Chapter 20

31K 513 22
                                    



CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 20
Confused.







Hindi alam ni Shivon kung bakit hindi niya matitigan si Declan. Lahat na tinignan niya sa loob ng kotse, wag lang kay Declan. Ewan niya ba, parang tanga siyang kinilig nang tawagin siyang baby ni Declan kanina.








"P—Paano yung nagpicture satin kanina? Ayokong iparade ang mukha ko sa tv o sa social media, Declan." Biglang satinig ni Shivon nang mahinto sila dahil sa stop light.







"Ako na ang bahala 'don." Sagot ni Declan saka ngumisi. "Bakit? Ayaw mo bang mabalita kasama ako? Ang gwapo ko kaya." Mayabang na sabi ni Decan.








Ngumiwi naman si Shivon, nawala na ang hiya niya. Hinarap niya si Declan na nagdadrive. "Aba, napakakupal mo nga naman. Kahit na gaano ka pa kagwapo, ayoko pa rin." Nandidilat na sabi ni Shivon.







"Kanino mo gusto?" Nakakunoy ng noo ni Declan.





Bigla ay naisip niya ang mga nasa hollywood stars. "Si Jared Leto." Agad na sagot ni Shivon.



Sumimangot naman si Declan. "Mas pogi ako doon. Kaya nga—"




"Kaya nga maraming babaeng nagkakandarapa sayo?" Dugtong ni Shivon.






Napalingon naman si Declan sa kanya at napakibit balikat. "Ikaw ang may sabi niyan ah." Asar ni Declan na lumiko ng daan.






Napaingos si Shivon sa kahanginan ni Declan. Kunyari pa ito. "Yung mga babaeng 'yon, kawawa naman sila..."





"Bakit naman?"






"Kasi, ibinigay nila ang sarili nila sayo. Pero, wala lang naman sa iyo 'yon dahil naglalaro ka lang." Tumingin si Shivon sa labas ng bintana, malapit na sila.






"Nakikipaglaro lang ako. Besides, tinatanong ko muna kung game kayo. Hindi ko kayo pinilit." Pagtatanggol nang babaerong nagdadrive sa sarili niya.







Kayo. Syempre, hindi nakakalimutan ni Shivon iyon. Totoo naman ang siabi nito, na hindi siya pinilit ni Declan. Pinatulan niya lang ang kamandag nito, gusto niya ang magsaya, at gusto niyang maranasan ang ganoong bagay. Wala naman na siyang pagsisisi sa nangyari, siguro 'nung una, oo, pero ngayon, hindi na, mabuti na iyong marami siyang karanasan, dapat hindi niya pinagbabawalan ang sarili niya. At tama rin naman doon si Declan sa sinabi nitong gwapo siya. Aba, akala mo nga isa itong banyaga sa tangkad at uri nang itsura nito. Sino ang hindi mahuhumaling? Maging siya nga ay natuklaw nito. Ayaw niya lang na aminin, baka lalong lumaki ang ulo nito.








Bakit kaya nagkikita pa sila ni Declan? Diba dapat ay wala na silang anumang koneksyon? Akala niya ba no strings attach? Hindi naman sa sinasabi niyang nagkaroon siya ng feelings pagkatapos nang may nangyari sa kanila, dahil wala naman. Ang pinupunto niya lang, diba dapat pagkatapos nang gabing iyon hindi na nila kilala ang isa't-isa? Eh ano pa ang pinapabalik-balik ni Declan sa unit niya? O baka naman assuming lang siya?








Wala siyang interes sa lalaki, hindi sa nagloloko pero wala talaga siyang pagkagusto rito. Kahit pa na mayaman ito at nuknukan ng kakisigan. Iyon ang huli niyang gustong mangyari. Isa pa, mabuti nga iyon. Pagkatapos nang nangyari sa kanya, iniiwasan niya na ang maging attach sa isang lalaki. Hindi na siya magpapakatanga pa. Masakit iyon.








Nang makarating sila sa building nang unit niya ay humirit pa ang nasa front desk na magpapicture kay Declan, pero mukhang atat na nitong sabihin sakanya ang gusto nitong sabihin kaya't nagpaumanhin ito at inakbayan siya saka sila sumakay ng elevator.






Pagkapasok na pagkapasok nila sa unit niya, agad na umupo si Declan. Tumabi naman siya at walang pakealam na ipinatong ang dalawang paa sa mesa. Nagulat naman siya nang mahiga si Declan at umunan sa kandungan niya.







"Ano bang ginagawa mo? Saka ano ba 'yang sasabihin mo? Importante ba 'yan?" Binalewala niya na lang si Declan. Pagod na kasi siya, masakit pa ang paa at likod niya.







Ilang minuto pa bago sumagot si Declan, malapit na nga siyang mapikit sa pagkakasandig sa sofa pero napadilat siya nang maamoy niya si Declan. Tumapang ang amoy nitong nakakalilo at nanuot sa kanyang ilong, napadilat siya at nakitang malapit na ang mukha ni Declan sa kanya. Hindi siya kumilos o kumisat man nang mata.







"...Can we be friends?" Tanong bigla ni Declan na ikinagulat niya.




Ikinagulat niya dahil sa bigla na lang nitong nilapat ang manipis nitong labi sa kanya at kagat-kagatin ang labi niya na parang nanggigil.








Nang pakawalan ni Declan ang labi niya, "Pero hindi naghahalikan ang magkaibigan. Gunggong."






***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon