CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 30
Hidden tears."Bakit ba ayaw mo akong pansinin? Wala naman akong ginawa ah."
Hind ko pinansin si Declan at nagpatuloy lang sa paghihiwa nang sibuyas sa itaas nang counter. Nakatalikod ako sa gawi niya kaya hindi ko alam kung ano ang hitsura niya ngayong araw pagkatapos niyang magising at batiin ako. Hindi ko siya sinagot. Marami akong iniisip. Gusto ko nang tahimik na lugar. Walang ingay, walang ibang tao. Ako lang.
Ilang segundo lang nang maramdaman ko ang presensiya niya sa aking likod. Biglang lumalim ang aking paghinga. Bakit pa ba ako nandito sa bahay niya? Bakit hindi na lang ako kaagad na umalis habang tulog pa siya? Bakit hindi pa ako umalis at nagtagal pa nang ilang araw? Hindi ko alam.
"M—May problema ba?" Yumakap siya sa bewang ko, inilagay niya ang kanyang noo sa aking balikat at itinukod ang dalawa niyang kamay sa dulo nang counter sa magkabila kong gilid. Natigil ako sa paghihiwa.
"Walang problema, Declan." Malamig kong tugon. Binitawan ko ang kutsilyo at humarap sa kanya. Nakataas na ang kanyang ulo at direkta siyang nakatutok ang mga mata niya sa akin, isang dangkal lang ang layo nang aming mukha at ganoon pa din ang pwesto niya.
Hindi ako kumisap nang mata. Nilabanan ko rin ang kanyang titig, pero sa huli ako rin ang natalo. Hindi ko pala kaya. Ayokong makita niya ang samo-samong emosyong itinatago ko. At ayokong marinig niya ang bawat tibok nang puso kong kay sakit kapag pumipitik.
Inilagay ko ang kamay sa matigas at malapad niyang dibdib saka siya marahang itinulak. "Uuwi na ako—"
Inilagay niya ang isang kamay sa bewang ko at hinawakan niya ang baba ko at itinaas para magdugtong muli ang aming mata. Kumunot ang kanyang noo na para bang alalang-alala siya na ganito ako sa mga nakalipas nang araw. "What is wrong, Von?" Tumiim ang kanyang bagang.
"Sinabi ko na sayo. Walang problema." Ipinakita kong wala naman talaga. Diterminado ang aking mga mata. Sinungaling.
Marahas siyang lumayo sa akin. Isinuklay niya ang kamay sa kanyang buhok. Tumalikod siya, pagkuwam ay naglakad nang pabalik balik. Pakanan, pakaliwa. Paulit-ulit. Pagkatapos ay huminto siya at tumingin muli sa akin.
"Tell me, Von..." Nagmamakaawa ang kanyang boses. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha pero malakas ang pintig ng pulso ko. "Who are those people? Those who you saw at the parking lot before you cried?"
Huminto ang aking paghinga nang ilang pintig. Napayuko ako at kumuyom ang aking kamao. Muli ko na naman silang naisip. Ang mga mukha nang taong minahal ko, mukha nang dalawang taong niloko ako. Hinampas ko nang mahina ang aking dibdib na para bang mababawasan ang sakit na nadarama ko. Masakit ang bandang iyon. Hindi pa pala sapat ang panahong ginugol ko para kalimutan sila. Akala ko.... Akala ko handa na ako... Pero hindi. Dahil nang makita ko sila, nagmukha akong isang kawawang kuting.
Malakas ako. Akala ko. Pero nasa isip ko lang ang lahat. Ang totoo, hindi ko mabuo-buo ang nabasag na piraso nang puso ko. Niloloko ko lang ang sarili ko. Hindi ko kayang makalimot. Hindi ko kayang bumitaw. Dahil parang isang dumi ang alaalang iyon sa memorya ko. Isang mantsang hindi matanggal tanggal. Hindi mawala-wala.
Umiling ako. "Hindi ko sila kilala..." Hindi ko na sila kinikilala.
"Then why did you cried?!" Sigaw ni Declan. Naiinis siya. Naiinis siyang hindi niya alam kung ano ang nagyayari.
There's a beeping inside of my head. My skull is aching. My heart is drumming wildly. My mind is a blur. I want to block everything out. I want to be numb. I don't want to feel anything.
"Why did you—" Naputol ang pagsigaw niy.
A tear roll out of my eye socket. "You want to know the reason why did I cried?" Matigas kong tanong. "Dahil masakit ito oh!" Hinampas ko ang puso kong tumitibok. "Masakit!"
Nagtuloy-tuloy ang pagagos nang luha kong ilang araw ko nang pinipigilang kumawala. Humikbi ako nang humikbi at hindi inisip kung maririnig man ako ni Declan. Lumapit siya sa akin. Inabot niya ang aking ulo at inilapit niya ako padikit sa kanya. Niyakap niya ang nang mahigpit ang isang braso sa aking katawan.
"Shhh baby... Tahan na."
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...