CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 2
Back for good."You've..." Iminuwestra ni Sandy ang kanyang pustura mula ulo hanggang paa. "You've change a lot."
Ngumiti ng kaunti si Shivon. "Yeah. I did."
Bumuntong hininga ang kaibigan niya pagkatapos siya nitong suklian rin ng ngiti. "So, how are you?"
Shivon just got back from bukidnon where her family's rancho located. Nagtagal din siya doon ng isa at kalahating taon. Being there is what she needs to do to escape the shame she's in. But now, she's fine.
At nang napagpasyahan niya ngang bumalik ng Manila ay si Sandy kaagad ang kanyang inimporma. Sa tingin niya, kailangan niyang bumawi rito dahil ng ilayo niya ang sarili ay lumayo rin siya sa kaibigan. Lumayo siya sa lahat.
"I'm pretty fine." Ngayon na lang ulit siya naging masaya pagkatapos ng isa't kalahating taon.
Niyakap siya ng kaibigan. "I'm you glad you are." Tinapik nito ang likod niya. "Just always remember that I'm always here for you."
Pansamantala siyang nagpalipas ng ilang araw sa bahay ni Sandy, well naginsist kasi ito. Isa pa, namiss niya ang kaibigan kaya hindi niya tatanggihan ang kung anong bonding man ang gustuhin ni Sandy. Pasalamat na lang siya at hindi ito galit sa kanya, si Sandy na lang ang kaibigan niya simula noong araw na—noong araw na pilit niyang kinakalimutan. Si Sandy lang ang alam niyang hindi siya tatraydurin at mapagkakatiwalaan niya.
Kumakain sila at nanunuod ng tv habang nakaupo sa sofa ng magring ang cellphone ni Sandy, sinagot iyom ng dalaga habang si Shivon naman ay nakapokus lang ang mata sa tv. Ngayon na lang ulit siya nakapanood ng tv, sa rancho kasi, siya ang namahala doon kaya busy ang araw-araw niya walang oras para maglibang. Naging maayos naman ang epekto 'non sa kanya, nakalimutan niya ang alaalang kanyang tinatskbuhan.
Sumagot si Sandy sa telepono. "Okay, pupunta ako pero may isasama ako ha. Okay! See you there..... Bye!" Malapad ang ngiti ni Sandy ng harapin siya nito. "You have to go with me!"
Sumubo siya at nagsalita. "Saan naman yan?"
Ngumiwi si Sandy. "Hindi ka pa rin nagbabago."
Napairap siya. "Nah. Nagbago na ako, sa iyo mismo iyon kanina nanggaling. Remember?"
"Yeah, you did. But!" Niyakap ni Sandy ang braso niya. "You need to come with me tomorrow tonight!"
"Saan nga?"
"Let's go clubbing!"
Tumayo siya sa sofa at nagpunta ng kusina, sumunod naman sa kanya ang kaibigan. "Nako, hindi na ako nagbabar. Isa pa, alam mo naman ang uri ng mga lalaki doon. Kabisadong kabisado ko sila."
"Pagisipan mo muna! Lets bond! Pagbigyan mo na ako." Pamimilit sa kanya ng kaibigan. At dahil nga nangako siya sa sarili na papayag siya sa kung ano man ang gusto nitong gawin kasama siya ay pumayag siya.
"Okay. Pero kailangan mo muna akong samahan bukas para makahanap ng unit."
Napaawang ang bibig ni Sandy. "Hindi ka nababalik ng rancho? You're staying here?"
Tumango si Shivon at nasimula ng hugasan ang pinggan na pinagkaininan niya. "Yeah."
Nagtatatalon si Sandy at nilundag siya nito! "Ohmygod! I'm so happy!"
Tatawa tawa naman niyang ibinalik ang yakap rito. Pagkuwan ay nagsalita siya. "Thank you for still being my friend Sandy."
"Ano ka ba? Wala 'yon." Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. "Mapagkakatiwalaan mo ako, Shivon. I'm not like them. Hindi ko iyon gagawin sa iyo."
Niyakap niya ang matalik na kaibigan. "I know, Sand. I know."
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Genç KurguClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...