Glaiza's Pov"No way!I will never gonna try that one!"ilang ulit na umiling si Rhian habang tinuturo ang wheel of fate na balak ko sanang i-try kasama siya.
"Please lubb.This would be the last.I promise."Pamimilit ko sa kanya habang pinapanood ang mga tao na nag sisigawan sakay ng wheel of fate.
"I said,no!May plano ka ba talagang patayin ako?"reklamo niya sa akin habang nakapamayawang.Ilang beses ko na kasi siyang hinila sa ibat-ibang klase ng rides gaya ng Viking, Anchors away,Flying fiesta at marami pang iba.Hindi naman siya nakatanggi kahit halos mawalan siya ng ulirat sa kakasigaw.
Nakakaaliw siyang pagmasdan habang tumitili sa bawat rides na sinakyan namin kanina.
Si Gecko ang nagbigay ng idea sa akin sa date na ito.Naikwento niya sa akin na hindi pa nakakarating si Rhian sa isang theme park o kahit simpleng park lamang.Kaya siguro lumaki siya na malayo ang loob sa ibang tao dahil di niya naranasan ang makihalubilo at mag enjoy bilang teenager.At dahil sa limitado lamang ang nakakasama niya,naging dahilan iyon kung bakit hirap siyang magtiwala.Kaya ng pumayag siya sa dinner date na ito ay kinagat ko na ang pagkakataon na maiparanas sa kanya ang maging bata ulit.
Alam kong nag eenjoy siya sa kabila ng makabasag tenga niyang tili at paulit ulit na pag hampas sa braso ko.
*Okey lang kahit umuwi akong puro pasa dahil sa kanya,ang mahalaga,nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya.May libreng tsansing pa.*Maniac mode.
"Bakit mapapatay ka ba ng pagmamahal ko?"Hirit ko na ikinapula ng mukha niya.Napaka obvious nya talagang kiligin.
"Please?Last na to.Let's have our dinner after this."Hinawakan ko pa ang magkabila niyang kamay para mapapayag siya.Nabasa ko sa mga mata niya ang pag aalinlangan.Ilang beses siyang tumingin sa umiikot na wheel of fate at sa akin.
"I'll think about it."Napapalunok pa nitong sinulyapan ang ferris wheel.
Ring
Ring
Ring
Naputol ang pamimilit ko sa kanya ng may tumawag sa cellphone ko.Napangiti agad ako ng makita sa screen ang pangalan ng caller.Dala ng excitement kaagad ko itong sinagot.
"Hello?Hello?What?I can't hear you."sabi ko kay Jade na nasa kabilang linya."Ah lubb,wait me here."Pero bago pa ako makatalikod ay napigilan niya kaagad ang kaliwang braso ko.
"Teka,saan ka pupunta?Iiwan mo ko dito?"tanong nito sa di makapaniwalang tono.
"Di ko marinig si Jade.Mukhang importante pa naman."turo ko sa phone." Sana pagbalik ko pwede na tayong sumakay diyan."turo ko sa napakataas na ride.
"Fine.I'll wait you here."At saka humalikipkip.Sa takot na mapasakay ko siya roon ay nasa bukana lang siya nito.Sa taas ay may arkong nakasulat na "Wheel of Fate".
"Sige na lubb,mabilis lang 'to."Tumalikod na kaagad ako bago pa siya mag iba ng isip.
Bahagya akong lumayo saka ko kinausap ng maayos si Jade.
"So ano na?"excited kong tanong.
"Ready na ang lahat,Glai."Ramdam ko din ang excitement sa boses ni Jade.
Tiningnan ko ang wrist watch kong suot.
It's nine o' clock in the evening.
"Thanks,Jadey.I owe you a lot."Bago ko tapusin ang tawag.
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.