Book II (30)

2.3K 93 7
                                    


Jade's Pov

Tunog ng piano ang narinig ko sa pagmulat ng mata ko.Bigla na lang akong napangiti ng marealized ang kanta na nililikha ng tunog ng piano.Thousand years.At dahil dalawa lang naman kaming nakatira sa bahay na ito,alam ko na kaagad kung sino ang may gawa niyon.

Hindi na ako nagtaka ng walang Althea akong nahagip sa kama.Mabilis akong bumangon at nag ayos ng sarili saka lumabas ng kwarto.

Pababa pa lamang ako ng hagdan ng lalong lumilinaw sa pandinig ko ang tunog ng piano.Nang makababa ay nabungaran ko ang likod ni Althea.Nakatalikod sya sa direksyon ko at nakaharap sa malaking piano na para talaga sa kanya.She's a pianist.Sa buong pagsasama namin ay nalaman ko ang hilig niya sa pagtugtog ng piano.

Nakangiti akong lumapit sa kanya habang nasa mga mata ko ang malaking paghanga para sa aking asawa.Hanggang ngayon gusto ko pa ring kurot-kurutin ang sarili at itanong kung totoo ba lahat ng ito?Abot tanaw ko ba talaga ang babaeng pinangarap ko noon pa man?Ilang hakbang na lang ba talaga ay naroon na ako sa kinauupuan niya?Mahahawakan.Mayayakap. Mahahalikan na noon una ay napaka imposibleng mangyari.

"Good morning,love."Sabay yakap ko sa likuran niya na ikinatigil niya sa pagtugtog."Please continue."Malambing kong utos na agad din niyang sinunod.Muling pumailanlang ang tunog ng piano.

Mas lalo ko naman siyang niyakap ng mahigpit na may kasama pang halik sa pisngi na ikinangiti niya.

Pumikit ako at hinayaang ganoon ang pwesto naming dalawa.Napangiti ako sa hangin ng maalala ang lahat ng mga away-bati moments namin.Inaamin ko naman na nitong nagdaang mga buwan ay mainitin ang ulo ko.Mabilis maubos ang pasensya ko.Siguro dahil na rin sa pagbubuntis.Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang magdala ng sanggol sa sinapupunan.Kailangan ng dobleng ingat at buong pagmamahal para alagaan ang isa pang buhay.Kaya naman saludo ako sa mga nanay na handang ialay ang buong buhay nila para sa kanilang mga anak.Bigla ko tuloy na-miss si Nanay.

Natapos ang tugtog at humarap sa akin si Althea na ngiting-ngiti.

"At anong iniisip ng napakaganda kong misis?Anyway,good morning."Bahagya niya akong hinila at pinaupo sa kandungan niya kasunod ng halik sa pisngi na ikinapula ko.

*Hanggang ngayon,hindi pa rin niya ako nakakalimutang pakiligin.*

"At good morning din sayo,my princess."Haplos niya sa mabilog kong tyan na bahagya kong ikinakiliti.Lalong lumuwang ang pagkakangiti ko sa isiping magiging mabuti rin siyang momy sa magiging baby namin.

"Iniisip ko kung anong iluluto ko for breakfast.Hindi ka pa nagugutom?"tanong ko sa kanya habang nakalingkis ang braso ko sa leeg niya.

"Not yet.Makita lang kita ay busog na ako."with matching wink.

Kahit korni ang sinabi niya ay di ko pa rin naiwasang ngumiti at kiligin.

"Ginawa mo naman akong pagkain."

"Bakit?Pwede naman kitang gawing almusal ah."Nakangisi niyang sabi sabay taas-baba ng kilay niya.

"Heh!Magtigil ka!"Saway ko habang namumula ang pisngi.

*Ang halay mo,Althea!*

"I love you."Bulong niya sa tenga ko kasabay ng bahagyang pagkagat na lalong ikinapula ng pisngi ko.

"Nu ba,love!"Pinang singkitan ko siya ng mata.

"Whuut?"Natatawa niyang tugon sa akin.Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakapulupot ng dalawa niyang kamay sa bewang ko.Kinikiliti pa ng hintuturo niya ang bewang ko.

X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon