CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 13
What to do.Her wide hips and big butt. Those perfect round breast and—
"Ohhhh...."
Napaungol si Declan at mahigpit na napakapit sa dingding ng cr. Obviously, nagmamaryang palad siya. Hindi niya alam kung bakit pagkatapos ng dalawang linggong wala siyang maikama dahil sa kawalan ng gana, sa pagsuri niya lamang sa katawan nang nakatalikod na si Shivon ay biglang nabuhay ang junior niya. Hindi naman din siya ganitong mabilis na lang na nalilibog at ganitong grabe pa na kaunting tingin lang ay kung ano ano nang kalaswaan ang pumapasok sa kokote niya. Am I sick?
Pilit itinatanggi ni Shivon na kinulam siya nito. Nagmukha siyang baliw! Hindi kaya ay malapit na siyang mabaliw talaga. Nang makita niya ito pagkatapos siyang buksan ng pinto, nakaramdam siya nagpagkalma. Hindi niya maipaliwanag, sa pagkabalisa niya nang halos dalawang linggo at ang sobra niyang pagiisip dito ay biglang naglaho nang makita niya sa harapan ang babae. Hindi niya na talaga alam kung ano bang nangyayari sa kanya.
"Hoy!" Napatalon si Declan sa loob ng banyo. "Bilisan mo diyan, kakain na."
Napatiim bagang si Declan. Ito lang talaga ang babaeng tinrato siya ng ganito. Hindi ba nito alam kung sino siya? Una, pinalabas siya ng building na ito nang tanging towel lamang ang tapis at walang kasaplot-saplot. At ang mas malala pa doon ay may kumuha sa kanya ng litrato at kumakalat ito hanggang ngayon sa social media. Pangalawa, may black eye siya ngayon dahil bigla na lamang siya nitong sinuntok. Ano na pa bang gagawin nito sa kanya?
Ipinagpatuloy ni Declan ang pagligo. Ginamit niya ng walang alinlangan ang strawberry scent na shampoo at body soap ni Shivon. Alam niyang iyon ang ginagamit ng babae, iyon ang amoy ng buhok nito. Pagkatapos niyang magtuyo ng katawan ay itinapis niya ang tuwalya sa bewang, nang lumabas siya sa shower ay bumungad sa kanya ang repleksyon ng kanyang mukhang may nangingitim na pasa sa salamin. Lumapit siya lalo at ininspekayon ang kanyang mukha.
Hindi niya sinasadyang mapindot ang pasa. "Aw, dammit!" Sinuntok niya ang counter.
Lumabas siya at nakita niya ang damit niyang nakahimlay sa higaan. Ito ang damit niyang naiwan noong nakaraan. Napangisi siya ng makita ang breif niya at boxer mukhang nilabhan iyon ng babae. Isinuot niya ang breif at boxer at pantalon at isinabit sa leeg niya ang tuwalya bago lumabas ng kwarto.
Naabutan niyang gumagawa ng juice si Shivon nang marating niya ang kusina. Napatigil si Declan at tinignan lang ang bawat galaw ni Shivon.
She seems so different.
Para kay Declan, napakabilis ng pangyayari. Mula noong dalawanf linggo na ang nakakaraan, sa ikli nang panahong iyon ay maraming idinulot sa kanya ang babaeng 'to. Sa ikli din nang panahong iyon ay nakaramdam siya ng.... nang kakuntentuhan? Ipiniling ni Declan ang ulo. Anong kakuntentuhan? Kabaliwan.
Umupo siya sa silya at tinignan ang paligid ng bahay. Hindi niya napanain na kaunti pa lang ang gamit, siguro ay kakabili niya pa lamang ng lugar na 'to. Mayamaya ay umupo na rin si Shivon, napakunot ang noo niya ng lagyan nito ng kanin ang pinggan niya, maging ulam at kinuhanan pa siya ng baso at nilagyan iyon ni Shivon ng juice.
"Oh, kumain ka na." Sabi ni Shivon saka ito naglagay ng pagkain sa sariling pinggan.
Seryosong tinignan ni Declan si Shivon. Bakit nito ginawa iyon? Ayon sa rule number six, kapag napapansin mong wirdo na ang ikinikilos niya, kailangan mo nang magmadaling magbihis at umalis. Nagtatalo ang isip ni Declan.
Dapat na ba siyang umalis? Pero ayaw niya pa. Pero papaano naman ang rules niyang isa-isa niya nang nalalabag dahil sa babaeng ito?
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...