Chapter 10

32.2K 512 43
                                    

CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 10
The visit.





Kanina pa si Declan nagwowork-out sa loob ng kanyang opisina. Simula siguro nang pumasok siya hanggang ngayong alas tres na ng hapon ay 'yun lang ang ginawa niya. Ayaw niyang magpaestorbo, mainit ang ulo niya. Oo, isang linggo na siyang ganito.





Nahinto si Benneth sa pagtakbo sa kanyang treadmill ng may kumatok. "Sir?"



Nangunot ang noo ni Declan. Diba sinabi niya ng wag siyang eestorbohin? "Come in!"



Dahan dahang bumukas ang pinto ng kwarto ng kanyang gym at umibis doon ang kinakabahan niyang secretary. "Sir, pasensiya na po—"




"I have no patience for today, Thomas." Tumigas ang kanyang panga sa inis. "Hindi ba sinabi kong 'wag mo akong eestor—"




"Pero Sir, may meeting po kayo ngayon kasama si Mr. Inchaus—"


Namumula na si Declan. "Bullshit, Thomas. I don't care! Get the hell out! Now!" Tinuro niya ang pinto.


"Pero Sir—"



"You're fired."



Napabuntong-hininga naman ang secretary niyang si Thomas. "Okay, Sir." At pagkatapos ay umalis na ito.





Hindi naman talaga tanggal sa trabaho si Thomas. Ganito lang talaga siya kapag mainit ang kanyang ulo, nasisigawan niya iyon. Pero magaling magtrabaho si Thomas, parang kapatid na din ang turing niya dito. Kapag narinig lang nito ang linya niyang 'You're fired.' ay saka lang ito titigil sa pangungulit. Sanay na ito sa kanya.







Ipinagpatuloy niya muli ang pagtakbo sa treadmill, limang minuto pa lamang siguro ang nakakalipas nang may kumatok na naman sa kanyang pinto. Padaskol niyang pinatay ang machine at mabibigat ang hakbang na pinuntahan ang pinto para buksan.






"I swear to God, Thomas. Sisante ka na—"







"Hey, calm down 'bro." Sinalubong siya ng kapatid na si Benneth na karga karga ang anak nitong si Damaris na tatlong taong gulang na.








Kaagad namang napatigil si Declan. "Hey, what are you doing here?" Bumalik siya sa loob at nagpunas ng pawis pagkatapos ay isinuot niyang muli ang kanyang t-shirt.










"Binibisita ka lang." Ani ni Benneth na  nginingitian ang anak na pinaglalaruan ang ilong nito.









Napatingin siya sa kapatid. Hindi niya inakalang magbabago pa si Ben, isa itong sakit sa ulo dati ng kanyang mga magulang. Hindi sila magkaintindihan at may galit si Ben sa mga magulang nila. Ben thought that their parents don't have a care about him. Siguro nga ay 'yon ang nakikita ni Ben pero bilang panganay, nakita niya ang pagpupursigi ng mga magulang niyang palakihin ang kumpanyang pinamamahalaan niya ngayon. Pero ngayon, look at him. Dahil sa kabaliwan nilang ipagkasundo si Benneth kay Alecz, nagbago ito. He's happy and inlove.









"Kamusta?" Tanong niya pagkatapos ng mahabang pagtitig dito.








"Ayos lang naman, eto, ako ang nagaalaga ngayon sa chikiting na ito. May pinuntahan kasi si Alecz." Tinignan siya ni Benneth. "Ikaw kamusta? Ayos ka lang ba rito? Hindi ka nahihirapan? Saka na ako babalik ha, alam mo na, kailangan kong unahin ang pam—"









Tumawa siya. "Hindi ako makapaniwalang sinasbai mo 'yan ngayon sa akin, Benneth."







Ngumisi si Benneth. "Well, this is me now. I'm now a responsible man, father and a husband."






Ngumisi rin siya. "Pakiramdam ko tuloy, ikaw ang mas matanda sa ating dalawa "






"Magasawa ka na kasi Kuya. Twenty-eight kana, 'wag ka ng maglaro. Look at me!" Iminuwestra nito ang anak sa bisig.







Tumawa siya ng bahagya. "I'm fine, Benneth."





Kumibit balikat ang kapatid niya. "By the way, nakita ko iyong picture mo sa dyaryo." Humalakhak ang kapatid niya. "Why are you spotted almost naked in a parking lot of a condominium building?"








Bigla ay sumama ang tingin niya. Nandito ba ito para inisin siya? "Lumayas ka na nga."







Kumibit balikat si Benneth na natatawa pa rin na lalo niya namang ikinainis. "Aalis na rin naman na kami, namimiss ko na ang asawa ko."








Napailing si Declan. "Whipped." Lumapit siya sa kapatid at hinalikan sa noo ng pamangkin niya. "Bibisitahin ka na lang ni Tito, bibilhan kita ng maraming pasalubong." Kausap niya kay Damaris na para bang naiintindihan siya ng bata.






"We'll go now, bye 'bro. Visit mom and dad." At tuluyan na nga itong lumabas.







Nang siya na lamang ang magisa ay muli na namang pumasok sa isip niya ang babaeng isang linggo nang hindi niya makalimutan. Oo, ang babaeng 'yon ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito! Siguro ay kailangan niya na namang magwork out pa ulit para maukupa na naman ang utak niya.







This is bullshit!






***

ImperfectPiece

CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon