CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 31
Always dream'n.Hindi ako makatulog.
Binabagabag ako nang mga bagay na umiikot sa utak ko. Kahit na gabi na, hindi tumigil ang isip ko sa pagiisip nang kung ano-ano. Naramdaman kong gumalaw si Declan mula sa likod ko. Magkatabi kami pero malayo ang distansiya ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa kwarto niya dahil gusto niyang magtabi raw kami. Pagkatapos kong iyakan siya kaninang umaga, hindi na siya nagtanong pa. Tumakbo ang araw namin nang normal. Siguro, nahahalata niyang sensitibo ang bagay na iyon sa akin. Alam kong gusto niyang malaman kung bakit ganito na lang ako nitong mga nakaraang araw, at alam kong iniisip niya ang magiging reaksyon ko kung kaya't ganoon na lang ang pagpipigil niyang magtanong sa akin.
Mayamaya ay naramdaman ko ang palad niya sa legs ko. Kinapakapa niya ako doon, pagkatapos ay gumapang ang kanyang kamay pataas dahilan para pumasok ang kamay niya sa loob nang t-shirt na pinahiram niya sa akin. Nandito na naman ang paglalim nang paghinga ko, tumigil ang kamay niya sa aking bewang saka humaplos papunta sa aking tyan. Hinapit niya ako nang dahan-dahan papalapit sa kanya, nagdikit ang hubad baro niyang torso at ang likod kong nasa ilalim nang manipis na cotton shirt. Ramdam ko ang init na sumisingaw sa kanya, naaamoy ko ang mabango at maskulado niyang amoy. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa ilalim nang tenga ko at ang pagtibok nang kanyang puso.
"Bakit ang layo mo sa akin?" Namamaos niyang bulong.
Napasinghap ako nang ibaon niya ang matangos niyang ilong sa leegan ko. Nakiliti ako sa kanyang ginawa, bumaluktot ang daliri ko sa paa. "Hmmm..."
Nagulat ako nang itulak niya ang isa kong balikat dahilan para mahiga ako nang maayos. Dumagan siya sa akin at itinaas ang damit niyang maluwang sa akin na suot suot ko, isinuot niya paloob ang ulo niya doon hanggang sa ang ulo niya ay nahinto sa dibdib ko.
Sa isang iglap ay nawala ang iniisip ko. Naginit ang pisngi ko at hindi ko alam kung bakit nakikiliti ang tyan ko. "Declan? Anong... A—Anong ginagawa mo?" Bulong ko.
Nasa loob siya nang damit ko. Wala akong suot na bra kaya alam kong nakikita niya ang hubad kong dibdib, napakagat ako nang labi nang maramdaman ko ang buhok niyang tumutusok sa aking balat, at ang pisngi niyang lumapat sa gitna nang aking dibdib. Dumagan siya sa akin, nalipat ang lahat nang kanyang bigat ngunit hindi ko maramdaman iyon. Kumakabog ang dibdib niya na nakalapat sa tiyan ko.
"I always dream doing this to you." My nipples harden inside the shirt when he touches the skin beneath my breast.
"Declan...."
"Please, don't push me." Nakikiusap ang kanyang tono.
Hindi ako nagsalita. Hiyaan ko lang siya doon, nakita niya na ang lahat sa akin kaya't wala akong dapat na ipangamba. Wala akong ilang na maramdaman. Para bang kilalang-kilala na siya nang katawan ko, kahit na matagal na ang panahon nang may mangyari sa amin.
Inilagay ko ang kamay ko sa ulo niyang nasa ilalim nang tela nang suot kong damit. Hinaplos-haplos ko ang iyon pababa sa likod niya. "Matulog ka na..."
Humigpit ang yapos niya sa akin na para bang makakawala ako sa mga kamay niya. Bumuntong-hininga ako. Matagal ko na palang kilala si Declan, at sa panahong nakilala ko siya, takot ang lagi kong nararamdaman.
Takot ako.
Hindi rin nagtagal, hindi ko namalayang nakatulog na rin ako.
***
AN: Ohmygod! Akala niyo kayo lang ang kinikilig? Ako din kaya! Hahahahaha
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...