Chapter 40

25.1K 390 24
                                    



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 40
Advice.






"Com'on, Jordan. There's so many fish in the sea." Saway ni Sebastian Ludwig, isang negosyante at kaibigan ni Declan.





Samantalang may pagkawirdo namang nakatingin si Dylan sa kaibigang naglalasing. "Alam mo, Declan. Hindi talaga ako makapaniwala na ikaw 'tong kainuman namin. Tignan mo naman," Bumaling ito kay Thyrone Zobel. "Naglalasing siya dahil inlove."







Kumibit balikat lang ang fourth year college student nilang kabarkada na bagot lang na nakatingin kay Declan. "If you love her, you shouldn't be here."





"Alam mo, Jordan. Hindi sagot ang paglalasing sa problema mo, nandito kami para sayo," Minuwestra nito ang kamay nang palibot. "pero hindi ka namin matutulungan sa problema mo dahil hindi namin alam 'yan." Sabat ni Sebastian. "Pero 'yang si Dylan, tanungin mo."






"Alam mo man, kung ako sa'yo kung mahal mo, dapat hindi mo sinabi 'yon. You should make them feel that you'll always be there for them. Ganoon lang ang gusto ng babae, lalambot din 'yan. Ganyan lang naman kami ng asawa ko, speaking of her, I miss my wife." Mahabang litanya ni Dylan, na kakakasal lang dalawang tao na ang lumipas. "At baka nga, wala ka pang nagagawa o napapatunayan man lang para pagkatiwalaan ka niya. Oo nga, sinabi mong mahal mo siya, pero hindi niya alam kung totoo ba 'yon. Kilala ka ni Shivon, alam niya ang hilam ng bituka mo. Ang alam niya babaero ka lang, oh, edi ipakita mong kaya mong magbago, na mahal mo siya talaga." Dagdag ni Dylan.









Sa mga sinasabi nang kaibigan niya, walang pakealam na sunod-sunod lang na iminom si Declan. Hindi niya maintindihan eh. Hindi niya alam na ganito pala ang pag-ibig, para siyang kindergarten na ngayon lang ito nalaman. Hindi pala iyon isang biro.







Kung dati, biro lang sa kanya. Ngayon kinakarma na siya. Kung kailan naramdaman niya, kailan naman siya nahihirapan dahil sa sitwasyon nila ni Shivon. She keeps on pushing him away! And there he is, keeps on running at her back. Simple. Because he loves her. But he can't be just always running after her. Nakakapagod.







Masakit pala sa dibdib 'yon, ano? Na hindi niya kayang magbukas para sayo. Ngayon niya lang naisip na, sa ilang buwan nilang magkakilala ni Shivon, kaunti pa lang ang alam niya tungkol sa dalaga. Kung iisipin, halos hindi niya nga ito kilala. Pero kahit na pangalan lang ang marinig niya, tumitibok na ang puso niya. Dumadagungdong. Nababaliw na siya sa kakaisip dito.







Bigla ay napatingin siya sa kaibigang si Iohan. Kanina pa ito tahimik at hindi niya ito napansin na umimik man lang. Bigla ay gusto niyang malaman kung ano ba ang hinaing ng kaibigan niya, sigurado siya, marami rin itong alam sa pagibig. Minsan na itong umibig, pero nasaktan. Kagaya niya. Alam niya dahil nandoon siya ng magbago ito dahil doon.







Nang siguro mapansin ni Iohan nakatuon ang titig niya rito, bumaling ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Napailing si Declan. "Ikaw? Anong advice mo?" Tanong niya.








Natahimik ang mga kasamahan niya, nakatingin lang din ito kay Iohan na hinihintay nilang sumagot.








"Para sa akin," Uminom ito sa basong hawak hawak na mayroong alak. "Hindi mo dapat siya habulin."







Nangunot ang noo ni Declan. While some of his friends groaned and complained. "Why?"







Muli ay tumahimik sila. "Matagal na pala kayong magkakilala eh, sa kwento mo pa, sa tingin ko parang may benefits sa hindi malaman niyong label. Yet, she can't trust you and can't open for you. She keeps on pushing you away, as you tell." Iohan crouched and placed his elbows on his knees. "Maghahabol ka na lang? Sebastian's right." Nagtaas naman ng kilay si Sebastian. "There's so many fish in the sea."








Umungot ni Dylan. "Hans, hindi nakakatulong ang sinabi mo pare." Sinabayan pa ng iling.








Ngumisi si Iohan. "Wag kang susuong sa pagibig Jordan, kung hindi ka sigurado. Parang kanin 'yan na mainit, kapag isinubo mo at napaso ka, hindi basta-bastang nailuluwa."







Bigla ay nakaramdam si Declan ng pagdadalawang-isip.





Should he take the advice of Dylan? Or with Iohan?






***

AN: Dylan o Iohan?

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon