Chapter 45

25.7K 426 32
                                    





CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 45
Answered.







"Babain mo ako ritong babaero ka! Ayaw akong papasukin ng mga bakulaw mong guard dito!"





Napangiwi si Declan. Nawala siya sa pagkatulala nang biglang pumasok sa opisina niya si Thomas, mayroon daw babaeng tawag ng tawag at ayaw siyang tantanan. Kaagad siyang nataranta. It can be Shivon!





Pero nawala ang akala niya ng marinig niya ang galit na boses ni Sandy sa kabilang linya. Sino ba ang niloko niya? Pagkatapos niyang gawin iyon kay Shivon? Hindi na siya nito babalikan. That precious girl would never come back to him. He felt his heart constrict in ache.






Huminga siya ng malalim. Ibinalik niya kay Thomas ang telepono. "Papasukin niyo siya, dalhin niyo siya dito sa-" Hindi na naituloy ni Declan ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok doon si Sandy na akala mo ay handa sa gyera. Nanlilisik ang mga mata nito na agad tumutok sa mukha niya. "Don't bother, she's here. Iwan mo na muna kami, Thomas."





Tumango si Thomas. "Yes sir."






Nang makalabas ang secretary niya, saka lamang umupo si Sandy sa upuang nasa harapan ng kanyang mesa. Mukha itong maamo, pero ang mga mata nito ay galit sa kanya. Well, sino ba naman ang hindi magagalit? Lalo pa't bestfriend nito si Shivon?





"What brought you-"






"Wag mo'kong kausapin sa ganyang tono, Declan. Dahil kahit na ikaw pa ang boss ng lahat ng taong nasa building na ito? Hindi kita sasantuhin." Maanghang na muling putol sa kanya ni Sandy. Galit na galit ito.





Hindi siya sumagot. Kahit naman hindi na siya magtanong, alam niya kung ano ang ipinunta nito. Nagtatanga-tangahan lang talaga siya.





"Paano mo nagawa 'yon? Pagkatapos gawin ni Shivon ang lahat ng 'yon para sayo? Pagkatapos ng lahat ng pagpupursigi niya? Pagkatapos ng pinagdaanan niya? Iyon lang ang isusukli mo?"






Nangunot ang noo ni Declan. Pagkatapos ng lahat nang ginawa ni Shivon? "What do you mean?"







Natahimik si Sandy. Umupo ito ng maayos at natulala, para bang mayroon itong inaalala. Pero pagkuwan ay nagsalita rin ito. "Almost two years ago, dapat ay kasal na si Shivon."







"You... She... What?" Anong sabi nito? Nagulantang siya. Shivon could have been married almost two years ago? Fvck. No.







"Yeah. Hindi mo alam hindi ba?" Tumingin sa kanya si Sandy. "Dahil ayaw niyang ipaalam. Mayroon siyang problema sa pagkakaroon ng tiwala, kaya ganoon na lang siya kahigpit sa sarili niya." Pagkukwento ni Sandy. Habang siya. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin. "Nagsimula 'yon ng maiwan siya sa altar. Crisstoff was his boyfriend for six years, lagi namin siyang kasama together with Stacy. Bestfriend rin namin ni Shivon." Bahagya pang natawa si Sandy na parang inaalala ang nagdaan. "Tres marias kami kung tawagin noon dahil hindi kami naglalayo at lagi kaming magkakasama nina Shivon at Stacy.






"Pero hindi namin alam na may nangyayari na palang hindi namin alam. Nagkaroon ng relasyon si Stacy at Cristoff sa likod ni Shivon. Hindi namin iyon napansin. Masyado kasing puno ng pagmamahal ang puso ni Shivon. Kung magtiwala siya noon, sobra-sobra. They betrayed her, us. At sa araw mismo ng kasal nila, doon lang namin nalaman. Iniwan ni Cristoff si Shivon sa altar at sumama kay Stacy. Samantalang si Shivon..."








Hindi makapaniwala si Declan. That information was too much! Parang nakikita niya si Shivon na nakasuot ng isang wedding gown at nangyayari sa likod ng kanyang utak ang kinikwento ni Sandy. Hindi niya maimagine. Bigla ay naalala niya ang luhaan nitong mga mata tatlong araw na ang nakakaraan. Gusto niyang iuntog ang ulo niya! Kaya pala ganito na lang ito kung umayaw sa simbahan. May masama pala itong alaala tungkol sa lugar.








"... Nakita ng dalawang mata ko kung paano siya nasira ng araw na 'yon. Kung paano nawalan ng buhay ang mga mata niya, kung paano 'yon napalitan ng suklam at galit. Simula 'non, hindi na namin siya nakita. Lumayo siya sa lahat. Hinilom niya ng magisa ang sarili niya. Pero hindi niya nagawa. Tinatago niya lang pala iyon at kinikimkim. Nakikita ko, tuwing kasama ka niya, tuwing magkasama kayo, nakikita ko ang pagaalangan sa mga mata niya. Gusto ka niya, pero hindi niya alam kung papayaganniya baang sarili. Kaya tuwang tuwa ako ng dumating ka sa buhay niya, Declan. Pero ngayon hindi na."




Nawala ang maluha-luhang demenor ni Sandy. Nagbago ang emosyon nito. Pero kahit na ano pa man. Naiintindihan niya ito. Naiintindihan niya na ngayon.







"Nakilala ka niya sa bar. Simula pa lang ng ikwento ka niya, alam kong interesado siya sayo. Masyado akong naging masaya, siguro ikaw ang magiging hudyat para bumalik siya sa dati. She's confused. Nalilito siya kung karapat-dapat ka ba niyang bigyan ng pagkakataon. Takot siyang sumugal, takot na siyang masaktan ulit. Pero mahal ka na pala niya."







The last sentence made Declan's heart warm. Mahal din siya ni Shivon. Pero kung mahal siya ni Shivon, why would she be gone for almost a month? Akala niya nga, iniwan na siya nito. Ganito naman ito hindi ba? Bigla na lang siyang tatakbuhan o iiwan. Hindi niya alam kung saan siya lulugar sa buhay nito. He feels hurt and lonely. At saka niya lamang naramdaman iyon. Hindi niya alam na kaya palang baliwin ng pagibig ang isang tao. Kaya ang nasa isip niya, kung iniwan na siya, o hindi kayang mahalin ni Shivon, ibabalik niya ang sarili sa dati. Pero hindi niya naman nagawa. Nambabae siya ulit, pero laging nagsusumiksik sa utak niya ang dalaga. Walang papalit kay Shivon. Kaya laging palpak kung may maiuuwi man siya. Wala siyang ginalaw na babae simula nang magkakilala sila ni Shivon. Wala na.






"Bakit siya nawala ng isang buwan? Wala man lang text? O tawag? I was confused too." Napayuko siya. "Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Gusto kong pumasok sa buhay niya, but she keeps on pushing me away and it hurts me." Natawa siya ng bahagya. "Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, Sandy. Just only on Shivon. Pakiramdam ko, hindi ako makagalaw kapag wala siya. I can't function normaly. She makes my heart beat abnormal. At lagi siyang nasa isip ko. Sabihin mo? Hindi pa ba kakaiba 'yon?






Kaya sinabi kong mahal ko rin siya, pero lagi kong hindi inaasahan ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi niya ba alam na nasasaktan din ako?"








Nakita niya ang pagkatigil ni Sandy. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sinabi niya.





"Pero nawala lang siya para sayo, Declan." Sandy said softly. "Maraming nangyari sa isang buwan. Natuto siyang magpatawad at magtiwala kahit na mahirap iyon sa kanya at para 'yon sayo." Inabot ni Sandy ang kamay niya. "Dahil gusto niya, kapag bumalik na siya sayo, handa na siya. Handa na siyang mahalin ka ng buo at walang pagaalinlangan. Kaya ka na niyang pagkatiwalaan at bigyan ng pagkakataon kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa iyo. Sa gayon din, wala nang pait ng nakaraan pa sa dibdib niya kapag magsisimula na siya ulit... Kasama ka."









***

AN: AABOT PA SIGURO NG HANGGANG CHAPTER 55 TO.

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon