"








Napatigil naman si Declan sa pagmumura habang sapo sapo ang mata at masama siyang tinignan. "You think I'm okay? You think I'm fvcking okay?!" Binitawan ni Declan ang mata dahilan para makita iyon ni Shivon. "Why did you do that?!"








Napanganga naman si Shivon ng makita ang mata ni Declan. Ganoon ba kalakas ang suntok niya? Namamaga na ang paligid ng mata nito, nagsisimula nang magkulay-lila.










Napakagat labi si Shivon. "Bakit ka kasi nagmumura?! Ayokong makarinig ng mura!" Naiinis na wika ni Shivon.





"Oh, what are you? A saint?" Pabalang na tanong ni Declan. "Now, I'm going to have a bloody black eye because of you!"







Nagtaas ng kilay si Shivon. "Kasalanan mo 'yan. Buti nga sayo, nanakawan mo pa ako ng halik ah."




"You want it too! Don't deny it." Pakikipaglalis ni Declan.






"Malakalabaw din 'yang balat mo 'no? Makapal eh." Sarkastikong ani ni Shivon.








Lumapit si Shivon kay Declan, si Declan naman ay nakatingin lang sa babae na para bang nagkaroon ito ng tatlong sungay. Tumingkayad si Shivon at inilapit ang mukha kay Declan para tignan ang mata nito, halos magdikit na ang ilong nila sa sobrang lapit.










"Hindi ka pa naman mabubulag." Sabi ni Shivon nang tignan niya ang bahagi ng matang nasuntok niya. "Magkakablack eye lang."








"Da—Hey!" Umatras na naman si Declan at hinawakan ang bibig niyang pinitik ni Shivon.









Pumaninghawak si Shivon. "Alam ko na ang lalabas sa bibig mo. Tara nga."








Nagpunta si Shivon sa kusina, itinabi niya ang ginagawang shake na hindi pa tapos at pagkatapos ay nagpunta sakanyang ref para kumuha ng yelo, kumuha rin siya ng towel para doon ilagay ang yelo. Napailing siya sa nagawa. Ito ang ikalawang beses na makita niya ang lalaki at eto nga, ito na rin ang pangalawang beses na may nagawa siyang kasalanan dito. Isa pa naman itong kilalang tao at hindi basta-basta, hindi na siya magugulat kung baka isa sa mga araw ay makatanggap siya ng tawag mula sa abogado nito para sabihin sa kanyang sinampahan siya ng kaso ni Declan.










Nang balingan niya si Declan ay nasa kabilang bahagi ito ng mesa, nakasandig sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip ang dalawang braso sa dibdib at nakatingin lang sa kanya, bigla ay inirapan siya nito. Napangisi si Shivon, kalalaki nito at kagwapong nilalang pero marunong umirap? Kung sa ibang sitwasyon siguro ay natawa na siya. Pero hindi, baka mapaaga ang pagsampa nito ng kaso sa kanya.









Hinihilot-hilot ni Declan ang sintido nang lumapit siya. "I'm feeling dizzy, my head hurts as my eyes too." Nakapikit ag nakangiwing reklamo ni Declan.







Hinawakan naman ni Shivon ang braso nito at inalalayang iupo sa silya. Tumayo siya sa pagitan ng hita ni Declan at hinawakan ang panga ng lalaki at itiningala ang mukha nito bago dahan dahang inilapat ang towel na may yelo sa mata nitong namamaga.









"Itry mo ulit na magmura at halikan ako, kulang pa ito boy."








Nagmulat ng mata si Declan at sinamaan siya ng tingin. "I'm going to look like a dalmatian dog." Simangot nito.







Napahalakhak si Shivon.








***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon