Glaiza's PovHindi ko akalain na mapapaiyak ako kanina sa harapan nilang tatlo.Siguro hindi ko na napigilan ang pagsabog ng emosyon ko lalo na ng matinding selos.
Nagtatakbo ako sa kwarto dahil ayokong mapahagulhol sa harap nila.Pagkapasok ko ay inilock ko kaagad iyon dahil siguradong susundan ako dito ni Gecko.Ayokong makita niya ako ng ganito.Ayokong makita niya na mahina pa rin ako at iisang babae lamang ang nagpapahina sa akin mula noon hanggang ngayon.Ayokong makita ang awa mula sa mga mata ng kapatid ko.
Nang mai-lock ang pinto ay umupo ako sa gilid ng kama at doon nag iiiyak.
Masakit para sa akin na makita ang mahal ko na may kasamang iba.Makita siyang nakangiti dahil sa ibang tao.Kapag nakikita ko silang nagtatawanan ni Jayson,o hahawakan nito ang kamay niya at hahalikan,hindi lang mata ko ang sumasakit,mas higit ang puso ko.
*Ganitong-ganito siguro ang naramdaman nya noon satwing makikita kami ni Sanya.Ang sakit!Ang sakit pala!*
Naisip ko nga,baka bumabawi siya sa pananakit ko sa kanya noon.Pero kaagad ko ring tinanggal sa utak ko ang ideyang iyon.
Tumigil lang ako sa pag iyak ng maisip na hindi iyon magagawa ni Rhian sa akin.Oo,nasaktan ko siya noon,nasaktan niya ako,at muli ko siyang nasaktan ng umalis ako isang taon na ang nakakalipas.Pero sa lahat ng nagawa kong masakit sa kanya,hindi niya ako pinaghigantihan.At isa iyong katangian na minahal ko sa kanya.Hindi nga niya ako kaagad pinatawad pero atleast hindi rin siya nag isip na gantihan ako sa lahat ng sakit na idinulot ko sa kanya.
Lumipas ang oras at di ko namalayang nakatulog pala ako.Hindi na rin ako nakapag dinner.Nagising lamang ako ng may marinig akong mga katok.
"Glai?Can we talk?"Agad pumitlag ang puso ko ng marinig iyon kasabay ng isa pang katok.
*Rhian.*
Hays!Hindi pa rin talaga nagbabago ang pagtibok ng puso ko pagdating sa kanya.Pakiramdam ko nga napakadami ko ng alagang hayop sa tyan ko at mukhang nagkakagulo na naman sila.
Kinusot ko ang mga mata at pinagbuksan siya ng pinto.Muli akong umupo sa gilid ng kama ng maramdaman ko ang presensya niya sa loob.
*Say something,Glaiza!*
Lumunok muna ako at sinabi ang kanina ko pa gustong sabihin ng hindi man lang tumitingin sa kanya.
"I'm sorry."Napabaling ako sa kanya ng sabay kaming magsalita.
Nagkatitigan kami.
Muli ko na namang natitigan ang mala tsokolate niyang mga mata na masasabi kong best asset niya.
Sa pagtitig ko roon ay sari-saring emosyon ang bumalik sa akin kaya nagawa kong alisin ang paningin sa kanya at tumungo na lamang.
Hanggang nauwi ang usapan namin sa pang aasar niya.Sabihan ba namang nagfla-flush ako este nagba-blush.Pasalamat siya,mahal ko siya.Lol
At ngayon nga'y mag isa na ako rito sa kwarto.Gusto ko na namang umiyak sa isipin na magka date sila ng unggoy na 'yon.Masayang magkasama.Baka nga sa mga oras na ito ay todo pa-impress na si unggoy sa Babylubb ko.
Hindi ko naman siya mapigilan.Kahit gusto ko na lang siyang ikulong sa kwarto kasama ako.Pero ano bang karapatan kong gawin iyon?Hamak lang naman akong pogi na pilit bumabalik sa buhay niya.Gusto ko ring makapag decide siya kung sino sa amin ni unggoy ang gusto niyang papasukin sa buhay niya.
*Sana ako pa rin.Ako na lang ulit.*Bigla akong natawa sa isipin na iyon.Naalala ko na lines iyon sa favorite movie ni Gecko.
Iyak tawa ako hanggang sa makarinig ako ng mga katok.
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.