(BABALA #1: Ang chapter na ito ay lubhang mapanakit.Kung ayaw may sumakit,wag tatangkaing basahin.)(BABALA #2: May apat na "K" na nakapaloob sa chapter na ito.Una,
K-dramahan.Pangalawa,Kulitan.
Pangatlo,Kiligan at pang apat..pakibasa ng unang babala.Lol)Enjoy!😊
Rhian's Pov
Day 2.
Rinig ko na ang huni ng mga ibon at hampas ng alon pagmulat pa lamang ng aking mata.Nang maalala ang nangyari kagabi ay agad sumilay ang isang napakagandang ngiti sa napakaganda kong labi.Choz!
Sariwa pa sa memorya ko ang pagkakaayos namin dalawa ni Glaiza.Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang ay nagbago ang isip niya.Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon na makasama siya sa loob ng tatlong araw.Hindi ko alam kung anong mangyayari after nito,pero hindi ko na iyon iniisip.Ang mas iniisip ko ay ang ngayon.May dalawang araw na lang akong natitira para makasama siya,at susulitin ko na ito hanggang sa huling segundo.
Naging mahimbing din ang tulog ko ng nagdaang gabi.Dahil siguro katabi ko siya habang nakayakap sa akin.Iyak pa rin ako ng iyak marahil sa sobrang saya at sa sobrang pagkamiss ko sa mga yakap niya.
Nang maalala na katabi ko nga pala siya ay agad kong kinapa ang kanang bahagi ng higaan.
At napabalikwas ako ng walang makapa mula roon.
*Where is she?Iniwan na ba niya ako?Kaya ba extra sweet siya kagabi ay dahil may balak siyang umeskapo ngayon?*
*NO!Hindi ako papayag!*
Nagmamadali akong lumabas ng tent at parang nawala ang antok ko dahil na rin sa isipin na baka tinakasan ako ni Glaiza.
"Babylubb?"Sigaw ko ng makalabas ng tent.Pero walang tumugon sa tawag ko."Glaiza?!!!"Mas nilakasan ko pa ang sigaw pero mukhang wala talagang nakakarinig.
Lakad takbo ako habang palinga-linga sa paligid."Glai,please.Magpakita ka na.Huhuhu.."Hindi ko maiwasang mapaiyak sa isipin na hindi siya sumunod sa usapan."Babylubb?!!!!"Halos mag echo lang ang boses ko pero walang Glaiza na nagpakita.
*I guess,iniwan na nga niya ako..nang mag isa.*
Napaupo ako sa buhanginan dahil na rin sa pagod at kawalang pag asa.
Napayakap ako sa dalawa kong tuhod at doon sumubsob habang umiiyak.
*Pinasaya tapos iiwan din pala!Chaklap!*😭
"Booset ka,Glai!Kapag di ka bumalik,I'm gonna kill you!!!"sigaw ko sa dagat at halos mag gatilan na ang mga ugat ko sa leeg dahil sa pagsigaw.
"Napakabayolente mo talaga."
"Wag kang makialam!Hindi ikaw ang kausap ko!"sita ko sa nagsalita mula sa likod ko.Napakaepal!
May narinig akong malalakas na tawa mula pa rin sa likod at automatic nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang sinabi.
"Oh sorry.Akala ko ako ang kausap mo,magkapangalan kasi kami ng taong gusto mong patayin."Natatawa pa rin nitong sabi saka ako lumingon at promise gusto ko ng magpakain sa pating dahil sa pagkapahiya lalo na ng makita ko ang nakangisi niyang mukha.
*Concia!Narinig niya!Narinig niya!*Nagpapanic na ako deep inside dahil sa mga sinabi ko na obvious naman na narinig niya.
*Ikinahihiya kita,Rhian!*sigaw ni Concia.
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.