Chapter 4

35.3K 556 8
                                    


CAPTURING DECLAN
C H A P T E R - 4
Eye to eye.








Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng makapal na usok, nakaduduling na mga makukulay na ilaw at nakakabinging tugtog kasabay ng mga nagsasayawang mga tao. Hinawakan ni Sandy ang aking palapulsuhan at nakipaggitgitan kami sa dance floor. Nang bitawan niya ang kamay ko ay yumukod siya at sumigaw sa aking tenga.




"Let's begin!" Nagsimulang itaas ni Sandy ang kamay at nakisabay sa kanta. Gumiling ito at nakisayaw sa iba, samantalang ako  naman ay manghang tinignan lamang ang kaibigan kong isang mahiyain noon pero ngayon ay daig pa ako dati kung pumarty. Malaki rin ang ipinagbago ni Sandy.



Nang makisayaw na rin ako ay may ilan akong nakilalang grupo, pagkatapos lang ng dalawampung minuto ay kinalabit ulit ako ni Sandy at sinabing puntahan na raw namin ang mga kaibigan niya. Nagpaalam naman ako sa mga nakasayaw kong mga babae at sumama kay Sandy. Bakit ngayon lang namin hahanapin ang mga kaibigan niya? Diba dapat ay kanina pa? Napailing iling si Shivon sa kahyperan ng kaibigan niya.








Nang mahinto kami sa isang table na napakaingay ay nilibot kaagad ito ng mga mata ko. Baka may kakilala ako at nandito pala ngayong gabi, iniiwasan kong mangyari ang ganoon sa ngayon. Ayoko ng maraming katanungan, dahil sigurado akong kung meron man ay uulanin ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang mga bagong mukha ang mga kaibigang ito ni Sandy.





"Guys! This is my bestfriend, Shivon." Ipinakilala ako ni Sandy sa kanyang mga kaibigan, at ang mga ito sa akin. Nakasundo ko naman sila kaagad at hindi nila ako iniiwanan.






Nakikipagusap ako sa isa sa mga kaibigan ni Sandy na si Qwin ng biglang lapitan rin kami ng isa pa nilang kasamahan na kaninang nagsasayaw kasama nina Sandy, dahil nakausap ko na rin naman siya, mukhang close na kami. Nang lumapit ito at umupo sa tabi ko ay hinila nito ang palapulsuhan ko at palapulsuhan ni Qwin.





Wirdo namang tinignan ni Qwin si Zyra. "Oh, lasing ka na ba?"



"Hindi pa 'no! Pero! Pero! Pero!" Niyugyog ni Zyra ang palapulsuhan ko at ni Qwin.




"Ano nga? Bakit ba?" Naging curious si Qwin, maging ako dahil mukhang excited si Zyra.




"May pogi roon! Nako! Ubod ng pogi talaga!" Kinikilig na wika ni Zyra.




Hinila naman ni Qwin ang sariling kamay sa pagkakahawak ni Zyra. "Puro ka pogi eh! Doon ka na nga!"



"Totoo naman!" Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Tara, Shivon. Puntahan natin! Ipapakita ko lang sayo!"






Nagaalangan man at dahil ayaw ko rin naman siyang tanggihan, tumango ako. "Sige."





Kaagad siyang tumayo at tinangay ako, dumaan kami sa dance floor at nakipaggitgitan muli sa nagpapawisang mga katawan at naghalong amoy ng pabango, umakyat kami ng hagdan na patungo sa itaas pang floor at sinalubong kami ng kantang nangaakit. Nagpatuloy ako sa pagtingin ng paligid ng kalabitin ako ni Zyra at bulungan.





"Eto na girl, kunyari napadaan lang tayo ha. Tapos dedma lang, okay?"





Binubulungan niya ako ng mapadako ang mga mata ko sa isang lalaking nakadress shirt na puti,  bumabakat iyon sa katawan niyang perpektong inukit. Nakaslacks na gray at hapit ito sa mahaba niyang binti, at brown na sapatos na alam kong mamahalin. Nasa likuran ng inuupuan nito ang kanyang coat at nakasabit, tamad ang pagkakapwesto ng kanyang pagkakaupo at nang dumako naman ang mga mata ko sa mukha niya... nagkatitigan kami. Sa akin siya nakadirektang nakatingin.







Hinila ako ni Zyra papalapit sa lalaki. "Shivon? Nakikita mo na ba siya? Siya iyong—" Patuloy na bumubulong si Zyra pero hindi iyon halata.





Hindi ko na siya napansin dahil hindi ko maialis ang mga mata sa tsokolateng mata ng lalaki. Nakadipena ng mabuti ang mukha nito, perpektong panga, matangos ang ilong at manipis ang labi at ang buhok ay brownish. Napakakisig niyang pagmasdan.




"Shivon? Nakatingin siya sayo!"





Siguro ay napansin ng lalaki si Zyra, siguro nga ay kanina niya pa ito nahahalata kaya't napangisi siya at sumimsim sa kanyang inumin. Tumayo ito at nataranta si Zyra ng makitang papunta ang lalaki sa aming direksyon kaya't bigla na lang itong umexit at iniwan ako doon na makaharap ang lalaki.




Iniabot nito ang kamay sa akin. "Hi. I'm Declan." Ngumiti ito at lumabas ang biloy.









***

ImperfectPiece


CBS#2: Capturing Declan (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon