Book II (18)

2.1K 111 9
                                    


Rhian's Pov

Day 1.

9:00 am.

Pagkatapos naming mag usap ni Jaja ay nag impake na ako ng mga gamit na dadalhin ko sa Isla Rastro.Nakumbinse ko rin si Jaja na tulungan ako para maging successful ang plano kong pagbawi kay Glaiza.Pero sa isang kondisyon,pagkatapos ng tatlong araw at hindi pa rin kami naging okey  ni Glaiza ay titigilan ko na ito.

"Sumama na lang kaya ako,ate?"Nag aalalang sabi ni Jade ng maisampa ko ang mga gamit sa bangka.

"Ja,kaya ko na to.Hindi naman siguro ako kakainin ng mga hayop dun."Natatawa kong sagot.Pero ang totoo ay kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung anong aabutan ko doon.Isolated pa naman ito,kaya malamang na ako lamang ang tao.

*I can do this!Aja!*Pagpapalakas ko ng loob.

"Kung bakit kasi yun pa ang napili mong lugar!"reklamo ni Jaja.Ayoko namang sabihin na 'iyon ang napili ko para kahit mag walkout si Glaiza ay wala pa rin siyang kawala sa akin.Unless,lalangoy siya pabalik dito.Hihi.

"Sissy,kalma ok!I'll make sure na babalik ako ng buo dito.And besides,pwede naman kitang tawagan.Naitanong ko na kay manong (turo sa bangkero) kung may signal doon.Meron naman daw parte ng Isla na may signal."Hiningal ako magpaliwanag sa kapatid ko ah.Hihi.

Bumuntong hininga siya,"Ok.Hihintayin ko ang tawag mo.At susunduin ka namin ni Althea incase na hindi sumipot si Glaiza."Nalungkot ako sa huli niyang sinabi.Paano nga kung hindi siya sumipot?Sayang naman ang paglalasing ko. Choz!

"Bahala na..Sinabihan ko na si manong na sunduin ako bago mag gabi.Wag na kayong sumama,ayokong idamay pa kayo sa kabaliwan ko."

"Buti alam mong baliw ka!"Natawa kaming pareho sa sinabi niya."Mag iingat ka don,ok."Niyakap ko siya saka sumampa sa bangka.Bago kami makaalis ay sari-sari pang bilin ang sinabi niya.Daig pa niya si nanay.Hihi.

Mahigit isang oras din ang binyahe namin bago narating ang Isla.Hindi pa ako nakakababa ng bangka ay tanaw na tanaw ko na kung gaano kaganda ang Islang iyon.Hindi iyon kalakihan pero sa mag isang tulad ko ay napakalaki na nito.

Inalalayan ako ni manong para makababa.Tinulungan din niya akong ibaba ang mga gamit ko.Niloko pa niya ako na para daw akong magcacamping  dahil sa dami ng mga dala ko.Lol.

Humanap ako ng magandang pwesto.Iyong makikita kaagad ni Glaiza once na dumating na siya.

*Ang tanong darating ba siya?*Epal ni Concia.

*Think positive,Rhian.Wag kang aayaw!*Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

"Salamat,manong."Nakangiti kong sabi ng maiassemble namin ang tent na dala ko.Oha!Girl scout yata to.Laging handa!Hihi

"Balikan niyo na lang po ako mamayang six o'clock incase na hindi dumating ang kasama ko."Iniabot ko sa kanya ang bayad
at nagpaalam na rin siya.Nagbilin din siya na mag iingat ako.Ang sweet ni manong bangkero.😅

Habang hinihintay si Glaiza ay inabala ko ang sarili sa paglilibot sa Isla.Sinigurado ko na hindi ako maliligaw kaya naglagay ako ng mga palatandaan sa bawat dadaanan ko.

Sa tantya ko ay tatlong Mall of Asia ang laki nito.Nakakamangha na may ganito kagandang lugar na hindi pa masyadong nadidiscover ng tao.

Puti ang ang buhangin.Namulot ako ng mga sea shells sa mga nadaraanan ko.Nakakaaliw din ang mga bato na may iba't ibang kulay at hugis.Dinampot ko ang hugis pusong bato na nagkukulay pula sa tama ng araw.Kasing liit lamang ito ng one peso coin.Isinilid ko iyon sa bulsa ng suot kong short para hindi mapahalo sa mga shells na hawak ko.

X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon