Chapter 27

27.5K 458 1
                                    


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 27
In which she cried.





"Declan! Teka—teka nga! Bitawan mo muna ako!"





Nagpupumiglas si Shivon pero hindi naman siya makawala sa malabakal na kamay na nakasakal sa kanyang palapulsuhan.





"Uuwi na tayo, Shivon." Matigas na sabi ni Declan.






Nagsalubong naman ang kilay niya. Bakit ba mainit na naman ang tuktok nito? Kanikanina lang, ayos pa ito habang magkatabi sila at naghahanap ng babae ah. Saka, hindi man lang siya nakapagpaalam kay David! Sinabi niya ditong magisa lang siya, pero bigla na lang dumating ang kumag na 'to at inaaya na siyang umuwi. Baka isipin 'non na isa siyang sinungaling.





"Oo na. Teka nga! Hinay-hinay naman!" Daing ulit ni Shivon.





Pero tumigil si Declan sa paghila sa kanya kaya nasubsob siya sa malapad nitong likod. Pakiramdam niya, sa pader nauntog ang ulo niya. Munting na siyang maout balance pero mabuti na lang at agad siyang nahila ni Declan payakap. Nang makaahon siya sa hilo, tinulak niya si Declan.




"Ano bang problema mo?"




Declan sighed. "Hey, calm down okay?"





Dinuro ni Shivon ang sarili. "Calm down? Ako, calm down? Ha?" Di makapaniwala niyang tanong. "Eh ikaw nga itong kung kaladkarin ako para lang akong sako nang bigas eh."





Napayuko si Declan. "Sorry." He whispered. Pero nang magangat ulit nang mukha ay matalim na titig na ang ibinigay niya kay Shivon. "Why did you talked with David?" He snapped.




Napataas nang kilay si Shivon at napailing. Iba talaga ang lalaking 'to, ang bilis magbago nang mood. "Syempre, nilapitan niya ako."



"Dapat hindi ka nakikipagusap sa mga ganoong lalaki!" Giit ni Declan.


Ganoong lalaki? "So, kilala mo si David?"


Pumaninghawak si Declan at nagtiim bagang. "Yeah, since highschool."



Tatango-tango naman si Shivon. "Ah, kaya pala." Hinawakan niya sa palapulsuhan si Declan. "Tara, balikan natin siya—"





Nanatiling nakadikit ang mga paa ni Declan sa pavement ng parking lot, gusto niyang ibulsa si Shivon. Hindi ba nito alam na halos lahat nang lalaki doon nakatitig sa bawat galaw niya? Nang marinig niya ang usapan ng isang grupo malapit sa kinatatayuan niya kasama ang babaeng itinuro lang ni Shivon, gusto niyang sakalin ang mga 'yon pero hinayaan niya lang. Hindi niya na nga naiintindihan ang sinasabi nnag babaeng nasa harap niya dahil sa likod niya, narinig niya na naman na pinaguusapan si Shivon pero ibang lalaki na naman. Nang makita niya naman si Shivon, may kausap na ito. At si David pa— Ang lalaking idolo yata siya dahil sinasalo nito ang mga babaeng napagsawaan niya na. Pero wag si Shivon. Wag si Shivon.







"Why the hell are we—"




Naputol ang itatanong ni Declan nang maramdaman niyang matuod si Shivon at nanginginig ang kamay nito na nakahawak sa kanya. Nakatingin ito sa malayo. Partikular sa isang kotseng pula, nakatayo sa labas doon ang isang lalaki at babae. Mukhang nasa mainit na tagpo ang dalawa dahil nagsisigawan ito, nagaaway.






Nang tignan niya si Shivon, namumutla ito. Humigpit ang kamay nito sa kamay niya na parang doon ito kumukuha nang lakas. Hindi niya maintindihan, ano bang nangyayari sa kanya? Kilala niya ba ang dalawang iyon? Bakt siya nakatingin 'don? Nagsisimula na siyang magalala.




"Von? Von, are you okay?"




Nang humarap sa kanya si Shivon, nakaguhit sa mga mata nito ang sakit. Nang humikbi ito, doon na nataranta si Declan.



"Von? Hey baby, what is wrong? Nagaalalang tanong ni Declan.





Humagulgol si Shivon nang yapusin siya ni Declan. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito.






***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon