Book II (24)

2.2K 104 11
                                    


Rhian's Pov

Awkward.

Tahimik  lamang kami habang kumakain ng lunch.Hindi pa rin ako makaget over sa pagyakap ko kay Glaiza.Katakot takot na kantyaw tuloy ang inabot ko sa mag asawa.Malay ko bang siya yon?Kaya pala ang bango.Dont get me wrong.Mabango rin naman si Besty pero mas gusto ko talaga ang amoy ni Glaiza.

*Nu ba yan!Nasa harap ako ng pagkain kung anu-ano ang naiisip ko.*

"Kamusta pala ang flower shop mo,besty?"Pagbasag ni Althea sa katahimikan.Magkatabi sila ni Jade sa kabilang bahagi ng table habang kami naman ni Glai sa isa pa.

"Mabuti.Sila Kylie at Angel muna ang nagmamanage ng shop habang wala ako."sagot ko habang lihim na sumusulyap sa babaeng katabi ko.Tahimik lamang siya at siya lamang ang bukod tanging hindi nang asar sa akin kanina.

"Buti hindi ka pinagseselosan ni Kylie?Lalo na't naging love interest ka ng asawa niya."tatawa-tawang sabi ni Jaja.

"Hindi.Alam naman niyang--"

"May mahal ka na?"putol nito ng sasabihin ko.Napatingin tuloy ako kay Glai na nakatingin rin pala sa akin.

"Mahal siya ni Angel."sagot ko sabay iwas ng tingin.

"Dont you like the food,ate?"Tanong pa nito.Napansin niya sigurong nilalaro-laro ko lang ang laman ng pinggan ko.Paano ba naman ako makakakain kung nasa isip ko pa rin yung nangyari kanina.

"Ha?Ah oo, eh hindi."Napakunot ang noo ni Jaja dahil sa sagot ko."I mean,masarap."tumango-tango naman ito saka nagpatuloy sa pag kain.Sumubo na rin ako para hindi na ako mapuna pa ni Jaja.

"How 'bout you Panda?Anong naisipan mo at umuwi ka ulit?Sabagay,marami ka namang pera,ginagawa mo lang Quiapo ang London."si Althea naman ang nagtanong kay Glai.

"I resigned." maikli nitong sagot na ikinatigil ko sa pagsubo.

"What?But why?"takang tanong ni Besty.

"Simple.Ayoko na doon at gusto ko na ditong mag stay."Doon na ako napabaling sa kanya.Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatitig ang mga mata niya sa akin.

"Wow!Ang bilis mong magdecide ha."natatawang comment ni Besty.

"Actually,matagal ko na yung pinag isipan."sabay iwas niya ng tingin sa akin.

"So nakahanap ka na ba ng bahay?"segunda ni Jaja.

"Nah!Hindi pa kaya nga nakikisiksik muna ako dito sa inyo."Ngumiti siya ng tipid.

"Alam mo may kilala ako,mag isa siya sa condo niya baka dun pwede ka."

"Ja!"saway ko sa mahadera kong kakambal.

"What?"Natatawa nitong tugon saka ipinagpatuloy ang pag kain.Iiling-iling na lamang ako sa sinabi niya.

"Panda,alam mo naman kung gaano ka ka-welcome dito sa bahay  but I hope you dont mind. Bakit hindi ka muna kay na nanay magstay?Namiss ka din naman ng lovers."Althea.

"Hindi pwede dahil malayo kay na nanay ang bago kong trabaho."

"Mag asawa ka na kasi para may bahay ka na,may asawa ka pa."banat na naman ni Jaja na sa akin nakatingin.Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

"Dont worry,icoconsider ko yan."natatawang pagsakay naman nito sa biro ni Ja.

"May nahanap ka na bang magiging asawa?"Si Besty naman na nakangiti sa akin ng nakakaloko.

X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon