Althea's Pov"Here."Iniabot ko kay Jade ang isang pares ng damit.I decided na umuwi muna ng bahay para makapag shower dahil basang basa kami ng ulan.Dinala ko siya sa guest room para maging komportable siya.Wala si nanay ngayon dahil kasama niyang nagbabakasyon si Dadiyo.Kaya no choice ako kundi ang ientertain ang aking bisita.Tutal ako naman ang dahilan kung bakit siya naulanan.Inasar ko pa kasi siya sa bulaklak na bigay niya sa akin.Nang maalala ang sunflower na bigay niya ay sumungaw ang isang ngiti sa labi ko.Hindi ko lang iyon ipinahalata sa kanya.
Oo,aaminin kong naroon pa rin ang excitement kapag kasama ko siya.Naroon pa rin ang longing at pagkamiss.Hindi ko lamang ito pinahahalata kahit na kanina,ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya habang yakap niya ako.Ni ayaw ko ng matapos ang mga sandaling iyon.Okey lang kung mangatog pa ako sa sobrang lamig dahil sa ulan,ang mahalaga,yakap ako ni Jade at yakap ko siya kasama ang init ng pagmamahal ko.
"Thanks."nakayakap siya sa sarili dahil na rin siguro sa lamig.
"Magpalit ka na bago ka pa magkasakit."remind ko sa kanya saka siya tinalikuran para lumabas ng guest room.
"A-Althea?"
"Hmm?"Bumaling ako sa direksyon niya at napakunot noo.Satwing tatawagin niya ako at babaling ako ay lagi na lamang siyang nakatulala sa akin.I wonder why?
At hindi ko din alam kung anong meron sa mga mata niya.Pakiramdam ko'y nalulunod ako satwing tititigan ko siya.
"S-Saan ka pupunta?"nag aalangang tanong niya.Ngumiti naman ako at sumagot.
"Magbibihis lang din ako."
"Babalikan mo naman ako di ba?"nagulat ako sa tanong niya.Double meaning iyon para sa akin.
*Palagi akong makakabalik.Dahil ang pagmamahal ko ang magbabalik sa akin,sayo.*Gusto ko sanang isagot pero iba ang lumabas sa bibig ko.
"Silly!Babalik talaga ako dahil hindi pa naman talaga ako umaalis."Makahulugan ko ring sagot sa kanya na mukhang ikinabigla niya ."Magpalit ka na.Ayun ang bathroom."turo ko sabay talikod.Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin niya.Natatakot ako.Natatakot ako dahil wala akong tiwala sa sarili ko.Baka kapag hindi pa ako lumabas ng kwartong iyon ay kainin ko ang sinabi ko kay Arci.Na hahayaan ko munang mag effort si Jade para patunayan kung sincere ba siya.Kailangan ko munang magpakipot para hindi ako matulad noon.Noon na iniwan.Noon na binalewala.
Nagawa kong magshower kahit na ang laman ng isip ko ay ang babaeng nasa guest room ilang metro lang ang layo mula sa kwarto ko.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit bigla bigla na lang nagpakita sa akin si Jade.Bakit nagpapabalik balik siya sa farm?Kung bakit pati si nanay ay parang nililigawan niya.Namula ako sa isipin na baka nagpaalam siya kay nanay para ligawan ako.Hihi
Ang hirap talagang mag assume lalo na kung wala namang sinasabi ang taong iyon sayo.Sabi nila,actions speak louder than words.Pero mukhang mali yata,dahil kapag pinaniwalaan mo ito,magkakaroon ka ng award as 'Assumera ng taon."Lol.
Mahirap pa rin basahin ang isang tao base lamang sa kilos niya.Ako yung tipo ng tao na hindi maniniwala sayo base lang sa kilos nito.Gusto ko pa rin ang mga taong straight forward.Kung may gustong sabihin,just tell it.Ayokong mangapa.Ayokong mag assume kahit na malaki ang pag asa na mahal pa rin ako ni Jade dahil sa pinapakita niya ngayon.
Nang matapos maligo ay nagdecide ako na puntahan si Jade para yayain na kumain.
"Jade,are you hungr--napanganga ako ng buksan ko ang pinto.
Isang babae ang nakaupo sa gilid ng kama.Medyo basa pa ang buhok.May mga tubig pang pumapatak sa leeg nito patungo sa cleavage niya.At higit sa lahat nakatapis lang ang babae kaya kitang kita ang mabibilog at mapuputing legs nito.
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.