CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 51
For you.Nangunot ang kanyang noo. "Ano pang—"
"Ilah." Saway sa kanya ng ama, pagkuwan ay humarap ito sa mga tauhan. "Mga kauban, akong ipakilala sa inyo si Declan." (Mga kasama, pinakikilala ko si Declan sa inyo.) Tinapik-tapik nito ang likod ng binata na katabi lamang nito kanang banda. "Ato na siyang makauban sugod karong adlawa di're sa rancho. Ginapalihog nako nga tudluan siya sa mga buhutanon." (Makakasama na natin siya simula ngayong araw. Sana ay turuan natin siya sa mga gawain rito sa rancho.)
Ngumiti ang mga trabahador at ilang mga nagtatrabaho pa sa rancho. Tila naman hindi alam ni Shivon kung ano bang nangyayari. Nagulat na lang siya ng magpatawag ng pagtitipon ang Papa niya dahil sa may sasahihin raw ito. Nagtataka siyang dumating, at mas lalo siyang nagtaka ng makita niya pa si Declan doon na para bang magkaibigan na magkaibigan ang dalawa bago magsalita ang Papa niya. Ipinakilala pa nito si Declan sa mga tauhan.
Pagkatapos ng nangyaring paguusap nila ni Declan kagapon, hindi na siya naglalalabas pa sa kanyang kwarto. Alam niyang uuwi na rin ito, at isa pa, hindi niya alam ang sasabihin sa kanyang ama kung ano nga ba ang nangyari noong nakaraang gabi at kung sino ba si Declan.
Alam niyang alam ng ama niya. Nahihinuha niya na iyon ng magsalita ang ama ng gabing iyon, siguro ay nakausap na nito si Declan ng dumating, at syempre, nagalit ang Papa niya. Kilala niya ang Papa niya, protektado siya nito. Mahal siya ng ama kaya ito nagalit ng husto. Sa kwento ni Nanay Naida, ganoon nga ang nangyari. Dumating si Declan ng gabing iyon at hinahanap raw ang Papa niya kaya't dinala ng mga tauhan si Declan sa kanyang ama at saka nagusap ng dalawa. Pagkatapos 'non, bigla na lamang raw sinuntok ng kanyang ama si Declan at nagwala na ito.
Napatiim bagang siya. Ano bang nangyayari? Bakit nahuhuli siya? Ang akala niya'y galit ang ama kay Declan, pero bakit mukhang naglaho na iyon at parang nakahanap ng kaibigan ito? Dahil doon, lumapit siya kay Declan na napapalibutan ng mga trabahador. Nakikiagtawanan ito at nakikipagkamay ng biglang lumapit siya.
"Pwede ba na'kog hulmon siya kad'yut lang?" (Pwede bang hiramin ko siya ng sandali lang?" Tanong niya sa mga mukhang nakaclose na nitong mga trabahador.
"Sige po, ma'am." Tumango ng mga trabahador. Ang ilan ay umuwi na, ang ilan naman ay naguusap pa.
Kaagad niyang hinila sa siko si Declan at lumabas sila ng kubo. Kinaladkad niya ito sa lugar na walang makakakita sa kanilang dalawa. At nang dalhin siya ng mga paa sa likod ng malaking puno ng akasya, tumigil siya. Marahas niyang binitawan si Declan at hinarap ito.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" Puna niya ng makita niyang nakangiti ito. Naiinis siya. "Ano pa bang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay umuwi kana? Anong nangyari doon kanina? Bakit..." Tinignan niya ang suot ni Declan na manipis na kamisitang longsleeves at saka pantalon. Isang magsasaka ang postura nito, pero hindi pangkaraniwan dahil sa itsura nito't balat na makinis. Mukhang hindi rin ito galing sa mataas na lagnat, mukhang malakas na ito. "Bakit ganyan ang suot mo?"'
"I miss you too, baby." Ngumiti ng matamis si Declan. "Well—" Iminuwestra nito ang sarili. "I'm going to work here."
Work here? Naninghawak siya. Pinaglololoko ba siya nito? "Anong work here, Declan? Isa kang CEO ng kumapanya. May kumpanyang naghihintay sayo sa Maynila kaya ano pa bang ginagawa mo—"
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...