Jade's Pov*This is it!Ito na ang katapusan ng pagiging buhay single ko.Mamaya maya lang ay isa na akong ganap na Mrs.Galura.Kaiyak!
Tiningnan ko ang sarili sa harap ng salamin pagkatapos akong maayusan.Kitang-kita ko mula roon ang blooming na ako.Hindi lamang iyon dahil sa make up kundi dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko.Nagniningning ang mga mata ko sa sobrang saya na nararamdaman.Umikot ako para makita ng mabuti ang gown na suot.
*Gosh!Ako ba talaga to?*Di makapaniwalang tanong ko sa sarili.Hindi ko akalain na ang nerdy noon na ako ay magtatransform ngayon sa isang napakagandang babae.
"Napakaganda mo anak."Nakangiting bungad ni nanay at hinaplos pa ang suot kong wedding gown.
"Thank you nay!"sabay yakap ko sa kanya.Kasunod niya si Dady Oscar at si ate Rhian.
"Wow!"nasabi na lang ni Dady at niyakap din ako ng mahigpit."Congrats,anak."
"Where's my sister?Ilabas niyo siya!"Natawa naman kami sa sinabi ni ate.May aksyon pa ito na naiiyak.
"Ate!"I rolled my eyes.
"Ja?Ikaw ba yan?Bakit mas maganda ka sa akin ngayon?"Pinanindigan po talaga niya yung acting niya.
"Ofcourse!Mas maganda naman talaga ako sayo."Smirk ko pa na ikina pout niya.
"Sige na nga!Pero ngayon lang ha.Bukas mas maganda na ulit ako sayo."Natatawa siyang yumakap sa akin at sumunod si nanay at Dady.
"So let's go?Siguradong kanina ka pa gustong makita ni Besty."Tumango ako at saka kami lumabas sa room kung saan ako nag stay.Nakaalalay sa akin si Dady habang si nanay at ate ay siyang humahawak sa gown ko para hindi ito sumabit habang naglalakad.
Nang makalabas sa room ay bababa pa kami para makarating sa dalampasigan kung saan naghihintay ang love-love ko.Yieee..
Napansin ko ang hagdan habang pababa kami.Maging ito ay may dekorasyon.Punong-puno ng bulaklak ang gilid ng hagdan at carpeted din ito.Feeling ko tuloy,isa akong prinsesa.Isang napakagandang prinsesa.
Nang makababa ay may pintuan pa kaming nilabasan saka ko nabungaran sa di kalayuan ang venue ng kasal.
Maraming upuan sa tabi ng aisle.Puno na rin iyon ng mga tao.Ang aisle na lalakaran ko ay punong puno ng napakaraming petals ng bulaklak.Sa dulo ay may arko,nakaharap ito sa malawak na dagat.Kung saan naroon ang officiant.Naghihintay sa amin ni Althea.Pati ang mga puno ng niyog sa paligid ay may dekorasyon rin.May mga bulaklak,kabibe at starfish na nakasabit sa mga iyon.
Samantala,natanaw ko mula sa unahan ng aisle si Althea.Siya ang unang maglalakad sa amin.
*Dito love!Lumingon ka please!*Panalangin ko ng biglang tumunog ang intro ng wedding song namin.Sign na kailangan ng maglakad ni Althea papunta sa dulo ng aisle kung saan naroon ang officiant na magkakasal sa amin.
"Anak,just feel this moment ok."Sabi ni nanay saka ako inalalayan sa paglalakad.Nauna sa amin si ate dahil siya ang nagsisilbing maid of honor,nasa unahan niya si love at ang parents nito.At ang unang lalakad ay ang cute na cute na si Nigel.Na siyang magdadala ng singsing namin.
Sinilip ko si Althea pero likod lamang niya ang napagmasdan ko.Gusto ko na siyang sitsitan para makita ko kung gaano siya kaganda sa araw na ito.
The moment we met
I just could'nt explainNagsimulang maglakad ang bata na sinundan ni Althea at ng parents niya.
I find myself drawn to you naturally
BINABASA MO ANG
X+X = Y not? Book II (RaStro)(Completed)
RomanceApat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my reading lists. At kung nabasa na po ito, eh 'di good for you. lol X + X = Y not? The Book II. Enjoy.