CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 35
Ada.Ilang araw na rin akong nasa unit ulit ni Sandy, ang alibi ko, gusto kong makasama siya. Ilang araw na rin akong naghahanap ng trabaho.
Mabuti na lang at nakahanap ako. Siguro, hindi na muna ako maghahanap nang malaki. Tama na muna itong kahit papaano ay kumikita ako dito sa coffe shop na pinasukan ko tatlong araw na ang nakalilipas. Kaysa naman sa nakahiga lang ako lagi at walang ginagawa, lalo lang siyang nagsusumiksik sa utak ko. Gusto ko siyang makita sa gayon ay ayaw ko rin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Mas mabuting iwasan ko na siya at wag na kaming magkita pa.
Biro man o totoo ang ipinagtapat niya. Naging malaking hudyat iyon para gisingin at lalong maghingalo ang puso ko. Alam ko ang sasabihin niya nang putulin ko iyon, ngunit hindi ko iyon kayang marinig. Hindi ko alam kung bakit.
Inabala ko ang sarili. Halos nga lagi na lang akong nakaovertime sa shop at pinapagalitan na ako ni Sandy dahil inaabuso ko raw ang katawan ko at kailangan ko naman daw ang magpahinga. Pero ayaw ko nang marinig pa si Sandy na paulit-ulit na sinasabi sa akin na hinahanap niya ako, ang boses ni Declan sa tuwing magtatago ako at hinahanap niya ako. Hindi ko siya kayang harapin. Siguro, lilipas din ito kung hindi ko muna siya makikita. Pero isipin ko pa lang na matagal kaming hindi magkikita, may kung anong kirot sa puso ko.
"Shivon? Sigurado ka bang okay lang na akuin mo ang shift ni Raymart?" Tanong ni Glen, ang barista dito sa shop.
Nilingon ko siya at tinigil ang pagmomop. "Oo naman, okay lang 'no. Saka, pera din 'yon."
Tumango siya habang itinatali ng half man bun ang buhok niyang may kahabaan. "Sige, ikaw na ang bahala dito ha? Uuwi na ako, nandiyan naman si Erwin para tulungan ka."
Tumango ako at ngumiti saka muling ipinagpatuloy ang pagmomop. Alas dyes na rin ng gabi, kaya walang tao ngayon sa shop. Twenty-for hours ang coffee shop na ito, dalawang tao kada shift. Si Raymart, siya at si Erwin dapat ang dapat na pumalit sa amin ni Glen, kaso masama raw ang pakiramdam niya kaya sinabi ko ditong kung pwede ay ako na lang muna ang papalit sa kanya. Pumayag rin naman siya, at para na rin daw may nakasama si Erwin sa shop.
Nagmomop ako sa loob ng cashier ng tumunog ang bell sa pinto ng shop. Hindi kaagad ako nagtaas ng tingin, sa halip ay ipinagpatuloy ko lang ang pagmomop kahit na naririnig ko na ang yabag ng kanyang paa.
"Ada..."
Natuod ako. Tumigil ang kamay ko sa paggalaw ng mop at humigpit ang kapit ko doon. Wala akong maramdaman, tumitibok ang puso ko ngunit hatid niyon ay purong sakit. Tumayo ako ng diretso at dahang-dahang humarap. Naramdamn ko ang pagkawala nang bawat himaymay nf aking emosyon, namawis ng malamig ang aking kamay. Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng pangalang iyon...
"Cristoff..."
Nakapagitan sa amin ang estante pero nararamdaman ko ang init na hatid ng kanyang mga matang nakatuon sa akin. Pero hindi iyon sapat para mapawi ang matinding sakit at pagkamuhi sa puso ko, hindi na iyon gagana pa.
"P—Pwede ba tayong magusap?" Nauutal niyang tanong. Malalim ang pagbaba ng kanyanfmg dibdib, nakikita kong kinakabahan siya.
Kinakabahan ba siya dahil sa naaalala niya ang ginawa niya sa akin?
Alam kong pareho lamang ang nasa utak namin ngayon. Alaala. Hindi ang magaganda, hindi ang makahaplod puso. Sa halip ay pangit. Alaalang nakaukit sa isip at puso namin. Na alam naming dalawa, na hinding-hindi namin makakalimutan kailanman.
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Malaki na rin ang pinagbago ng kanyang hitsura at pangangatawan, bigla ay pumasok sa isip ko si Declan. Ibang-iba sila ni Declan. Pero iisa lang ang layunin nila. Napailing ako. Ano kaya ang gusto niyang pagusapan namin? May kailangan pa ba kaming pagusapan?
May gana pa siyang ipakita ang mukha niya sa kabila ng lahat?
Nakikita ko ang mukha ng taong pinagbigyan ko ng buo kong puso at tiwala noon, at ang taong kumuyumos 'non at bumasag. Isang taong manloloko, at magaling magpanggap.
"Ada?" Tawag niya muli sa akin. May pagmamakaawa sa kanyang mga mata.
Tumango ako.
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)
Teen FictionClingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including the do's and dont's. Pero nang maencounter niya si Adeelah Shivon Agatep Tavajes na eksaktong eks...