Book II (9)

2.4K 111 33
                                    


Rhian's Pov

"Besty?"Napalingon ako sa pinto ng room namin.Nakita ko doon ang malungkot na si Althea.Wala si Jaja dahil nagpaalam ito kayna Batchi na hindi kami makakasama sa pagtotour nila dahil sumakit ang ulo ko.Ang totoo,hindi lang ulo ang iniinda ko ngayon,pati na rin ang puso.

"Bakit hindi ka daw sasama sa amin?"Nakalapit na pala siya sa gilid ng kama habang ako naman ay nakasandal sa headboard nito.

"Stupid question,Althea!"I hissed!At kapag binanggit ko ang pangalan niya,alam niyang galit ako!

"Im sorry,besty."Yumuko ito saka pinaglaruan ang mga daliri.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?Bakit mo pa hinayaang magmukha akong tanga sa harapan ng kakambal mo?!Bumabawi ka ba dahil sa pananakit ko noon sa kapatid mo,ha,Althea?"Muling naglaglagan ang mga luha sa mata ko.

"No..no..Besty,hindi totoo yan.Wag mo naman akong pag isipan ng ganyan."Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko dahil nababasa ko ang pagtatampo sa mukha niya.

"So bakit nga?!!"sigaw ko sabay tayo.

She sighed.

"Akala ko hindi mo na siya mahal.A-Akala ko hindi na yun importanteng malaman mo."Yumuko ulit ito.Habang ako ay nakasandal sa may bintana at nakatingin sa kanya.

"Mahal na mahal ko pa rin siya,Althea."Pag amin ko na ikinatunghay niya.

"Bakit sabi ni Jade uuwi na kayo?Bakit ka aalis kung mahal mo pa pala siya?"

"Dahil hindi ko kayang makita na may i-iba ng nagpapasaya sa kanya."pumiyok ako sa 'iba' na sinabi ko.Nakatitig lang ako kay Althea habang nag uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.

"Hindi mo man lang ba siya ipaglalaban?"

"Tell me,paano mo ipaglalaban ang taong sinukuan ka na?"Punong puno ng sakit ang boses ko.God!Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong sakit!And its torturing inside!Ganito rin ba ang pakiramdam ni Glaiza ng sukuan ko siya?

"Sinukuan ka ba niya agad nang mga panahon na halos ipagtabuyan mo siya?"Nagsukatan kami ng tingin ni Althea.

*Is she blaming me sa mga pagkakamali ko sa kakambal niya?*

*No!*Kontra ni Concia.

"Anong gusto mong gawin ko?Agawin siya kay Sanya?Ganon ba?!"Tiim bagang kong tanong.

"Hindi."Ilang ulit siyang umiling."Gusto kong patunayan mo sa kanya yang sinasabi mong pagmamahal.Nang sa ganon,hindi ka magsisi na hindi mo nagawa ang dapat noon mo ginawa kung naging matapang ka lang sana."Napatanga ako sa words of wisdom niya.

Bumaling ako sa may bintana.Tanaw ko roon ang malawak na dagat."Hindi mo ba nakikita na masaya na siya?Tatanggalin ko na naman ba ang kasiyahan na minsan kong inalis sa kanya noong talikuran ko siya?"Muli akong napaiyak sa kawalang pag asa.At saksi ang malawak na dagat sa pighating iyon.

"Naging masaya ka ba ng talikuran mo siya?"Humarap ako sa kanyan.Naroon pa rin siya sa pwesto niya kanina.

Umiling ako bilang sagot.

"Uulitin mo na naman ba ang pagkakamali mo noon?Tatalikuran mo na naman ba siya ngayon?Sa pagkakataong ito,magiging masaya ka ba?"Seryoso niyang tanong sa akin.

Ilang ulit akong umiling.Alam ko naman na hindi na ako magiging masaya lalo na't wala na ang taong makakapagbigay nito sa akin.Habang buhay na lang akong magiging mahina dahil wala na ang aking lakas.

X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon