CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 50
Work hard."Ilah! Pagbangon na! Gawas dire!" (Ilah! Bumangon ka na at lumabas ka dito!)
Kumalabog ang pinto ng kanyang kwarto. Kumakatok doon si Nanay Naida pero nagbibibingi bingihan siya. Inaantok pa siya at, hindi man lang ba siya makakakuha pa ng ilang oras na pahinga ngayong nasa sarili niya siyang bahay at kakauwi niya lang? Ngayon na lang ulit siya nakatulog ng ganito. Hindi man mahimbing pero...
"Ilah!"
Padaskol niyang inilihis ang kumot sa kanyang katawan at pagkatapos ay bumaba ng kama niya para buksan ang pinto.
Nang buksan niya iyon, "'Nay pwede bang—"
Nagaalalang mukha ni Nanay Naida ang sumalubong sa kanya kaya't natigilan siya. "Ang imong bisita, Ilah." (Ang bisita mo, Ilah.)
Saglit siyang natigilan. "Bisita?"
Nagmuwestra ang matanda. "Si Dodong kagabii. Katong murag kano! Gihilangtan! Perting taasa sa iyang temperatura! Dyos ko." (Yung lalaki kagabi. Yung mukhang amerikano! Nilalagnat siya! Napakataas ng kanyang temperatura! Dyos ko.)
"Nandito pa siya?" Bulong niya sa sarili. Napabuntong hininga siya ng maalala ang nangyari kagabi, hindi niya pa nakakausap ang ama pero alam niya, kakausapin rin siya nito.
Bigla ay hinila ni Nanay Naida ang kanyang palapulsuhan at dali dali siya nitong kinaladkad palabas ng kwarto. "Kinahanglan nimo siya nga adtuan, Ilah. Ikaw ang iyang gusto nga makita." (Kailangan mo siyang puntahan, Ilah. Ikaw ang gusto niyang makita.)
"Pero ayoko siyang makita, Nanay."
"Kung hindi, basi'g maunsa siya!" (Kung hindi, baka mapaano siya!) Tumigil ang matanda sa mabilis na paglalakad. "Gahi ug ulo. Dili siya magpahilabot kung hindi ikaw ang muhawid sa iyaha." (Matigas ang kanyang ulo. Ayaw niyang magpaasikaso kung hindi ikaw ang hahawak sa kanya.)
"Bakit ako? Dapat dinala niyo na lang siya sa hospital. Para makauwi na—"
"Puntahan mo muna ang lalaking 'yon, Ilah." Bigla ay umentrada ang boses ng kanyang ama. Humarap siya dito, nakatingin ito sa kanya ng may kahulugan. "Saka na tayo magusap."
Napabuntong hininga siya muli at tumango sa ama. Sinundan niya ang lakad ni Nanay Naida. Papunta ito sa isa sa mga guest rooms nila, mga kwartong minsan lang kung gamitin. Papasok na sana siya ng pigilan siya ni Nanay Naida.
"Asikasuhin mo ang batang iyan, Ilah. Kapag hindi pa bumaba ang lagnat niya, kailangan na natin siyang dalhin sa hospital." Paalala ng matanda. "At kung ano man ang problema ninyo ngayon ay kalimutan mo muna."
Tinapik tapik siya ng matanda sa balikat bago ito umalis ulit. Halos abutin na rin siya ng bente minutos na nakatayo doon ngunit hindi niya pa rin mabuksan buksan ang pinto. Kinakabahan siya. Pero wala siyang magagawa. Pinapalala lamang ni Declan ang pagitan nila. Bakit ba kasi ito nagpunta dito? Para makinig siya? Makinig saan? Sa mga kasinungalingang sasabihin nito? Tapos mabibitag na naman siya? Tapos masasaktan?
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
JugendliteraturClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...