CAPTURING DECLAN
CHAPTER - 53
Mine is mine."So, you have time to laugh with that—that—" Bumukas at kumuyom ang kamay ni Declan. "with that god knows who is that fucking bastard you were laughing with, and you don't have even a spare for me?"
Napanganga ako dahil sa inaakto niya. Para bang sasabog siyang bomba sa harapan ko. His eyes were blazing, the skin in his jaw was taut.
"Declan—"
"You know what? This whole thing is unfair."
That made me stop. My one brow raised. "Unfair?"
He turned his back on me, run his fingers through his brown hair. "Yes. Unfair."
"How is it—"
"You know it is. Don't you, Von? You like seeing me running and going after you. But could you please take it easy on me?" He faced me again.
But this time, pain in his chocolate brown eyes were visible.
Hindi ko alam ang mararamdaman. Natutuwa akong nagseselos siya, sa gayon ay nasasaktan din. "Declan..."
His brows furrowed. "I'm hurting too." Inilagay niya ang palad sa kanyang dibdib kung nasaan naroon ang puso niya. "Oo, sinabi kong kakayanin ko lahat. But please have mercy on me. It's a torture to have you so close but I can't even touch you. You're making my nights sleepless cause I was always thinking about you. If you're making me jealous and planning to break me, well congrats cause you're succeeding and It hurts me damn fucking well." He turned around walked away, leaving me speechless.
Pagkatapos 'non, hindi ko na nakita pa si Declan ng buong araw. Sinubukan ko siyang hanapin, pero sadya sigurong iniiwasan niya ako. Nalaman kong nakauwi na rin si Quiro at hindi ko na naabutan pa nang umuwi ako sa hacienda. Siguro kakausapin ko na lamang siya kapag nalaman ko ang numero niya o di kaya ay magkita kami.
At siguro nga, tama na ang kalokohang 'to.
Mahal niya ako. Mahal ko siya. At base sa lahat ng ginagawa niya para sa akin, hindi na niya dapat pang patunayang totoo nga ang nararamdman niya para sa akin. Alam ko, mahal niya rin ako. Marami akong natutunan simula ng dumating siya sa buhay ko, marami akong nabago sa sarili ko sa magandang paraan. Natuto akong magtiwala ulit. Bigyan ulit ng pagkakataon ang sarili kong sumaya. Sumaya sa pamamagitan niya.
Nang sumuko ako sa kakahanap kay Declan, napagpasyahan kong makisali sa mga gawain sa kusina para sa mga lulutuing pagkain para sa hapunan. Balak ni Papang magkaroon ng maliit na salo-salo sa bulwagan, kaya halos marami-rami ring putahe ng pagkain ang planong ihanda lalo pa't nandoon ang lahat ng mga trabahador at magsasaka.
"Ma'am, kami na dira. Dali na man lang na, maluto na." (Ma'am, kami na po diyan. Sandali na lang naman na iyan at maluluto na din.) Ani ni Wena, anak ng isa mga pinagkakatiwalaang magsasaka ni Papa at isa rin sa mga katulong sa hacienda.
Natigil ako sa paghahalo sa malaking kalawa, ipinahid ko ang nangangalay kong braso sa aking noo na pawis. "Sigurado ka ba, Wena?"
"Opo, Ma'am." Nakangiti nitong sagot sa akin.
Umalis ako sa kusina at umakyat sa aking kwarto, agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama dahil sa pagod. Nakatitig ako sa kisame nang lumipad na naman ang isip ko sa nangyari kanina, napailing-iling ako sa inakto ni Declan pero kasabay ay napangiti rin ako. Seloso talaga ang lalaking 'yon, naaalala ko pa noong mga buwan pa lamang nang magkakilala kami nang mapansin ko ang pagiging masumpungin niya kapag may lalaki akong kasama o kinakausap maliban sa kanya. Napapikit ako at inalala lahat ng 'yon, hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako nang mayroong kumatok sa pinto, madilim na sa labas at maririnig ang masayang ingay di kalayuan sa hacienda. Papungas-pungas akong umupo.
"Ilah? Dili ba ka mugawas? Ganina pa mi nagsugod." (Ilah? Hindi ka ba lalabad diyan? Kanina pa kami nagsimula.) Narinig kong sabi ni Nanay Naida sa likod ng pinto.
"Susunod ako, 'Nay." Tanging naging sagot ko, pagkatapos ay narinig ko ang mga yapak na papalayo.
Tumayo ako at pumasok ng banyo, naligo ako dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako dahil sa nakatulog akong pawisan. Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt at pantalon at nagayos ng kaunti at saka lumabas para makisalo sa bulwagan. Nang makarating ako doon, napupuno ng ingay ang malaking lugar. May mga batang nagsisitakbuhan, mga anak at asawa ng mga trabahador at magsasaka at mga ilang tauhan ni Papa ang mga nandoon na nakisalo rin. Sinalubong ako ni Nanay Naida at sabay kaming pumasok.
Nakipagusap ako ng sandali sa mga taong nandoon, pero hindi ako mapakali. May hinahanap-hanap ang mga mata ko. Nang mapansin ko ang pwesto nila Papa dahil sa nagiging maingay na sila, napadapo ang mata ko sa kanilang banda. Nangunot ang noo ko nang makita si Declan na nakaupo roon at nakikipaginuman din.
Saan siya nanggaling?
Tinititigan ko lamang siya at hindi ko napansing hindi na pala ako nakikinig sa sinasabi ng aking kausap. "Uhm, sandali lang ha. May lalapitan lang ako." Paalam ko kay Klarita, anak ni Mang Pedro na namamahala sa mga aning prutas ng rancho.
Papalapit na ako kay Declan ng mapansin ko ang dalawang babaeng malapit lamang sa kanya. Ang isa ay katabi niya, ang isa naman ay nasa likuran niya at nakatayo. Bigla ay uminit ang dugo ko nang makita ko kung paano haplos-haplusin ng babaeng nasa likuran niya ang kanyang balikat.
Si Fatima, isa rin siya sa mga anak ng magsasaka rito at nagaaral sa Maynila. Hindi ko maitatangging maganda siya, pero ang akin ay akin.
Akin ang akin!
Tapatiim bagang ako at nagkasyang pagmasdan lamang si Declan sa sulok. Nakikipagtawanan siya sa mga taong nakapalibot sa kanya lalong-lalo na sa mga babae don. Ngayon ko lang napansin na lahat halos ng mga dalagitang nandito ay nakatingin sa kanya. Lalong nasurok ang dugo ko at umahon ang selos sa akin.
Lagot ka sa akin mamaya!
***
AN: Happy Valentines!
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...