Book II ( 20 )

2.3K 109 10
                                    


Rhian's Pov

Day 3.

Naalimpungatan ako ng wala akong makapa sa tabi ko.

*Kailan kaya ako magigising sa umaga na nasa tabi ko siya?*

*Asanes!*Pang aasar ng maganda kong konsensya na ngayon ay gising na gising na rin.

Bumangon ako saka ko naalala na nakahubad pa rin pala ako na natatakpan lamang ng comforter.Ewan pero pinamulahan ako ng mag sink in sa utak ko ang nangyari sa amin ni Glaiza kagabi.

*Geez!*Naramdaman ko ang panlalamig dahil na rin sa hubad kong katawan.Dali-dali akong nagbihis habang napapangiti sa kawalan.Sariwa pa sa utak ko ang ginawang pag angkin namin ni Glaiza sa katawan ng isat isa.Ni hindi na nga kami nakakain ng dinner dahil iba ang inatupag naming kainin.Lol.

Pinakiramdaman ko ang sarili.Wala man lang akong panghihinayang na maramdaman dahil sa pagbigay ng pagkababae ko kay Glaiza.Ito naman ang matagal ko ng pangarap.Ang angkinin ng taong mahal na mahal ko.Kaya bakit ako magsisisi lalo na't kagabi ay napatunayan ko na may pagtingin pa rin siya sa akin.Oo hindi niya iyon sinasabi pero ipinaramdam niya ito sa pamamagitan ng maingat na pag angkin sa akin.

Napag usapan na rin namin ang pagbibigay ng panahon sa isat isa.Tama siya.Kailangan namin ng panahon para sa mga sarili namin.Masakit na sa pangalawang pagkakataon ay palalayain ko siya,pero ito lang ang tanging bagay na magagawa ko para sa kanya.Ang ibigay ang oras na hinihingi niya.

*Hays!*Napabuntong-hininga ako ng maisip  na ngayong araw na lang kami magkakasama pero sa halip na magmukmok ay lumabas na ako sa tent para sulitin ang huling araw namin dito sa Isla.

"Goodmorning,awesome."
Nakangiting pagbati sa akin ni Glai pagkalabas ko ng tent.

*Awesome?*Bigla na naman akong pinamulahan ng maalala ang nangyari kagabi.Ewan pero iba ang dating sa akin ng 'awesome' tingy niya.O nagkabuhangin na rin ang beautiful brain ko?

Nakita ko siya sa di kalayuan habang namumulot ng sea shells.Napangiti ako ng mapagmasdan ang suot niya.Suot niya ang isa sa mga damit ko.

"H-Hi.Goodmorning too."Balik kong pagbati habang naglalakad papalapit sa kanya."A-Ang aga mo naman yatang magising."Hindi ko masalubong ang tingin niya dahil satwing magtatama ang mga mata namin ay muli kong naaalala ang maka uhm na tagpo kagabi.Yaaay!

"Gusto ko sanang panoorin ang sunrise kaso nahuli na ako.Anyway,hiniram ko pala yung damit mo."Nahihiyang sabi niya na ikinangiti ko.Ang cute niyang pagmasdan habang kumakamot sa kilay niya.Hihi

"Ok lang.Sana nga damit na lang ako."sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit?"

"Para naman masabi mo na bagay rin pala ako sayo."Sabay taas baba ng kilay ko.

"Hahahaha..puro ka kalokohan."pinitik niya ang noo ko at nilampasan ako.

*Sus!Ayaw pang aminin na kinilig siya sa banat ko.Hihi*

"Let's have breakfast.Nagugutom na ang mga alaga ko."Haplos niya ang tyan ng bumaling ako sa kanya.Nakapout pa ang poging ito.Parang bata.Sarap i-kiss.Charot!

Sumunod na ako sa kanya papunta sa tent para mag almusal.May dala naman kaming bread kaya iyon na lamang ang nilantakan naming dalawa.

Masaya kaming nagkwekwentuhan.Naikwento ko sa kanya nung mga bata pa kami ni Jaja.Lahat ng mga kalokohan namin gaya ng pagnanakaw ng tanim na mga bulaklak ni Aling Tasing.Siya naman ay nagkwento rin noong kabataan niya.Madalas daw siya noong asarin ng mga kaklase niya.At isang beses daw ay nasuntok niya ang kaklaseng lalaki dahil inaasar daw siya nito na mukhang kwago.

X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon